KABANATA XX

9.2K 230 2
                                    

Dedicated to @erlyn181912

Nakaupo si Sheira at Marco sa dalampasigan habang nakatanaw sa dagat. Nasa likod niya ang lalaki habang nasa pagitan siya nito.

Nakayakap ito sa kaniya habang hinahapolos ang kaniyan tiyan. Nagulat na lang siya kanina nang hilain siya nito palabas ng coffee shop matapos mag-iwan ng limang daan sa lamesa.

"Marco!" tawag niya rito habang hawak-hawak nito ang palapulsuhan niya.

Napahinto ito sa paglalakad at tumingin sa kaniya. She was taken a back when she saw his eyes.

Kumikislap iyon sa tuwa hindi tulad ng una niya itong makita. May nagbago sa paraan ng titig nito.

"Yes?" Agad namang dumako ang tingin niya sa bibig nito. She saw his lips, agad naman siya napaiwas ng tingin nang maalala niya ang nangyari sa loob ng coffee shop.

Matapos siya nitong halikan ng napakatagal ay hinila na lang siya nito palabas.

"Sa-saan tayo pupunta?" nauutal niyang sabi dala ng mga 'di niya maipaliwanag na pakiramdam.

Everything seems uncontrollable, her heart, her mind. He lifted her chin and made her look at him.

"Lugar kung saan walang makakaistorbo sa ating dalawa, lugar kung saan walang huhusga sa'yo at lugar kung saan tayong dalawa lang."

Napalunok siya sa sinabi nito.

"Trust me okay?"

Napatango na lang siya sa sinabi nito at hinayaang tangayin ng hangin ang lahat nang pagdududang namumuo sa kaniyang isip.

"Asan tayo?" tanong niya nang huminto ang sasakyan sa tapat ng isang malaking bahay.

"Rest house." Sagot nito at pinatay na ang makina ng sasakyan.

Tinanggal nito ang seatbelt at lumabas ng sasakyan. Naglakad ito sa puwesto niya upang pagbuksan siya ng pintuan. Nahigit niya ang kaniyang hininga nang yumuko ito para kalasin ang kaniyang seatbelt.

Ngumiti lang ito sa naging reaksyon niya pero ang puso niya ay tumatahip na sa sobrang lakas dala nang pagkakalapit ng kanilang mukha.

"You can breath now sweety." Nakangisi nitong iniumang ang kamay para kaniyang hawakan at gawing suporta sa paglabas ng sasakyan.

At kahit nanlalamig at nanginginig ang kaniyang kamay ay inabot pa rin niya ang kamay nito. Hinawakan naman nito iyon ng mahigpit at pinagsalikop ang kanilang palad.

Nag-umpisa na silang maglakad patungo sa malaking bahay at pumasok roon. Tinignan niya ang katabi, nakatingin lang ito sa paligid. Tila punong puno ng sakit at poot ang mga mata nito.

"Marco?" mahina niyang usal upang pukawin ang atensyon nito.

"Ang tagal na rin noog huli akong bumalik rito." Nakikinita niya sa mata nito ang hinanakit. Gusto niya itong aluin pero hindi alam kung papaano. Ramdam na ramdam niya ang sakit na pilit nitong itinatago.

Tinignan niya ang paligid, lahat ng gamit ay natatakpan lang ng puting kumot at halatang ilang taon na ring hindi natitirhan.

She knew this place holds so much memories that it pained Marco to see this. Pero bakit? Bakit ito pumunta rito kung nasasaktan lang ito. Lumingon ito sa kaniya at ngumiti.

"Tara?" saka hinigpitan ang hawak sa kaniyang kamay. Kahit na nakangiti ito ay mababasa pa rin sa mata nito ang tinatagong galit at hinanakit.

Wala siyang nagawa at tumango na lang. Her heart aches, he's opening up to her now. Letting her see his side, letting her feel what he truly feels.

Dinala siya nito sa isang kuwarto. Malinis iyon pero halatang luma na dahil sa mga kagamitan.

Bumitiw ito sa pagkakalapit sa kaniya at tinanggal ang puting kumot na nakatakip sa kama.

"Pasensya ka na sa kuwarto ko."
Agad namang lumipad ang tingin niya sa paligid ng silid. Maraming transformer ang nakadisplay sa isang gilid at mga panlalaking laruan.

Naglakad siya palapit sa bintana nito at binuksan ang kurtinang tumatabing roon. Napasinghap siya nang tumambad sa kaniyang mata ang napakaaliwalas na dagat.

Maraming punong niyong roon na puwedeng pagsilungan kung sakaling tirik na tirik ang araw.

At mas lalo namang gustong maghyperventilate ng puso niya nang tumapat ito sa likod niya at yakapin siya. Napalunok siya dala ng init ng pagkakalapit nila. Her body is perfectly fit to him.

"You like the view?" bulong nito habang sinasamyo nito ang kaniyang buhok.

Tumango siya bilang pagsang-ayon.

"Sheira, do you want to know who I am?"

Kumalas siya sa pagkakayakap nito at humarap rito. Tumango siya rito tanda ng sagot.

Humakbang ito palapit sa kaniya. His intense eyes look deeply into her soul. He touches her cheeks and carress it.

"I am a broken man Sheira. I live my whole life without emotional attachment to anyone except my mother. I never thought I would need anyone."

Umawang ang labi niya sa sinabi nito. Alam niya iyon, pero ang hindi niya batid ay ang rason kung bakit ito ganito.

"I really don't know what's good in being inlove, it will just bring you pain and left you broken."

Gusto niya itong yakapin at sabihing ayos lang. Pero natatakot siya na baka lumayo ito sa oras na pigilan niya itong maglabas ng hinanakit.

"I really don't know what's the real meaning of love, not until you came to me. You made me realize that I longed for someone, I longed for the thing I've never had. But you complete me, you fill the emptiness here." Kinuha nito ang kamay niya at itinapat iyon sa dibdib nito.

"Inside my heart."

Nangilid ang luha niya sa winika nito. She can feel it. His pain, his happiness and fear.

"But I am afraid that I will hurt you someday. I'm scared of you but I fear to lose you, our babies and us." Hindi na niya napigilan ang sarili at tumulo na ang mga nagbabadyang luha. Sapat na ang kaniyang narinig para hindi ito sukuan. Ipinapangako niya sarili, she will help him heal.

Hinawakan niya ang pisngi nito at tumingkayad para maabot ang labi nito. Nabigla ito pero ipinagpatuloy niya ang nasimulan. Katulad nang ginagawa nito sa kaniya, kinagat niya ang pang-ibabang labi nito.

Ipinaramdam doon na magiging ayos din ang lahat. Hinalikan niya ito ng mariin habang ang kamay nito ay nag-umpisa nang pumulupot sa kaniyang baywang. Ipinikit nito ang mata at hinayaan lang siyang ipadama rito kung gaano niya ito katanggap at kamahal.

Hinawakan nito ang kaniyang batok at itinagilid iyon upang mas mahalikan pa siya at masakop ng bibig nito ang labi niya ng tuluyan.

Bawat sensasyong idinudulot nito ay nakakaliyo at nakakabaliw. Ipinulupot niya ang kaniyang kamay sa batok nito at nagpatangay na sa agos ng nararamdaman.

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon