JET'S POV
Bahala na kung anong sabihin nila. Bahala na kung buong araw nila kaming pagtsismisan at pagtinginan. I don't care at all.
For once in my life, I told her what I really feel. Ayoko nang maging Jet na kaibigan niya.
I want to be more than it. I want to take our friendship to another level. I know simula pa ang ito ng madami naming pagsubok, but I really don't mind. All I want is to hold her hand through the ups and downs of my life. I want to share every happy and sad moment with her. I want to know her deeper.
If makakawala ako sa friendzone na ito, all that I want will eventually happen. Mas okay kasi na alam mong mutual kayo. Na alam mong ang nararamdaman mo sa kanya ay hindi one-sided. Na kahit papaano may clue siya sa nararamdaman ko. May pakialaman siya kung may mararamdaman man akong wirdo o pagseselos.
I told her everything when I was in the lane. I kept inhaling and exhaling very deeply, Sa sobrang kaba feeling ko magpapass out na ako. OA man pero maranasan mo kaya na harap harap sabihin sa crush mo ang paghanga mo sa kanya. Lalo pa sa sitwasyon ko na mahal ko na siya. Inch by inch, detail per detail maiko-confess mo sa kanya ang mga dahilan ng kaligayahan at kalungkutan na naidudulot niya sa iyo. Masarap sa pakiramdam, pero nakakakaba rin after mong sabihin sa kanya.
After kong sabihin ang super long speech ko ( Hahaha! Nagsulat talaga ako sa 1/2 paper ng magiging speech ko kaso nung kaharap ko na sya muntik pa akong mablocked. Haha! ) , niyakap ako ni Toyang. Sobrang higpit ng yakap nya na nararamdaman ko na ang bilis ng tibok ng puso ko na nakikipagkarera sa tibok ng puso niya. Sobrang close namin na naaamoy ko na ang shampoo at hininga niya. Naaamoy ko na ang pabango niya (Sobrang bango lang! Heaveeen! *o* ) Sa sobrang dikit niya, parang anytime mahahalikan ko na siya.
But something is stopping me to do this.
She is still Zig's property.
I can wait. Kakayanin ko. Tiwala at dasal lang kay Papa God ang katapat niyan. Basta kahit papaano, kahit kabado at namumutla na ako, sure na ako na wala na ako sa friendzone. May namamagitan nang espesyal sa amin ni Toyang.
Ngumiti ako at halos mapasigaw sa loob loob nung sinabi niyang '' Soon , Castaneda. SOON..'' Napasabi ako kay Papa God ng..
Sana po hindi magiging sobrang tagal ang SOON niya. Hehe~
Habang nakayakap sa akin si Toyang, napansin kong parang hindi masaya sina Pao sa nangyayari sa akin. Parang kanina lang full support sila and all. Sila pa nga ang nagbigay ng idea sa akin para gawin ito.. Bakit ganoon? What's wrong with them?
Parang may mangyayaring masama. Ayoko lang talagang maspoil ang mga happy thoughts ko now. IT'S ALL IN THE MIND, JET! STOP NAAAA!Nung humarap na sa akin si Toyang, bigla namang tumalikod at umalis na sa lovers' lane sina Pao.. Anong meron?
------------------------------------------------------------------------------------------
TOBY'S POV
''May kailangan tayong pag-usapan.'' sabi ko habang naglalakad palayo ng lovers' lane. Sinundan ko lang si Pao na unang tumalikod at nagwalk-out sa eksena nina Jet at Macon.
BINABASA MO ANG
Confessions of a Torpe
Novela JuvenilPaano mo masasabi na wala ka na sa Friendzone? Madali lang daw sabi ng mga ka-team ko. Madali nga ba sa tulad kong torpe at nice guy? I'm Jet Castaneda and these are my confessions.