Chapter 17: Blood Sucker Beast
Dahil sa nakailang katok na ako at wala rin namang sumasagot ay napagpasyahan ko nalang na pihitin ang pintuan.
Tutal ay hindi rin naman naka'lock.
"F*ck baby! I'm soo close."
Natutop ko ang bibig ko.
"God!" Hiyaw ng naman ng isang babae.
Mas lalo akong nangilabot ng hindi lang isa kundi dalawang mga babae ang halos magkakasabay na umuungol sa sakit o sa sarap?
Gusto ko nang umalis dito sa kinatatayuan ko pero parang nabato yata ang mga paa ko.
Sabi na eh! Manyakis talaga siya!
Isang malalim na buntong hininga muna ang pinakawalan ko at saka ko muling hinawakan ang sedura ng pintuan para muling isara. Mga pigil na langitngit ng pintuan kasabay ng pagtulo ng mga butil butil kong pawis at halos pagpigil huminga ang ginagawa ko wag lang makalikha ng ingay.
Kaya ko to'!
Maisasara kita!
Nakakahiya naman kung sa ganitong pagkakataon pa ako mahuhuli ni Alex diba? baka mamaya kung ano pa ang isipin ng manyakis na yun.
Patuloy lang ako sa pagchi'cheer sa aking sarili kasabay ng pigil hiningang pagsara ng pinto.
Ayan na!
Maisasara ko na talaga!
Kunti nalang..
At..
Nasara ko na!
Yey!
Lihim akong napangiti ng maisara ko na ang maingay na pintuan.
Bahagya pa akong napapikit ng pagkasara ko ng pintuan ay gumawa ito ng munting ingay. Dahan dahan akong umikot pabalik upang bumalik na sa aking silid, pero napahinto ako ng maramdaman ko ang pagbukas ng pintuan sa aking likuran.
"Ehem!" Halos madurog ang pagkatao ko sa kinatatayuan ko ng marinig ko ang pagtikhim ni Alex.
Lagot na!
Dahan dahan akong muling umikot paharap kay Alex.
Ngiwi akong napangiti sa isang manyakis na parang diyos ng mga abs kung magmalaki. Matuwid itong nakatayo sa may pintuan habang ang isang kamay ay nakasuporta sa gilid ng pintuan. Tanging isang itim na pantalon, at pambahay na tsinelas lang kanyang suot at hayan na naman ang mga pandesal niya, nang aakit kahit maggagabi na!
"So.. anong kailangan mo Ms--"
"Sorry kung naistorbo kita. Hindi ko naman sinasadya. Sigi lang ituloy niyo na ulit kung ano man yang ginagawa niyo. Iisipin ko nalang na wala akong narinig." Halos humangos ako matapos akong magpaliwanag.
Teka nga!
Bakit ba ako nagpapaliwanag?
Sa sobrang kaba ko ay halos manginig na ang dalawa kong kamay kaya naman pinaghawak ko ito ng mahigpit. Napangisi pa ito ng tumingin sa akin.
Pero napahinto ako ng may maaninag akong kakaibang likido sa may labi niya.
Kusang umangat ang isang kamay ko, paturo sa kanyang labi.
"A-ano yan?" Nanginginig na tanong ko. Mas lalong lumawak ang pagkakangisi niya sa akin at matapos yun ay lumatay doon ang kanyang dila.
Ramdam ko ang panginginig ng mga tuhod ko habang unti unti akong umuurong sa kinatatayuan ko. Hindi ito ang unang beses na nakita ko siyang may dugo sa labi at ang pinaka una pa ay nung patayin niya yung lalaking gagahasa sana sa akin.
BINABASA MO ANG
Wanted: Baby Maker -Vampire King
VampireHighest Ranking - #1 in Vampire Category 07-18-2016 A Vampire story with a new twist! *** Do you need a job? Do you want to earn money? Are you willing to take a risk? Well, if...