Chapter 5

60.3K 1.6K 35
                                    

Chapter 5: Alicia's Death?

Bagsak na naman ang mga balikat ko habang naglalakad sa kawalan palabas ng village. Bakit ba naman kasi sa dinami dami ng mga taong pwedeng malasin sakin pa talaga ibinuhos ang lahat ng kamalasan! Naging mabuting kristiyano naman ako, pero bakit parang pinarurusahan ako ng langit.

Mag didilim na naman at hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makalabas ng village. Hindi ko alam kung naliligaw na ba ako o sadyang malayo lang talaga ang gate nito? Dahil hanggang ngayon naglalakad parin ako!

Tiningnan ko ang cellphone ko at pasado alas sais na ng gabi at may tatlong oras na rin pala akong naglalakad kaya pala nanakit na yung mga paa ko dahil sa walang katigilan kong paglalakad.

Bakit ba naman kasi ang taas ng pride ko? Ako na nga yung ihahatid sa amin tumanggi pa ako. Sayang din yun! Ang mahal pa naman ng pamasahe sa bus at ngayon naliligaw pa ako..

Ang galing talaga..

Sa sobrang pagod ko ay naisipan kong hanapin nalang muna yung park at malamang naman ay madali ko lang makikita yun at doon nalang rin muna ako magpapalipas ng gabi habang hindi ko pa alam ang gagawin ko sa buhay ko.

Pero mukhang mali ako dahil may kalahating oras pa ang inikot sa village at wala man lang akong nakitang kahit isang park. Laking tuwa ko naman ng may makita akong taong naglalakad.

Sa wakas ay may mapagtatanungan narin ako. Puro naka kotse kasi ang mga tao dito kaya wala akong mapagtanungan.

Isang malaking lalaki na naka sandong puti at may tattoo sa brasong ahas. Lumapit ako dito at akmang magtatanong ng biglang bumahid ang isang nakapang hihilakbot na ngiti sa labi nito. Saglit akong natigilan pero naglakas loob pa rin akong tanungin ito kung alam niya kung nasaan ang park dito sa loob ng village dahil nga sa siya lang ang nakikita kong tao dito.

"Kuya? Pwede po bang magtanong?" Magalang na tanong ko kahit na binabalot na ako ng matinding takot.

Imbes na sumagot agad ay pinasadahan ako nito ng isang malagkit na tingin mula ulo hanggang paa. Dahil sa ginawa niya ay napaayos ako ng tayo at bahagya ko pang hinila pababa ang paldang suot ko dahil nga naka school uniform pa ako.

"Kuya.. san po ba banda yung parke dito? Kanina pa po kasi ako naliligaw." Magalang na pagpapaliwanag ko.

"Ah, miss malapit kana dalawang kanto nalang. Isang liko diyan sa kanan tapos kaliwa pag dating mo sa kanto ng nilikuan mo ng kanan." Masuyong sagot nito habang tinuturo ang daan. Nawala na ang agam agam ko sa kanya ng magsalita ito.

Mabait naman pala si kuya eh, medyo bad boy lang ang looks. Sabagay si Alex ngang good boy kung tingnan ay may tinatago din palang kakaibang ugali.

Nagpaalam na ako kay kuyang mukhang preso at dali dali ko nang tinungo yung lugar na itinuro niya. Pero ganun na lamang ang naging takot ko ng isang bakanteng lote na may malawak na damuhan ang nadatnan ko sa halip na parke. Kaagad akong nakaramdam ng takot dahil mas dumilim na kasi at bibihira pa ang tao at mga sasakyang dumadaan tapos ay mukhang pinaglalaruan pa ako ng napagtangungan ko.

Naka ilang lingon ako at pilit naghahanap ng ibang tao na pwede kong malapitan dahil pakiramdam ko ay may masamang mangyayare sa akin.

Sa kakalingon ko ay nahagip ng mga mata ko ang lalaking pinagtanungan ko kanina.

Si kuyang may tatong ahas sa may braso. Naninigarilyo ito habang nakatayo sa kabilang kalsada at todo ang titig sa akin. Hindi ko ipinahalata na nakita ko na siya bagkus ay naglakad ako na halos patakbo na sa sobrang takot.

Galit ata talaga sa akin ang mundo at heto ako ngayon! Nasa piligro naman ang buhay ko.

Nakarinig ako ng mabibigat na yabag mula sa likuran ko at nang lumingon ko ay nandun yung lalaki na halos patakbo na rin na sumusunod sa akin. Namilog pa lalo ang mga mata ko sa gulat at ang lakad patakbo ko kanina ay nauwi na talaga sa pag takbo. Humahangos akong tumatakbo kahit na may kabigatan ang dala dala kong backpack. Maging mga paa ko ay hindi ko na maramdaman sa sobrang pagod ko. Wala akong ibang ginawa kundi ang tumakbo at nang muli akong lumingon ay malapit na siya sa akin. Habang tumatakbo ay nagawa ko pang tanggalin sa pagkakasakbat sa likuran ko ang backpack ko at inihagis ko iyon sa kanya, pero sa katangahan ko ay natalisod ako at hindi man lang natamaan yung lalaki at ako? Naka subsob sa lupa, at hindi ko na maigalaw pa ang mga paa kong namanhid na yata sa kakalakad at takbo.

Huminto na sa pag takbo yung lalaking mukhang takas na preso at dahan daan itong naglakad papalapit sa akin na animo isang lion na ninanamnam ang kanyang pagkapanalo. Napaurong ako sa kina uupuan ko habang pilit na tumatayo pero kahit anong gawin kong pwersa ay hindi ko magawa.

Nang makalapit ito sa tapat ko ay para itong hayuk na hayop na umupo pa'squat sa harapan ko sabay hawak sa binti ko. Hindi ko maigalaw ang mga binti ko kaya naman hindi ko siya magawang sipain. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko dahil tingin ko ito na ang huling kamalasang ibibigay sa akin ng mundo. Grand prize ika nga'

"Wag po.." umiiyak na pag mamaka awa ko. Pero ngumisi lamang ito.

Agresibong hinila nito ang tigkabilang paa ko kaya naman napahiga na ako sa lupa at tumama ang ulo ko sa isang matigas na bagay na lalong nagpahirap sa akin. Bahagya akong nahilo at maging ang boses ko ay iniwan na ako sa ere dahil kahit anong sigaw ko walang lumalabas sa bibig ko.

Naramdaman ko ang paggapang ng magaspang nitong kamay pataas sa loob ng palda ko at kahit anong pigil ko sa mga kamay niya ay wala akong magawa. Binuhat ako nito papunta sa bakanteng lote at inihagis ako nito pahiga sa talahiban.

Ito na ba talaga? Diyos ko! Wag niyo po akong hayaang mamatay.. ayoko pang mamatay..  dasal ko sa isip ko sa kabila ng pag iyak ko.

Muli ay pumaibabaw ito sa akin ang parang isang hayuk na hayop na pinunit nito ang blouse ko. Ngumisi pa ang loko ng takpan ko ng mga kamay ko ang dibdib ko nang akma niya itong hahawakan ay tinabig ko ang kamay niya. Sa galit nito ay sinikmuraan niya ako na nakapagpapilipit na naman sa akin. Impit na mga iyak at daing lamang ang kaya kong ilabas hanggang sa maghubad na ito ng sando at lumitaw ang nakakadiri niyang katawan. Sumubsob ito sa mga dibdib ko at wala na akong nagawa kundi ang umiyak, pinilit kong sumigaw pero balewala dahil sobrang hinang hina na ako.

Inipon ko ang natitira ko pang lakas at buong lakas kong isinigaw ang pangalan ni Alex kahit na alam kong hindi naman siya darating para iligtas ako..

***
Wanted: Baby Maker -Vampire King
By: PinkKattyKitty

Follow. Vote. Comment.
Thanks, godbless.. :*

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon