Chapter 45

35.4K 1K 157
                                    

Chapter 45: WBMBK

"H-hubby.." nangangatog na bulong ko.

Magkakalahating oras na rin kasi akong nakahiga dito sa may konkretong altar na nababalutan ng pula at napakalambot na tela.

Bumaba ang tingin ni Alex sa akin mula sa pagkakatayo niya sa may gilid ko.

"Shh.. just focus, wife." At saka siya dumukwang para gawaran ako ng halik sa may noo.

Hindi ko maintindihan kong saan ako magpo'focus at kung ano ba talagang ginagawa ng mga mangkukulam na nakapalibot sa amin. Parepareho silang nasa matinding konsentrasyon kaya lang ang tanong; para saan?

Sa pagkakahiga ko ay napahugot ako ng malalim na paghinga.

Bakit ba parang sinasamba nila ako? Ang weird lang kasi.

Umabot pa ng ilang minuto hanggang sa mapansin ko ang sabay sabay na pagbulong ng mga mangkukulam ng mga salitang hindi ko maintindihan. Nag umpisa na din si Alex na hawakan ang mga kamay ko.

Bawat salitang lumalabas sa mga bibig nila ay parang musikang komukontrol sa tibok ng puso ko. Habang pabilis sila ng pabilis sa pagbigkas ay ganun din itong pagtibok ng puso ko.

Natatakot ako.

Sobrang natatakot ako.

"Shhh.." bulong muli ni Alex. Bahagya muli siyang dumukwang at ginawaran ng halik ang mga kamay kong hawak niya para pakalmahin ako.

Hanggang sa may isang kamay ang dumampot sa kamay kong nakawak sa kamay ni Alex.

Gusto kong sumigaw pero nananatiling nakatikop ang mga labi ko. Parang namanhid din ang buong katawan ko at tanging mga mata ko lang na nakasunod sa mga ginagawa nila ang tanging nagagawa ko.

Mula sa pagiging paralisa ko sa pagkakahiga ay tinapunan ko ng tingin si Alex. Nasa matinding konsentrasyon ang kanyang buong katawan habang naroon naman sa tigkabilang gilid niya ang dalawang mangkukulam.

Unti unting tumulo ang mga luha sa mga mata ko.

Anong nangyayare?

Bakit pakiramdam ko ay kontrolado ako ng isang napakalakas na enerhiya na hindi ko maintindihan kung kanino at kung saan nanggagaling.

Palakas ng palakas yung mga boses na naririnig ko at parang nasa may tainga ko na sila bumubulong.

Mahigpit akong napapikit.

Gusto kong manlaban pero tanging pagtulo lamang ng mga luha sa mga mata ko ang kaya kong gawin.

Nalilito ako.

At higit sa lahat natatakot.

Hanggang sa pakiramdam ko'y napakalapit na ng bubong mula sa kinahihigaan ko, napakalapit ng mga boses at napakalapit ng lahat ng bagay na hindi na ako makahinga.

"Shh.. wife. I said focus." Narinig kong bulong ni Alex pero ang nakapagtataka lang parang nasa loob siya ng utak ko na halos um'echo pa nga.

Patuloy pa ring dumadaloy ang luha ko ng mapatingin ako kay Alex.

Nananatili parin siyang nakapikit at parang nagkokonsentrate sa kung ano, ng mapansin ko ang punyal na dala ng isang mangkukulam.

Muli ay nataranta ako at gusto kong magsisigaw ng marinig kong muli ang boses niya at sigurado na akong sa utak ko mismo nanggagaling ang boses ni Alex.

"Alicia.. I know how selfish I am. Patawarin mo ako sa gagawin ko. G-gusto lang naman kitang makasama habang buhay. W-wag ka sanang magagalit sa kung ano man ang ginagawa ko ay para din sayo at sa atin." Kasabay ng mga salitang binitawan ni Alex ay ang paghapdi ng pulsuhan ko.

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon