Chapter 22

44.2K 1.2K 82
                                    

Chapter 22: She's Alicia and She'll be my soon baby maker..

Lumilipad ang pag iisip ko ng biglang nag'ring ang cellphone ko. Dagli ko iyong kinuha, pero pagkabasa ko pa lamang ng pangalan kung sino ang tumatawag ay nakaramdam na ako kaagad ng kaba..

Kinakabahan ako, dahil bibihira lang naman ito tumawag. Lalo na kung hindi importante.

"I-inay..?" Kinakabahang tanong ko. Matagal bago nakasagot si inay sa akin at tanging mga pigil na hagulhol lamang ang naririnig ko mula sa kabilang linya kaya mas lalo akong kinabahan.

"I-inay? May problema ho' ba kayo?" Hindi ko mapigilang hindi mag'panic ng sa ikalawang pagtatanong ko ay mas lalong lumakas ang paghagulhol nito.

"Anak!" Tanging naging sagot nito habang walang tigil sa pag iyak.

"I-inay bakit po? May nangyare po ba?" Nanginginig ang mga kamay ko.

"A-ang itay mo.. anak! Huhuhu.."

"Bakit po may nangyare po ba?" Napahigpit ako ng hawak sa cellphone na para bang gustong gusto ko na itong pigain sa sobrang pag aalala.

"N-nasa hospital kami at ang itay mo.. kailangan na niyang maoperahan sa lalong madaling panahon."

Mas lalo akong naglumo sa mga narinig ko..

"I-inay.. pauwi na po ako diyan." Tanging naging sagot ko nalang at saka naputol na ang linya kasabay ng pagtulo ng mga luhang kanina ko pa pinipigilan.

Alexander's POV

"Make sure that after this, all will be settled based on what I want." Bilin ko kay Elaine, ang aking personal assistant. Wala pa man akong kalahating oras ay parang napakahaba na nito magmula ng malayo ako kay Alicia.

Hindi ko na nagawa pang tapusin itong meeting sa kakaisip ko sa kanya.

Hindi ako makapag concentrate dahil may kakaiba akong pakiramdam, na nag uudyok para balikan sila Alicia at Yvonne.

Derederetso akong nagtungo palabas at nagmamadaling naglakad pabalik sa aking opisina.

"A-alex." Malungkot na bungad sa akin ni Alicia pagkabukas ko ng pintuan.

Nakatayo ito sa may gilid ng kinahihigaan ni Yvonne.

"Where's my daughter?" Patay malisyang tanong ko.

Bahagya siyang tumingin sa kinahihigaan ni Yvonne kaya naman napasunod ako ng tingin.

Ramdam ko ang lungkot sa mga mata niya at ang itinatago niyang pag aalala. Isa lang ang alam kong dahilan niya kung bakit siya nagkakaganyan kaya naman alam ko na.. at malamang ay magpupumilit na naman siyang umuwi sa kanila.

"A-alex.. pwede bang--"

"Hindi naman kayo nag away pagkaalis ko diba?" Sinadya ko siyang putulin at saka ako lumapit kay Yvonne.

"H-hindi." Pilit siyang ngumingiti at patay malisya naman ako sa kanya habang tumatango.

"Alex.."

"Hindi naman kayo lumabas kanina habang wala ako diba?" Seryosong tanong ko at saka ko hinaplos ang buhok ng natutulog na si Yvonne mula sa pagkakahiga nito.

"Alex.."

"Kinulit ka ba ng anak ko?" Pabirong tanong ko.

"Alex!" Pasigaw niya akong sinagot at kaagad ay pinagsalop niya ng mga kamay niya ang kanyang mukha. Umuuga ang mga balikat niya habang pigil ang kanyang mga hagulhol.

"Cry baby! Will you stop that!" Iritabling bulyaw ko.

Sinikap kong maging magaspang sa kanya para naman malaman niya na hindi ako papayag sa kung ano mang gusto niya.

Wanted: Baby Maker -Vampire KingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon