PANIMULA

21.1K 410 6
                                    

          Pababa si Marco ng hagdan nang tawagin siya ng kaniyang ina.

"Anak, may naghahanap sayo."

Nasa mukha niya ang pagtataka, he's not expecting any visitor today. Weekend ngayon kaya wala siyang pasok sa pinapasukan niyang kompanya. Or he should say kompanya nilang magbabarkada. Nagpatayo sila ng engineering firm matapos nilang makagraduate sa kursong may kinalaman sa kanilang hilig.

"Anak, may inaasahan ka bang bisita ngayon?"

Nilingon niya ito.

"Hmn? No Mom."

"But someone is looking for you. What is her name again?" Huminto ito sandali para alalahanin ang pangalan.

"Ah! I remember, Sheira Raspe! Do you know her?"

Kumunot ang kaniyang noo at sumikdo ang puso niya sa binanggit nitong pangalan. After that night. After what happened to them. How can he forget her?

"Yeah," mahina niyang tugon.

"Ah, nasa sala siya ngayon. Naghihintay, pinaasikaso ko na rin sa mga kasambahay natin."

"Ah." Hindi niya alam sasabihin rito. Nalilito siya sa kaniyang nararamdaman. Bakit ganito?

"Aalis muna ako, harapin mo ng maayos. Okay? Mukhang may importanteng sasabihin," bilin nito sa kaniya. Tumango lang siya rito, tila walang salitang gustong lumabas sa kaniyang lalamunan.

Pero bago ito tumalikod ay pinuri nito ang babae.

"By the way, she's a lovely girl."

Nginitian niya lang ang ina at nagsimula nang maglakad sa sala. Hindi niya alam pero, kabado siya at hindi maintindihan ang sarili. Hindi naman siya pasmado pero pinagpapawisan ang kaniyang palad.

Nang makarating siya sa sala ay nakita siya nito. Napatayo ito at napahawak saglit sa tiyan nito. Hindi siya namamalikmata, right? Hinaplos nito ang sariling tiyan kahit hindi iyon nakaumbok. Napalunok siya ng laway sa namumuong imahe sa kaniyang utak. Shit! Pinagpapawisan siya ng malamig at kumakabog nang napakalakas ang kaniyang dibdib. May hinala na siya pero ayaw niya iyong paniwalaan.

Saka niya lang nahagilap ang sariling tinig nang tumikhim ito. Agad na umangat ang paningin niya sa mukha nito. Kababakasan iyon ng kaba. Kaba sa magiging reaksyon niya sa sasabihin nito.

Iginaya niya ito sa upuan.

"Please sit down." at sinunod naman siya.

Umupo siya sa katapat nitong upuan.

"Do you have anything to say?"

"Yeah," mahina nitong sambit.

"What is it?" maski siya, kabado sa sasabihin nito.

Pinagsalikop nito ang dalawang palad at nilaro-laro nito ang sariling daliri. Bumuntong hininga muna ito bago ito nagsalita.

"I'm pregnant," mahina ngunit may diin nitong wika. Tila itinulos siya sa kinauupuan. Siya? Siya ba ang ama? Malamang! Sino pa ba sa palagay mo? Virgin pa yan nong nakuha mo. Gago! Bakit ba hindi siya nag-ingat? Damn!

Wala siyang maapuhap na salita sa isip. Hindi pa siya handa para rito. Hindi pa siya handang magpamilya.
Ibinaling nito ang tingin sa kaniyang mukha. Bagsak ang balikat na nakitingin ito sa kaniyang reaction ngunit saglit lang iyon dahil naging blanko na ang reaksyon nito.

"Wala na akong pakialam kung ayaw mong paniwalaan Thompson. Nandito lang ako para sabihin sayo, dahil alam kong may karapatan ka ring malaman. Hindi ko sinasabing panagutan mo ako dahil kaya kong buhayin ang anak ko." at diniinan nito ang salitang anak.

Nakatingin lang siya rito. Hindi niya magawang tumugon sa naririnig. Tila may bikig sa kaniyang lalamunan at hindi siya makapagsalita. Damn!

"So I think, this is a goodbye then?" hindi pa rin siya kumikibo.

Umarko ang kilay nito pero hindi niya talaga alam ang gagawin at ang mga dapat isagot.

Nang wala pa rin itong marinig na pagpigil ay taas noo itong tumalikod at nagsimula nang maglakad palabas. Gusto niya itong pigilan pero napako na siya sa kaniyang kinauupuan.


_____

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon