Chapter 49: WBMVK
Tahimik lang ako habang nakasunod kay Alex. Kanina pa siya walang imik at tingin ko pati siya ay galit din sakin dahil dun sa gulo na nagawa ko.
Dapat talaga hinayaan ko na lang na damputin ako nung mga guards keysa naman ganyan at nakikita ko siyang parang malungkot. Malamang ay mapapagalitan siya ng boss niya mamaya nang dahil sakin.
"H-hubby.." bahagya siyang lumingon habang patuloy pa rin kami sa pag akyat ng hagdan.
"Sorry. Kasalanan ko." Napahinto siya sa paghakbang kaya napahinto na din ako.
"W-why are you saying sorry?" Natatawang tanong niya.
Ehh?
"You don't have to say sorry. It's my fault. Kung hindi kita iniwan dun hindi ka mapapahamak." Malungkot na dagdag niya.
Napatulala ako sa maamo niyang mukha.
Kaya ba kanina pa siya tahimik ay dahil sa nakokonsensya siya?
"Masakit ba?" Tanong niya matapos iangat yung baba ko.
Sunod sunod akong napapalunok habang masusi niyang sinusuri yung pisngi ko na sinampal nung babae kanina.
Alam na ba niya? At paano niya naman nalaman eh wala nga siya dun kanina?
Singbilis ng hangin ng kabigin ako ni Alex palapit. Yinakap niya ako ng napakahigpit na para bang ang tagal naming hindi nagkita.
At itong puso ko..
Sing'werdo na ni Alex.
"I-I'm sorry, wife." Bulong niya habang nakayakap sa akin.
Hindi pa man ako nakakasagot ay nakaangkla na ako sa mga bisig niya.
Nakakainis! ang daya! Ang laki ng advantage niya sa pagiging mabilis!
Hindi pa nga ako nakakapag moment eh.. huhu
Nagpatuloy si Alex sa paghakbang paakyak na para bang hindi alintana ang bigat ko. Buhat buhat na naman niya ako habang nakabridal style paakyat ng hagdanan.
Pigil ako sa pagngiti ng ihilig ko ang ulo ko sa may dibdib niya.
"I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go."Napatitig ako sa mukha niya habang patuloy lang siya sa pagbulong ng isang kanta.
"I knew I needed you
But I never showed
But I wanna stay with you
Until we're grey and old
Just say you won't let go..
Just say you won't let go.."Parang naiihi ako na naii'excite. Hindi ko maipaliwanag yung nararamdaman ko. Parang napakabagal ng lahat na kahit yung paggalaw lang ng adams apple niya ay halos hintayin ko pa sa sobrang bagal.
Waaah! Lordie! Anong nagyayare sa mga mata ko! Kahit saan ko igawi ang paningin ko ay makikintab lang na ilaw ang nakikita ko at nangingibabaw pa yung mukha niya.
"I'm so inlove with you
and I hope you know."Matapos niyang ibulong ang mga linyang iyan ay marahan siyang nagyukod ng tingin dahilan para magtama ang mga mata namin. Napahugot ako ng sobrang lalim na paghinga.
Oxygen!
Kailangan ko ng isang malaking tangke ng oxygen!
"I wanna live with you
Even when we're ghosts
'Cause you were always there for me when I needed you most."Mahigpit kong naikawit yung mga braso ko sa may leeg ni Alex. Pakiramdam ko kasi; ano mang oras mahuhulog ako sa sobrang kilig. Halos magwala na itong mga internal organs ko sa kilig lalo pa ng tumitig na siya sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Wanted: Baby Maker -Vampire King
VampireHighest Ranking - #1 in Vampire Category 07-18-2016 A Vampire story with a new twist! *** Do you need a job? Do you want to earn money? Are you willing to take a risk? Well, if...