Confession 24 : 25th<3

793 17 3
                                    

PAO'S POV

Ito na yun!  Buong sembreak kong pinaghandaan ito!  Buong gabi kong kinabisado ang mga lines ko!

THIS IS IT.

''Ready na kayo?'' Tanong ko sa mga kaklase ko.

''Oo naman!''

''Tawagin na ba namin Pao?''

''Sige! Go!''

Shemaaaays! Nung nakatakbo na yung iba kong kaklase papunta sa classroom niya,bigla akong nakaramdam ng kaba. Ano ba naman yan! Ngayon pa eepal ang kaba na ito! Heartbeat,wag ka ngang epal! Hirap na ako huminga haaaa! IWTSFSJSFGAKSHKSN.

Tumakbo na ako papunta sa  grounds malapit sa CAFA Building at patuloy na naghihintay.

That 5 minutes takes forever ha! ANG TAGAL. Mas kinakabahan ako eh! Pooowtek! ><

.........

...

...

( ---->>>> Please Play Savage Garden's I knew I loved you ---->>>>>>>)

AYAN NA SIYAAAAA! Patalikod siya na dinadala dito ng mga classmates. Hindi ko na pinablindfold, baka magreklamo pa lalo yun. Rinig na rinig ko yung matinis niyang boses saying..

''Ano ba talaga ito? Pag ako nadapa haaaa! bat ang dami daming tao?''

Music to the ears. Kahit ang tinis tinis. Panay naman ang tanaw niya sa mga estudyanteng nakatingin sa amin sa baba. Wew. Mawala ka na sana oh kaba!! Haha!

''Stop na. Harap ka na Cathy.'' Sabi ng isa sa mga classmates ko.

Nung humarap siya. Parang nagblurred ang lahat ng mga tao sa gilid at likuran namin. Nagfreeze sila! Wooooow. Siya lang ang clear sa akin. Siya lang ang nag-eexist.

Kahit nakauniform siya at mukhang haggard, ang ganda talaga niya. Just like how I met her when we were young. (Naksss! Napapa english ako mga pre,sorry  na! >< )

"Like it?'' Niyakap niya ako at tumango. Alam kong medyo naiiyak iyak na siya. madali kasing ma-carried away itong babaeng ito. Akala mo lang napakasuplada at matapang, pero ubod ng weak. Takot nga ito sa mga daga at butiki eh! Hahaha!

'' Tinatanong pa ba yun? baliw kang PaoPao ka! Errrrr. You're making me cry naaa!'' Nanginginig na boses niya. Awwww

''Oh tahan na. May pasabog pa ang infinity mo. '' Humarap ako sa kanya at biglang nagsabog ng rose petals yung mga taong nakapaikot sa amin. Napapangiti siya habang hawak hawak ang aking mga kamay.

''Ano ba ito? Waaaaa! Nakakaiyak naaa PaoPao. Makakayanan ko pa ba?'' Cathybabes

Natawa ako at hinawakan ko ang pisngi niya with my hands. "ofcourse kaya mo. Ikaw pa. Ikaw yata ang pinaka-strong at pinaka-maarteng babae na nakilala ko'' Hinampas ako nung narinig ang 'maarte' Mga babae talaga! Hahahaha!

''Wag na ngumuso. Ikaw ang pinakamagandang babae nasilayan ng aking mga mata and I want you to know that Cathy. Simula nung nakita kita,alam kong ikaw na talaga. Well actually , from the moment our eyes met and we shook hands.... I knew it was you. Ikaw na talaga Cathy. Wala nang makakabawi nun''

Hindi na tumitigil ang pagluha niya. Overjoyed na ang batang ito.

Niyakap ko siya ng mahigpit at sumigaw sa ground..

''EVERYONE, TAHIMIK MUNA! ~ AKO SI PAOLO DE GUZMAN, POINT GUARD NG BLACK KNIGHTS AT...'' Tumingin ako kay Cathybabes..''AT BOYFRIEND NG BABAENG ITO. ANG BABAENG NDAIG PA ANG DIWATA SA GANDA!'' Kinilig na sila! Wooooow!

'Lumayo ako ng kaunti kay Cathybabes at sumigaw..''HAPPY 25TH MONTHSARY!!! AKALA MO NAKALIMUTAN KO NA NOH?!'' Kitang kita kong tumango siya habang pinupunasan ang mga luha niya

''HINDI YUN MANGYAYARI! MAKALIMUTAN KO NA ANG LAHAT,WAG LANG IKAW!...''

''..I JUST WANT TO KNOW IF YOU LOVE ME TOO!''

''

I LOVE YOUUUUUUUUUUUUU PAOLOOOOOOOOOOO!!''

''ANOOOO?! HINDI KO MARINIG!!!!'' Though narinig ko. Ang sarap pakinggan eh! Haha!

'' SIRAULO KAAAAAA! I LOOOOOVE YOUUU TOOO!!!! BINGI KAAAAAAAA! APOYWTFSJGSHAKA'' Hahahaha! Nainis na po. Oh tingnan mo, ang bilis magtransform into a monster! Kinuha ko yung boquet sa isa kong kaklase at lumapit ulit sa kanya..

'' Para sa pinakaewan na babae sa mundo..'' Kinuha naman niya. Lumapit lalo ako sa kanya at binuksan ang polo ko. ung Mickey mouse shirt na binili ko, nakasuot na. Then binigay ko saknya yung paper bag na may laman nung Minnie..

''..And you know that  I'll do it all again for you Cathy... I love you and I just wanna ask..''

" Will you spend forever with me?''

Ipinatong niya yung tshirt sa blouse nya at niyakap niya ako ng pagkahigpit higpit at kiniss ako sa lips. Sarap!

''YESSSSS!''

Lahat ng effort at gastos ko..it paid off!

I got her...

FOR THE 25TH TIME. :)

Confessions of a TorpeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon