Chapter 27

43.4K 1.1K 62
                                    

Chapter 27: Kinikilig ako..

Alicia's POV

"B-bitawan mo nga ako!" Agsik ko kay Alexander matapos naming lumiko sa isang hallway.

Ano ba kasing problema niya? Bakit bigla nalang siyang naging agresibo tapos binastos niya pa yung doktor ni itay. Galit akong napatingin sa kanya. Pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakasakal sa mga pulsuhan ko.

"Bitaw sabi eh!" At saka ako huminto sa paglalakad.

Kaagad din naman siyang huminto matapos kong tumigil habang mahigpit pa rin ang pagkakahawak niya sa may pulsuhan ko.

Ano na naman kayang problema ng bampirang ito?

Sa pagkakahinto namin ay kaagad akong tumingin sa kamay niyang nakahawak sakin ng nakataas ang isang kilay.

Paano ba naman ay napaka higpit ng pagkakahawak niya tapos hindi pa rin ako binibitawan.

Walang buhay itong nagbaling ng tingin direkta sa mga mata ko.

Hindi ko maiwasang hindi mailang ng magtama ang mata namin lalo pa ng ginagamit na naman niya sa akin yang mga tingin niyang parang hinahalukay ang kaluluwa ko.

Makailang beses pa akong napalunok pero parang wala lang sa kanya dahil direkta pa rin itong nakatingin sa mga mata ko.

Sh*t!

Parang gusto kong lamunin nalang ako ng lupa lalo na kapag tinitingnan niya ako ng ganyan.

Hindi na ako nakatiis pa kaya ako na mismo ang nag iwas ng tingin.

"Bitaw." Utos ko habang nakatingin sa ibang direksyon.

Pero sa halip na bumitaw ay mas lalo niya pa itong hinigpitan.

Tiim bangang akong napatingin sa kanya.

Ano ba kasing problema niya?

Parang kanina lang napakabait niya kung umasta tapos ngayon parang sinapian ng babaeng may regla kung mag inarte!

"Alex?!"

Pero nanatili pa rin siyang tahimik.

Nakakainis na ah!

Pinilit kong alisin yung kamay niyang nakahawak pa rin sa kaliwang pulsuhan ko gamit ang kanang kamay ko pero gaya kanina ay wala din namang nangyare.

"Done?" Bored na tanong niya.

Ehh?

Kunot noo akong tumingin sa kanya at dun ko lang napansing buhat buhat niya pala sa isa niya pang kamay si Yvonne. Sa sobrang pagbilis ng mga pangyayare ni hindi ko man lang naramdamang nakuha na niya pala si Yvonne sa pagkakabuhat ko kanina.

"Will you just shut that f*cking mouth of yours! Your too loud. Don't you know that?" He rant at my face.

Napatulala naman ako sa sobrang gulat.

Galit ba siya? Naglulumikot ang mga mata ko sa mukha niya. Natatakot na kasi ako lalo pa pag ganyang naninigaw na siya.

"No! Of course I'm not!" Sigaw niya pa.

Hala?

Napalunok pa akong muli.

Nasabi ko ba yun? Sa pagkaka alam ko kasi hindi nga ako makapagsalita sa sobrang gulat sa kanya.

"Oh! Sh*t!" Sabay tampal niya sa noo niya.

Nakaramdam ako ng pagluwag sa kamay ko at nang tingnan ko ito ay hindi na pala nakahawak ang may topak!

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon