Chapter 3: I want you to be my Baby Maker
Tahimik lamang akong nakatanaw sa bintana habang abala si Alex sa pagd'drive.
Siya kasi ang naghatid sa akin kanina at siya rin ang nagsundo pagkalabas ko ng school.
Para daw makasiguro na hindi ako tatakas at nang magawa ko na daw yung kapalit ng nabasag kong salamin ng sasakyan niya.
As if namang may mapupuntahan ako diba? Kapag nalaman ito ng mga magulang ko malamang ay pahihintuin na ako sa pag aaral at mananatiling isang mangmang na walang magandang kinabukasan kapag hindi na ako pinayagang mag aral dito sa maynila. So para sa ikabubuti ko at ng kinabukasan naming lahat gagawin ko ang lahat makatapos lamang sa pag aaral.
"Alex?" Pambasag ko sa katahimikan.
"Hmm?"
"Ano ba yung tungkol sa the contract is now sealed na sinabi mo kagabi?" Takadong tanong ko.
"I will discuss it to you later." seryosong sagot nito kaya naman nanahimik nalang ako.
Pagkadating namin sa bahay niya daw na parang mall ay agad kaming dumiretso sa study room niya. Pagka upo niya sa upuan niya ay may inilahad itong isang black folder na naglalaman daw ng isang kontrata. Ngunit ng tinanong ko siya kung para saan ang kontrata ay isa lang nasabi niya.
"Read it first."
Kaya wala naman akong nagawa at binasa ko na lamang.
Baby Maker's Contract
Napamura ako sa title ng kontrata.
"Tanga ka ba o Tanga ka na talaga?" Pagbabalik ko ng tanong niya sa akin kagabi. Nag aapoy sa galit ang mga mata nito habang nakalamukos sa mga kamay niya ang ilang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa niya. Hindi ko alam pero parang nabastos ko yata siya sa tanong ko? Iba kasi yung galit niya ngayon kesa kagabi.
Lagot na!
"Shut your mouth! Read it carefully or else I will kill you!" Pagbabanta nito sa akin. Natatakot man ay ipinagpatuloy ko parin ang pagbabasa kahit na nginginig ang mga kamay ko at hindi ko na maintindihan ang ibang nakasulat sa sobrang taranta.
Habang binabasa ko ang mga naka sulat sa kontrata ay tanging mabilis na tibok lang ng puso ko at tunog ng orasan ang maririnig. Hindi ako makapag konsentrate ng maayos lalo na't pinagbantaan na niya ako kaya wala akong nagawa kundi pwersahin ang sarili ko na basahin ang bawat salitang nakapaloob dito. Pero isa lang talaga ang nakaagaw ng atensyon ko.
Yun ay ang isa sa kasunduan na kung pumayag akong maging baby maker niya ay bibigyan niya ako ng marangyang pamumuhay.
Kung tutuusin magandang alok yun..
Pero bilang isang ina. Magagawa ko ba yun sa sarili kong anak? Lalo na't kung nagkataon ito ang aking magiging unang anak.
Nakalagay din dun na kahit ano ay ibibigay niya mabigyan ko lamang siya ng anak.
Ang ipinagtataka ko lang ay walang kahit anong impormasyon ang nakalagay doon kung bakit ganun na lamang ang kagustuhan niyang magka anak? Samantalang kung iisipin madali lang yun para sa kanya lalo na't good looking pa siya, at hot kaya magiging madali lang para sa kanya ang humila ng babae diyan sa labas.
Bakit ba naman kasi sinipa ko pa yung lata! At nagkataon pa na malaki yung lata tapos ang lakas pa ng pagkasipa ko. Nakabasag pa tuloy ako.
Tulala ako matapos kong basahin yung kontrata at dahan dahan kung inilapag sa ibabaw ng table niya yung black folder na naglalaman ng kontrata.
"Ayoko." Pagtanggi ko. Ang blangkong reaksyon ng mukha ni Alex ay napalitan na naman agad ng galit. Sa galit nito ay nasuntok niya yung lamesa niya dahilan para magkaroon ng lamat ang makapal na kahoy.
"No one says No when I want it Yes!" Matigas na pahayag nito habang matalim na nakatingin sa akin.
"Ayoko! Hindi ako aso para anakan! Tapos pagka panganak kukunin mo sa akin yung baby? Tapos ano! Ginawa mo pa akong isang basahang pinagparausan mo magkaroon ka lang ng anak?!" Umiiyak na bulyaw ko. Natigilan ito at panandaliang tumitig sa mga mata ko pero nag iwas ako ng tingin.
Nagmamadali akong lumakad papalabas ng study room niya pero pinigilan niya ako.
"Look.. I will secure your future and your family also. I will be a good father and I promise na hindi ko ilalayo sayo yung baby basta mabigyan mo lang ako ng anak."
Isang malakas na sampal ang agad na naigawad ko sakanya. Hindi ko na nagawa pang magpigil at agad ang gwapo niyang mukha at tumagilid paharap sa kaliwa sa sobrang lakas ng pagkakasampal ko.
"Please.. just think about it alam ko kung anong sitwasyon ang meron ka at alam kong alam mo rin na masasagot nitong kontrata ang lahat ng dasal mo kapag pumayag ka." Malamig na sagot nito habang nakapaling parin sa kaliwa ang kanyang mukha.
Walang ano ano ay lumabas na ako study room niya at nagmamadaling tumakbo papunta sa kwarto namin. Unang araw ko palang sa pamamahay na ito ay mukhang hindi ko na kakayanin pang abutan ng ikalawang gabi kaya naman nagmamadali akong nag impake ng mga gamit na kaya kong dalhin at nagdesisyon na lang na mas makakabuti siguro na ipaalam ko na kela inang ang sitwasyon ko dito at nang maka uwi na ako sa amin ng matiwasay. Nagmamadali na akong lumabas ng kwarto at patakbong bumaba ng hagdanan ng biglang isang malamig at baritonong boses ang umalingawngaw sa loob ng malawak na bahay.
"Alicia! Where do you think you going?" Tanong nito habang matiponong nakatindig sa pinakataas ng hagdanan.
"Uuwi na ako sa amin at salamat sa isang gabing pagpapatuloy mo sa akin. Nga pala wag kang mag alala mababayaran ko rin yung nabasag ko." Nanginginig na sagot ko. Hindi ako nito sinagot bagkus ay humakbang ito pababa ng hagdanan. Rinig na rinig ko ang yabag ng sapatos nito at halos maihi na ako sa kaba pero bakit ganun hindi ako makagalaw sa kinatatayuan ko parang namanhid ang buo kong katawan.
"Subukan mong umalis.. pamilya mo ang magdudusa." Bulong nito mula sa likuran ko ng makalapit ito. Naikuyom ko ang mga kamao ko sa sobrang galit, kahit anong gawin ko ay mukhang hindi na ako makaka alis sa impyernong bahay na to' lalo na't pamilya ko ang magiging kabayaran.
Pagkasabi nito sa akin ay naglakad ito palapit sa malaking pintuan at mala demonyo nitong inilahad sa akin ang malaking pintuan daan palabas ng impyernong bahay niya. Wala akong nagawa kundi ang bumalik paakyat ng hagdanan at tanggapin ang kapalaran ko.
***
Wanted: Baby Maker -Vampire King
By: PinkKattyKittyFollow. Vote. Comment.
Lovelots! :*
BINABASA MO ANG
Wanted: Baby Maker -Vampire King
VampireHighest Ranking - #1 in Vampire Category 07-18-2016 A Vampire story with a new twist! *** Do you need a job? Do you want to earn money? Are you willing to take a risk? Well, if...