Chapter 42

32.6K 954 118
                                    

Chapter 42: WBMVK

Matapos ang pakikipag usap kay Ano ay nagmamadali akong umakyat pabalik ng kwarto.

Aba! Mahirap na. Baka mamaya ay may mga kasama pala siyang kaibigan tapos ay makipag usap din sa akin.

Tahimik akong naupo sa gitna ng kama habang kalong kalong ko yung makapal na libro. Matagal ko din itong pinakatitigan bago ako nakapag desisyong buklatin ito at kaagad napa arko ang kilay ko.

'Vitam Aeternam'

Ano ba yan!

Bakit ba parang ayaw nilang ipaintindi sa tao ang laman nito? Susulat sulat sila tapos ay ganyan!

Aburido ko muling isinara yung libro.

Hindi ko naman kasi maintindihan at kung minamalas ka pa.. mukhang sa latin nakasalin yung mga nakasulat.

Eh ano bang malay ko sa Latin?

Bugnot akong humilata.

Habang nakatingala ako sa kisame ay may biglang pumasok sa isip ko. Siguro naman ay may wifi ang bahay na ito?

Kaya kaagad akong napabangon.

Ang problema na lang ay wala din naman akong cellphone o kahit laptop kung meron mang internet.

Muli ay pabagsak akong nahiga sa kama.

Dahil tuloy sa librong ito mas lalo akong naii'stress!

Pumihit ako ng higa at saglit na napatulala sa isang orasan, mag a'alas dose na pala ng hapon.

At hindi pa rin bumabalik si Alex!

Muli ay inis akong bumangon.

"Paano ba kita mababasa kung ganyang para kang si Alex. Ang hirap intindihin." Bulong ko habang nakatitig sa libro.

Dumaan pa ang ilang minuto hanggang sa hindi rin ako nakatiis at binuklat ko na naman ito. Sa pangalawang pagkakataon ay dismayado akong napakunot noo. Hindi ko kasi talaga maintindihan. Oo may pailan ilan akong naiintindihan pero yung iba siguro hahanapan ko nalang ng paraan next time.

Palipat lipat na ako ng pahina hanggang sa mapansin ko na may litrato ang ibang pahina. Siguro sa mga litrato na muna ako aasa.

Tama.. tama..

Ang unang litrato ay isang lalaki na nakatingala sa ere habang kalong ang isang babeng walang malay. Pinakatitigan kong maigi yung larawan. Pati kasi ito ay black n' white di ko tuloy magets kung ano na bang nangyayare dun sa pictures wala man lang kulay! Hanggang sa mapansin ko ang dalawang maliit na butas sa may leeg nung babae. Kung ganun ay na aswang yung babae? Kung naaswang nga siya dahil sa bakas ng kagat sa may leeg niya malamang ay ako rin merong ganyan!

Nanginginig ang mga kamay ko habang dahan dahan kong inilalapit sa may leeg ko kung saan ako nagpakagat kay Alex. Pero wala. Wala akong sugat o kahit ano pa mang makapa.

Mula sa pagkakaupo ko sa kama ay nagmamadali akong tumakbo papuntang banyo.

Wala ding bakas ng kagat o kahit gasgas man lang.

Pero tandang tanda ko na dito ako kinagat ni Alex. Weird.

Matapos kung masuri yung leeg ko ay bumalik na ako sa pagbubuklat ng libro. Kapansin pansin ang mga nakasulat, kahit na hindi ko naman maintindihan.

Tempus Vita Lamia

Sabi nung nakasulat sa ibaba ng larawan.

Lamia? Parang pamilyar.. oo pamilyar nga! Yan yung hayop na paborito ni Carl dun sa palabas na Jimmy Neutron. Yung hayop na nandudura? Pero may isa pa! Sa palabas na Drag me to hell. Tama! Narinig ko din dun yang Lamia na yan.

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon