Chapter 47

38.7K 1.1K 114
                                    

Chapter 47: WBMVK

Marahan akong napamulat sa mga sinag ng araw na sumisilaw sa mahimbing kong pagtulog. Makailang ulit pa muli akong napakurap kurap ng may mapansin akong kakaiba sa kwarto namin ni Alex.

Paanong nangyare na nagkaroon ng malaking bintana dito sa loob?

At..

"Good morning to my pretty wife." Bahagya akong lumingon kay Alex na ngayo'y nakayakap sa katawan ko mula sa may likuran.

"Good morning din hubby." Nakangiting bati ko din. Mas lalo niya pa akong hinigit papalapit sa katawan niya at saka ipinatong ang baba niya sa may pagitan ng leeg at balikat ko.

"You know what? This kind of moment is what I've been wishing for. Cuddling in scooping position with the woman I love." Bulong niya.

Pigil ako sa pagngiti ng idantay ko ang mga kamay ko sa kamay niyang nakapatong sa may bewang ko.

"T-talaga?" Nakangiting tanong ko. Marahan siyang humalik sa may leeg ko bago sumagot ng isang masayang pagtawa.

"T-tingin mo may baby na dito?" Takadong tanong ko matapos kong igaya yung mga kamay namin sa may puson ko. Bahagya muli siyang tumawa.

"Hope so.. and besides ok lang naman kung gumawa nalang ulit tayo kung wala pa." Malanding bulong niya sa may tainga ko.

Nangilabot ang buo kong katawan ng may maramdaman akong kamay na dahan dahang bumaba sa may kaselanan ko.

Kaagad kong tinampal ang kanay niya at saka nagmamadaling umikot paharap sa kanya.

"Ang aga aga ang manyak mo!" Nakangusong bulyaw ko. Bumahid ang isang nakakalokong ngisi sa labi ni Alex bago niya ako mabilis na hinalikan sa labi.

"Just fyck me hard ok?" Nakangising sabi niya pa habang nanliliit ang boses niya na parang may ginagayang boses ng isang babae.

Nangungunot ang noo ko sa pagtataka.

Ano bang pinagsasabi nito?

At huli na para maalala kong ako nga pala ang nagsabi nun kagabi at ako din yung ginagaya niya!

Malakas siyang napatawa ng makita niya ang pagbabago ng ekspresyon ng mukha ko matapos kung maisip na ako pala yung ginagaya niya.

"Ang sama mo!" Nahihiyang sigaw ko at saka muling umikot patalikod sa kanya. Siniguro ko din na nasa may kabilang dulo na ako ng kama.

Yung mas malayo sa kanya!

Kahit naiinis ay pigil pa rin akong napapangiti habang pinaglalaruan ko sa mga daliri ko ang tumatagos na sinag ng magandang araw sa may bintana.

Ramdam ko ang pag galaw ng kama at ang mahahabang mga braso ni Alex na hinila ako pabalik sa pwesto ko kung saan ay mas nakadikit na ako sa katawan niya.

"Do you like it?" Tanong niya matapos hawakan yung kamay ko.

Magkahawak ang mga kamay namin ng itapat niya ito sa sinag ng araw at saka bahagyang iginagalaw na para bang natutuwa siyang paglaruan yung sinag ng araw.

Napatango ako bilang tungon at saka naman siya muling humalik sa may pisngi ko.

"That's great! Magmula ngayon hindi ko na papalagyan ng kurtina yan." Masayang sabi niya.

Kung ganun ay may kurtina lang palang nakatabing dito kaya hindi ko man lang napansin na may ganyan kabonggang bintana sa loob.

At teka nga!

"B-bakit hindi ka nasusunog? Diba ang bampira takot sa araw?" Manghang tanong ko habang nakatitig dun sa mga kamay namin. Muli ay humalik siya sa may pisngi ko bago sumagot.

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon