Confession 12 : HAY NAKO!

1K 27 0
                                    

Okay... WHO THE HELL IS THAT GUY INFRONT OF HER!? Malayo kasi ako sa kanila kaya di ko maaninaw kung sino siya. Inoffer niya yung kamay niya at itinayo si Toyang. Nagpagpag naman ng palda at siko si Toyang. Hala.. mukha siyang naluluha! Malakas yata impact nung pagkatalisod niya eh.

Ooppps! TEKAAAA! May dinudukot sa bulsa yung guy!

PANYO!

NO WAY!

Ako lang dapat ang tanging lalake na magbibigay sa kanya ng panyo. Pshhh! Makalapit na nga! Pero laking gulat ko na nung pagkalapit ko, kilala ko yung guy na kasama niya..

SERIOUSLY?! BAKIT KA NAMUMULA TOYANG!?

AYOKO MANIWALA.

SI RAFAEL 'ZIG' ALCANTARA.

INDUSTRIAL ENGINEERING.

ANG RESIDENT CHICKBOY NG CAMPUS.

Ayputek. Wag ganoon mga pre. Bakit si Zig pa?! Bakit ka-batch ko pa nung highschool?! Isang malaking BAKIT ang nag-iinvade sa utak ko. Alam mo yun?! Sa dinami-dami ng lalake sa South Hill U, si Zig pa ang magugustuhan niya? Seryoso?! Hayyyyy! Hayyyyyy! Hayynakooo! HINDI PWEDENG MANGYARI ITO.

PERO TEKA NGA. Baka naman di siya yung crush ni Toyang. Malay mo napadaan si Zig tapos saktong natalisod si Toyang. OO GANOON ANG IISIPIN KO. Saka imposibleng magkagusto si Zig sa crush ko, alam kong di ako tatablahin ng sarili kong kaibigan.

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon