Chapter 40

35.9K 1K 189
                                    

Chapter 40: WBMVK

"Alex?" Tawag ko ng wala akong makapang Alex sa tabi ko.

Kinapa ko pang muli pero wala talagang Alex na nakatabi sa akin at saka ko na napagdesisyunang buhayin ang ilaw ng lamp shade.

Wala talagang Alex!

Papikit pikit pa akong bumangon mula sa pagkakahiga ng mapansin kong 2 am palang.

Ang aga naman yata niyang magprepare para sa work?

Marahan akong tumayo at saka naglibot sa loob ng kwarto pero walang Alex na naliligo o nagbibihis.

Saan naman kaya nagpunta yun?

Muli akong bumalik sa pagtulog pero hindi pa man nag iinit ang katawan ko sa higaan ay napabalikwas na ako ng bangon.

Hindi kasi ako makatulog, lalo pa at wala si Alex.

Palinga linga pa ako sa tigkabilang pasilyo ng sumulip ako mula sa may pinto. Nakakatakot kasi! Sobrang dilim!

Nangangatog ang mga tuhod ko habang tinatahak ko ang madilim na pasilyo. Bakit ba naman kasi sa ginanda ganda nitong bahay na ito ay wala man lang silang maayos na nagawa. Akalain mong red and black ang theme ng bahay? Masyadong creepy!

Inabot na yata ako ng kalahating oras sa paghahanap kay Alex pero wala pa ring Alex o kahit bakas man lang ay wala akong makita. Hanggang sa napaisip akong puntahan yung study room na favorite place ni Alex.

Nang makarating na ako sa tapat ng pintuan ay kinakabahan akong kumatok. Mahirap na! Baka kung ano na naman ang makita ko dito kapag nagbukas na naman ako ng walang paalam.

Pero matapos ang ilang katok ay walang nagbukas.

"A-alex?" Tawag ko pagka pihit ko ng sedura. Kakabog kabog itong dibdib ko sa kaba!

Paano ba naman kasi ay wala akong makitang kahit ano. Sobrang dilim din kasi at wala yatang switch ng ilaw dito kasi kahit anong kapa ko ay wala akong makapang switch.

Madilim akong napangisi ng maalala ko noon ang ginawa ni Alex para magka ilaw.

Masaya ko pang minasahe isa isa ang mga daliri ko sa kamay at saka ako pumitik sapat lang para magaya ko ang ginawa noon ni Alex. Pero walang ilaw na nabuhay!

Muli ay nag umpisa akong masahihin ang mga daliri ko at saka nag concentrate.

"Let there be light!" Sigaw ko sabay pilantik ng mga daliri.

Pero wala pa rin!

"Shining, shimmering, splending light!"

Wala pa rin!

Napasimangot na ako dahil ayaw bumukas ng ilaw. Pero never say die!

"Let the light begin!"

"Abrakadabra!"

"Open sesame!"

"Sesame street!"

"Barney!"

"Telletabis!"

"Dora the explorer!"

"Post man pat!"

Urgh! Padabog akong nagmartsa palabas ng silid ng hindi ko nabuksan yung ilaw.

Bakit kapag si Alex isang kampay at pitik lang nabubuhay na kaagad yung ilaw dun sa silid na yun? Samantalang ako!

Ako na nabanggit na halos lahat ng mga linya at cartoons ay wala pa rin!

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon