Confession 30 : L-O-S-E-R

826 14 0
                                    

Sa ngayon, ayoko muna isipin ang mga bagay na nakakagulo sa aking isipan. Second sem, bagong buhay at bagong schoolworks na naman. Ayoko na maulit yung natambakan ako ng 1 week plates ko kakaisip ko kay Toyang.

Minsan nga iniisip ko na 'wag ko muna kayang isipin si Toyang?' Mas nakakastress pa kasi siya at ang friendzone namin kesa sa mga plates at quizzes ko sa Engineering. Mas makikipagsocialize muna ako sa iba at sa barkada. Nakakamiss na rin ang sumama sa mga gala at bar-hopping nila!

Osige, di ko muna masyadong iisipin si Toyang.

Habang kumakain ng breakfast..

'' Kamusta na anak? Di na kita nakakamusta.'' Sabi ni mama habang nag-aayos ng sarili niya sa salamin

" Gwapo pa rin po! Hahahaha!..Aray po!'' Batukan daw ba ako?! Ayos maglambing  si Mama haa!

''Alam ko yan. Pshhh. I mean, how was school and lovelife?''

TEKA. HALATA NA BANG NAIINLOVE AKO?! URRRGHHH AWKWARD! Natawa na lang si Mama nung nakita nya akong namumula habang kumakain ng bacon sandwich.

'' Ay nako. Binata na anak ko.'' Kiniss niya ako sa pisngi at binigay ang one week allowance ko. '' Wag gastador ha? I love you anak. Dinagdagan ko yan, I'll be in Tokyo. Mamaya na flight ko.'' Out of town na naman. Hayyy. Walang kapaguran talaga tong si Mama.

I kissed her on her forehead and cheeks and hugged her tight. Nakakawala talaga ng stress pag nagaganito ko si Mama. ''Kasing sweet mo talaga tatay mo. Hahaha! I need to go baby. ingats ka ha. Please say "hi" to Macon and kayna Pao ha? I love you baby!'' Then nagwave na sya at sinigaw ko sa kanya ang i love you sa may dining room.

------------------ SOUTH HILL U

Buong araw kong di nakikita si Toyang, Ayos yan, para naman di na ako mabagabag pa.

Just when I thought I got rid of her, may asungot pa pala! >< Nagkasalubong kami ni Zig sa may pagitan ng Civil at Industrial buildings. I didn't mind him staring at me kahit lagpas na ako sa kanya.

'' Loser.''

Nagpantig tenga ko sa sinabi niya. Sumugod ako sa kanya at hinawakan ang collar ng polo niya.

''Ano sinabi mo?'' Ako

''Loser.L-O-S-E-R. Hahaha!'' Lakas ng loob netong tumawa. Ang kapal ng mukha!

'' Mag-ingat ka sa mga sinasabi mo Alcantara. Di kita inaano.'' Ako

'' Di mo ako inaano pero inaano mo girlfriend ko. Please stop it, okay? Para kang tanga for Pete's sake.'' Nagsmirk siya at tinanggal ang kamay ko sa polo niya. Pagtalikod niya at na nakalayo na,tinawag ko siya..

''HOY ALCANTARA!''

Pagharap niya sa akin..

*BOOGSH!!!!*

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon