Chapter 55: WBMVK
"Alex!" Masayang sigaw ko.
Pero para akong binuhusan ng malamig na tubig sa kinatatayuan namin ng paglingon ko ay isang galit na galit na Alexander ang rumihistro.
Huhu.. bakit ganun? Pakiramdam ko ay may kasalanan ako?
"X-x-xander." garalgal na bulong naman ni Rafael.
Napaangat ang tingin ko kay Rafael.
Bakit ba parang parehas kaming may kasalanan?!
Naguguluhan na talaga ako!
"No one give a damn dare to betray me. Rafael. No one." Nag iigting ang panga ni Alex sa galit na mas mababakas mo pa sa bawat salitang binibitawan niya.
Huhu.. ano bang mga pinagsasabi nila? Anong betray betray ba yan? Hindi naman ako nagtataksil ah?
"No one." Madiing saad ni Alex.
Sunod sunod akong napalunok.
Wala naman kaming ginawa diba? Huhu nakakatakot.
Madidilim ang mga mata ni Alex na nakatitig sa braso kong hawak ni Rafael.
"Ah, hehe a-ano.. w-wala lang i-ito ano ka ba hehe. H-hindi naman kami aalis nuh." Nauutal utal na paliwanag ko habang pilit na inaalis iyong kamay ni Rafael na mahigpit pa ring nakahawak sa braso ko.
Habang pilit kong inaalis sa pagkakahawak ang kamay ni Rafael ay mas lalo naman niya itong hinihigpitan.
"Rafael! Ano ba.. bitaw na sabi." Mahinang bulong ko.
Pero sa halip na bumitaw ay mas lalo na naman niya itong hinigpitan. Sinamaan ko siya ng tingin pero matuwid pa rin itong nakatitig kay Alex.
"So, you're trying to be her prince charming isn't it, Lewis?" Tanong ni Alex matapos magpakawala ng isang pagak na pagtawa.
Hindi sumagot si Rafael at nanatili lamang siyang tahimik habang mahigpit pa ring nakahawak sa braso ko.
Humakbang paabante si Alex.
"I can see that." Dagdag nito habang titig na titig pa rin sa kamay ni Rafael.
Saan ba nila nakukuha iyang mga pinagsasabi nila? kanina may sinabi si Rafael na masama si Alex tapos ngayon si Alex ang sabi nagfefeling prince naman daw itong si Rafael? Ehhh? Malamang parehas nilang gustong maging bida!
"K-kung gusto niyo ako nalang ang kontrabida tapos magkampihan nalang kayo. So, kayong dalawa na ang bida para walang away taposs--"
"Shut up!" Sigaw ni Alex. Kaagad akong huminto sa pagsasalita.
Kahit kelan ang short temper talaga nitong si Alex.. gusto ko lang naman mag suggest eh, ang daya kasi nila hindi man lang ako isinasali sa away.
"Answer me, Lewis. Since when this shit started?" Sa muling pagtanong ni Alex ay hindi na naman nagsalita si Rafael kaya naman ako nalang ang sumagot para sa kanya.
"Kanina nung wala ka." Alex immediately frown at me.
"And? Did he say anything?" Malamig na saad ni Alex bago muling tumingin kay Rafael na ngayo'y todo yuko na sa kinatatayuan namin.
"I'm sorry Xander. Pwede mo nang bawiin ang kotse ko pero hindi ko sayo ibabalik si Alicia." Biglang sagot ni Rafael.
Napa awang ang bibig ko sa pagkamangha.
Ano ba ito! Mas malala pa ito sa kwento ng Disney princess na si Fiona haysss.. parang Shriek vs. Charming lang?
Pero teka! Sino kaya sa kanila si Shriek? Hehe..
BINABASA MO ANG
Wanted: Baby Maker -Vampire King
VampireHighest Ranking - #1 in Vampire Category 07-18-2016 A Vampire story with a new twist! *** Do you need a job? Do you want to earn money? Are you willing to take a risk? Well, if...