Chapter 43

34.6K 1K 91
                                    

Chapter 43: WBMVK

Nagmamadali akong lumakad papuntang banyo. Kaagad akong naghilamos para mahimasmasan pero yung puso ko sobrang bilis pa rin ng pagtibok. Mahigpit akong napakapit sa may dibdib ko habang ang isa ko namang kamay ay nakasuporta sa may lababo.

"Bakit ba ayaw mong tumigil? Hindi na kita maintindihan." Bulong ko habang nakatingin sa may dibdib ko, as if namang sasagot yung puso diba? At muli akong nagbaling paharap sa salamin.

Namumutla ako.

Muli akong naghilamos at muling humarap sa salamin.

Dyusko lord!

Anemic na yata ako.

Habang nakatulala ako sa salamin ay nakaramdam ako ng pangangati. Sa parte ng leeg ko kung saan ako nagpakagat kay Alex.

Huhu! Baka magkabuni ako nito eh..

"A-alex!" Sigaw ko habang kakamot kamot. Hindi rin naman natagalan at dumating na kaagad si Alex. Walang buhay lang siya nakatayo sa may likuran ko habang nakamasid sa salamin kung saan nagtama ang mga paningin namin.

"A-alex.. yung ano.. yung leeg ko! Huhu.." naiilang na sigaw ko habang bahagyang nagpapanic. Napangisi lang si Alex na siya namang ikinataas ng isa kong kilay.

Bakit parang natutuwa pa siyang nagkakaganito ako?

Muli ay walang buhay siyang lumakad palapit sa akin habang nakapamulsa.

"Let me see." Maiksing sabi niya habang dahan dahang tinatanggal yung kamay kong nakahawak dun sa parteng nangangati.

Nakatitig lang ako sa kanya sa repleksyon namin sa salamin hanggang sa tumingin na din siya sa repleksyon namin.

Ng nakangiti.

"Your body is strictly mine now. It means your body is bounded to me, and later on your soul will be knot into my soul." Sabi niya sabay halik dun sa may leeg ko. Mas lalong akong nakaramdam ng pangangati na dinagdagan pa ng hapdi. Paagsik akong humarap sa kanya at saka ko siya tinulak sa may dibdib.

Tigas.

"Ano bang sinasabi mo? Ha! Anong bound bound ka diyan? At anong yung body ko ay sayo na? At strictly? Eh diba mga parents lang ang dapat strick? Advance ka masyado maging daddy eh, hindi pa nga ako nanganganakkk--" napatili ako ng bigla niya ako siniksik sa may lababo.

"Kailan ba titino yang takbo ng pag iisip mo? Ha!" Inis na sabi niya habang nakaturo yung hintuturo niya sa may noo ko. Kunot noo akong tumingin dun sa daliri niya at naiilang niya naman yung tinanggal.

"Matino naman ako ah! Kung iniisip mong baliw ako kasi nakipag usap ako sa multo. Eh ano naman sayo? Ang angas ko nga kasi pwede na akong maging ghost hunter!" Bulyaw ko pabalik. Bumahid sa mukha ni Alex ang pagtataka at nang maisip ko kung ano yung sinabi ko ay kaagad akong napapikit.

Asar! Mukhang masasabi ko pa yung tungkol kay Ano.

"Kita mo na! Kaya ayoko ng iniiwan kang mag isa. Siguro nanuod ka na naman ng tv kaya kung ano ano nalang ang pumapasok diyan sa utak mo!" Bulyaw niya pabalik.

Hala! Eh kelan ba ako nanuod ng tv? Lagi nga lang akong nakatulala dito sa bahay niya o di kaya naman ay nakasunod sa kanya sa opisina tapos ay pagbibintangan niya pa akong nanunuod kapag wala siya?

"Hoy! Lalaki paano mo naman nasabing nanuod ako ng tv habang wala ka? Eh wala ka ngang tv dito sa bahay mo!" Bulyaw ko ulit.

Pansin ko lang..

Kanina pa kami sigawan ng sigawan samantalang halos magkalapit lang naman kami? Nakasiksik pa nga siya sakin.

Napahalakhak siya habang nakahawak sa may batok niya.

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon