Chapter 53

25.9K 783 58
                                    

Chapter 53: WBMVK

Paisa isa ako ng hakbang habang nakatingkayad na pumapaibaba sa hagdanan. Paano'y baka mahuli ako ni Alex at malamang sa alamang ay hindi ako papayagang umalis nun.

Nakailang linga pa ako bago muling lumingon.

Madilim pa naman at saktong wala pa din si Alex sa loob ng silid namin. Nagpaalam kasi siyang may aayusin muna sa kanyang study room at hanggang ngayon? Sana hindi pa siya nakakabalik sa silid namin.

"Psst!" Sitsit ko kay manong guard na mahimbing na natutulog.

"Psst! Manong.." marahan ko siyang niyugyog para magising at anak ng itinakwil na tokwa! Tulog mantika!

Bahagya akong tumikhim at humugot ng malalim na hininga.

"Manong! Ako to' si Ale---"

"Ah? San? Saan!"

Napaismid ako dahil hindi ko pa nga natatapos yung pangalan ni Alex ay kandapa na ito sa pagtayo. Napakunot ang noo ko at saka naman siya napakamot sa may batok ng makita ako.

"M-maam, ahehe pasensya na po kayo. May kailangan po ba kayo?" Ngiwing tanong niya.

Matipid akong ngumiti at saka mas lumapit pa kay manong guard.

"Manong guard.. samahan mo naman ako oh." Bulong ko sa may tainga niya sabay lingon sa paligid.

Kaagad pumihit paharap si Manong guard at saka nakakunot noong nagtanong.

"Eh, saan naman po ang punta natin maam? Hindi po ba tayo pagagalitan niyan ni ser Alex?" Nag aalalang tanong niya.

Nakagat ko ang labi ko at saka bahagyang yumukod.

"Kasi po manong guard.. hindi niya po talaga alam ang pag alis natin huhu. Kaya lang kailangan talaga. Balak ko kasi siyang surpresahin mamayang breakfast."

Yung promise ko kagabi? Seryoso kasi talaga ako dun sa sinabi ko at ang balak ko sana ay mamayang breakfast ko sa kanya iyon iseserve.

Napakamot pa muna ulit si manong guard sa may batok niya at saka napapailing na muling nagtanong.

"Ma'am paano po kung mahuli tayo ni Ser Alex? Masesesante po ako." Bakas ang pag aalala sa boses niya pero nakapag desisyon na ako. Kailangang maka alis ako ngayon din bago pa sumikat ang araw.

"Ah-eh manong. Saglit lang naman po tayo. Promise po mabilis lang tayo at isipin mo nalang manong. Kapag nasamahan mo akong bumili ng pang surprise ko para namaya kay Alex ay malamang! Maganda ang magiging gising nun, at pag nagkataon pa." Saglit akong huminto at mas dumikit pa sa kanya.

"Pag nagkataon, baka i'promote ka ni Alex. Ikaw na ang magiging head ng mga guards dito. Oh! Ayaw mo ba nun? Tataas yung ranggo mo." Nakangising alok ko.

Bumahid ang malawak na ngiti sa muka nung guard pero kaagad ding napasimangot.

"Eh, Ma'am ako lang naman po ang nag iisang guard dito sa may gate kaya malabo po akong mapromote para maging head ng mga guards na sinasabi niyo." Napangiwi ako sa sinabi niya.

So, anong tawag dun sa mga lalaking naka coat na black at naka shades? Diba mga guards din sila?

"G-ganun ba manong? Hehe, may pinagkaiba po ba kayo dun aa mga rohelyo ni Alex? Eh diba pareparehas lang naman kayong mga guards?" Takhang tanong ko.

"Ma'am, mga agent po sila at hindi po biro ang mga agent na yun ni ser. Galing pa yun sa iba't ibang bansa. Imported kung baga samantalang ako po ay guard lang talaga na sumaside line na hardenero niyo sa araw."

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon