Confession 13 (Part Two) : Double Date Disaster

940 25 2
                                    

Boyfriend mo ba si Jet?

Boyfriend mo ba si Jet?

Boyfriend mo ba si Jet?

Boyfriend mo ba si Jet?

Habang nag-eecho pa rin sa tenga ko yung tanong na yun, tintingnan ko ng mabuti yung reaksyon ni Toyang..

'' HAHAHAHAHAHA! ANO??! SI JET BOYFRIEND KO? HINDI HA! HE'S JUST MY CLOSE GUY FRIEND! HAHAHAHAHAHA! ANO BA YAN MIKA!!!!'' Humagalpak pa sa tawa. What a joke. What a funny joke.

ARAY HA. SAPUL SA VENTRICLES AT ARTERIES NG PUSO KO HA! Parang pinana ng milyong archers ang puso ko Buti sana kung si Kupido eh, kasi hindi! hassle. Inisip ko na nabingi lang ako. Pero paano ako mabibingi kung sa sobrang lakas nga ng tawa at sagot nya, napatingin at nahawa sa pagtawa yung mga katabing tables namin.

WOW. ANG SAYA!  MAKATAWA NGA DIN PARA BAWAS SA PAGKA-OBVIOUS.

'' Hahahaha!  hala siya Mika. Kung anu-ano iniisip mo'' Ako

''Eh kasi naman, you both look good together. Di ba baby?'' Tumngin siya kay Zig at tumango na lang yung boyfriend niya.

Sayang yung compliment ni Mika. I WISH KAMI NGA NI TOYANG.

Hindi pa lang ako nakaka-damoves, naunahan na ako ng pagkabasted.

Teka nga, di pa naman ako nanliligaw, basted na kaagad? So anong tawag niyo sa nangyari sa akin? Hayyyy. Hara-harapan na pangfe-Friendzone ito ha! Woooow. Nadale pa ako sa Mcdo ng kahihiyang ito. Buti na lang naturuan ako ni Pao ng acting skills niya in case daw na napapahiya ako.

Binilisan ko nalang yung paglamon ko at nauna na kami ni Toyang. ''Gagabihin pa kasi ako eh. Sorry ha? Next time na lang." Pagpapaalam ni Toyang sa magboyfriend.

" Okay lang ano ka ba. Hmmm. Bye!'' Nagwave na lang si Mika at tumango si Zig.

--------

Nung nasa tapat na kami ng bahay niya..

'' Ang saya nila kausap noh? Hahaha! Napagkamalan ka pang boyfriend ko! Hahahaha!'' Sige ipaalala mo pa Toyang! Kinakalimutan ko na nga eh. Hayyyyy! Pshhhh.

'' Oo nga eh. Hahaha! Osiya pumasok ka na sa loob ng bahay. Lalamukin ka pa!'' Sumilip ako sa may salamin ng kotse.

'' Oo na! ingats sa pagdadrive Jet.'' Toyang

'' Sige. Ikaw din.'' Pinaandar ko na yung makina ng kotse nang biglang bumalik ulit si Toyang sa may kotse ko. Pumunta siya sa may driver's door at kumatok sa salamin..

*tok tok*

Binaba ko yung salamin at sumilip sa kanya..''Oh bakit?''

*tsup*

Hinalikan niya ako sa pisngi at ngumiti.

'' Goodnight kiss para sa kaibigan kong ubod ng kulit. Hahaha!''

I think I just died.

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon