Chapter 28

45.2K 1.4K 140
                                    

Chapter 28: Kinikilig ako part 2

"Inay, itay.." bulong ko habang pinagmamasdan ang eroplanong sinasakyan nila inay at itay. Hindi ko napigilang hindi mapaiyak ng marinig kay Alex na pwedeng abutin ng taon doon sila inay at itay depende pa sa magiging kundisyon at operasyon ni itay. Panatag naman akong ginagawa ni Alex ang lahat para sa mga magulang ko kaya lang ay hindi pa rin ako mapakali dahil hindi ako pinayagan ni Alex na sumama sa pag alis ang sabi niya kasi ay hahabol nalang daw kami kapag natapos na ang operasyon ni itay at ang obligasyon ko.

Muli pa akong napalunok.

"Baby.." wala sa sariling bulong ko. Kaagad namang nakasagot si Alex ng "Bakit?" Habang todo ngisi kaya sinamaan ko ito ng tingin sabay walk out.

Habang naglalakad ako papuntang parking lot ay hindi ko maiwasang hindi mailang. Paano ba naman'y ang daming nakapalibot na body guards samin. Pinagtitinginan na tuloy kami ng mga tao. Idagdag mo pa yung biglaang pagpapa alis ni Alex dun sa sinakyang eroplano nila itay kaya naman may mga nasagasaang oras ng alis ng ibang mga pasahero, kaya siguro ganyan silang makatingin sakin?

"At the back." hindi pa man kami nakakalapit sa sasakyan ay bumulong na kaagad sa akin si Alex habang nakaturo dun sa likuran ng sasakyan.

"Ok." Simpleng sagot ko sabay deretso sa loob. Naiwang nakatayo si Alex sa labas habang kausap ang mga rohelyo niya.

"A-alex? Saan na tayo pupunta?" Takadong tanong ko ng umupo na ito sa tabi ko. Halos kasabayan niya rin sa pagpasok ang isa sa mga body guards niya at si Yvonne.

So bale, may isang rohelyo na driver tapos kaming tatlo sa may likod.

"Home." Tipid nito sagot.

Nangunot naman ang noo ko.

Bakit ba ang hilig niyang sumagot ng hindi man lang tumitingin sa kausap tapos pinakamarami na niyang words ang tatlo?

Nag umpisa nang magmaneho yung driver ni Alex kaya naman nanahimik nalang ako ng bigla na namang sumagi sa isip ko yung tungkol sa nangyari kanina.

Yung paper bag na may lamang damit.

Muli pa akong pinamulahan ng maalala kong siya pa talaga ang nakakita ng ganun ko.

Nakakainis!

Sa sobrang intense kasi ng mga nangyayare kahit sarili ko tuloy hindi ko na naiisip kaya siguro ni hindi ko man lang naramdamang nagkaroon na pala ako.

Pero paano niya naman kaya nalaman ang mga ganung bagay? Tanong ko sa sarili ko habang iniisip yung nga nakita ko kanina.

Hindi lang kasi damit ang laman nung paper bag. May kung ano ano pa kasing mga nakalagay dun at ang ipinagtataka ko lang diba lalaki siya? Ehh, bat ang dami niya alam sa ganito?

Gaya ng.. alcohol, tissue, extra underwear at higit sa lahat napkin.

Napahilamos ako ng mukha sa sobrang hiya.

"Alicia, are you ok?" Nag aalalang tanong ni Alex kaya naman napalingon ako sa kanya. Takadong nakatingin lang sa akin yung mag ama ng biglang nilingon ni Alex si Yvonne saka tinapik sa noo.

Nakasimangot na umayos ng upo si Yvonne sa may kabilang gilid ni Alex.

Kailangan pati bata patulan? Kahit kailan talaga tong' si Alex may pagkabrutal.

Sinamaan ko siya ng tingin ng muling bumalik ang tingin niya sakin at saka umusod ng upo palayo sa kanya.

Baka mamaya kasi ay ako naman ang pagtripan nito.. mahirap na.

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon