Chapter 58: WBMVK
*Higop kape*
*Sandal sabay pikit mata*
Heaven talaga!
"S-sir.." Napamulat ako ng marinig ko ang mahinang bulong ni Kate.
Napa kislot ako mula sa pagkaka upo at saktong pagpihit ko ay aburidong mukha na naman ni Alex ang bumungad.
"H-hehe.. S-sarap nitong kape." Nauutal na bulong ko habang dahan dahang umaalis sa upuan niya.
Pasimple kong sinulyapan si Alex na panay parin ang himas sa kanyang sintido.
"S-serr? Gusto mo ikuha nalang kita ng bagong kape?" Todo ngiting tanong ni Kate.
Pinasingkit ko ang mga mata ko habang nakatingin dun sa Kate.
Tinikman ko lang naman yung kape ah? Wala naman akong sakit. Bakit parang diring diri siya sakin?
Lumakad paupo sa may upuan niya si Alex nang hindi sinasagot ang tanong ni Kate, at ewan ko pero bigla akong natuwa.
"S-serr? Baka po may kailangan pa ka--"
"Just leave." Walang buhay siyang pinutol sa pagsasalita ni Alex na ikinayuko naman nito.
"O-ok sir." Nakayuko itong lumakad palabas at halatang dismayado.
"Alex? Bakit ang init ng ulo mo? Meron ka ba?" Takhang tanong ko at saka umupo sa may gilid ng lamesa niya.
Matagal akong naghintay sa isasagot niya pero gaya ng inaasahan ko ay hindi na naman niya ako pinansin. Inabala niya ang kanyang sarili sa paghahalungkat ng mga papel at pagpipidot sa kanyang laptop.
Haysss..
"Alex.. Yung Kate ba assistant mo?"
At wala na naman..
Snob.
"Alex.. Anong tawag dyan sa kape mo? Black ba? Americano? O baka naman barako?"
"..."
"Alex.. Totoo ba ang alien?" Bahagyang kumunot ang noo niya pero nasa mga papel pa rin ang atensyon.
"Alex.. Kapag ba naputol yang pangil mo, may tumutubo ba ulit?"
"..."
"Alex.. May wisdom teeth din ba ang mga aswang?"
"..."
"Alex.. Naniniwala ka ba sa tooth fai---"
"Shut the fyck up!" Humahangos na napatayo si Alex.
"Fairy.."
Sunod sunod akong napalunok matapos sumigaw na naman ni Alex.
Huhu bakit ba lagi niya nalang akong sinisigawan?
Pahampas siyang sumandal sa kanyang upuan at saka pumikit.
"Alex.. Kapag natanggalan ka ng pangil akin nalang ah?" Kaagad nagmulat ng mga mata si Alex at inis na tumitig sa akin.
"Ano na naman bang katangahan ang pumasok dyan sa kokote mo babae?"
"W-wala.. Gusto ko lang magkaroon ng souvenir hehe." Umikot ang mga mata ni Alex at saka dinampot yung bacon sandwich na binili niya para sakin kanina nung nasa parke kami.
Sarap na sarap siya sa pagkagat nung sandwich ng bigla akong may maamoy na kakaiba.
Teka!
Napatakip ako ng ilong sa sobrang baho.
BINABASA MO ANG
Wanted: Baby Maker -Vampire King
VampireHighest Ranking - #1 in Vampire Category 07-18-2016 A Vampire story with a new twist! *** Do you need a job? Do you want to earn money? Are you willing to take a risk? Well, if...