◆KABANATA XXXIX◆

9.6K 176 4
                                    

Hindi malaman ni Marco kung matatae ba siya sa kinatatayuan niya o hindi. Talaga kasing sobrasobra ang kabog ng dibdib niya ngayon. This is it. This is the time they will vow with each other.

Paulit ulit pa niyang tiningnan ang sarili sa salamin para lang masigurong guwapo siya, kung maayos bang nakabrush-up ang mga buhok niya.

"Hoy Marco, mabasag 'yang salamin kakatingin mo diyan." Pang aasar sa kaniya ni Blue. Kasama niya lahat ng barkada ngayon sa dressing room.

Walang ginawa ang mga ito kundi ang buskahin siya sa oras ng kasal niya.

"I really can't believe na mauuna kapang ikakasal sa'kin Marco." Nakangiting sabi naman ni Math.

"Wala eh, tinamaan ako pare."

"Sabi sa'yo eh, kakainin niya rin lahat nang sinabi niya," si Jeilon.

"Gago, mas nauna ka pang tinamaan sa'kin eh," turan niya.

"Aba! Iba yon pare, eh ikaw? Ang ultimate playboy sa ating lima ikakasal na. Big news!" dugtong pa nito.

Sinuntok niya ang balikat nito ng pabiro, "Gago ka talaga pare."

"Welcome to the married life." Pang-aalaska pa rin nito.

"Pero Marco, ipagpalit mo lang 'yang kinakapatid ko sa mga naging babae mo, sisiguraduhin kong hindi mo na makikita ang bukas." Pagsakay naman ni Zero sa biruan.

Nabawasan na rin ang tension na nag mumula rito at kay Jeilon. Naalala niya, ito rin ang sinabi nito noong mag-usap sila minsan sa rooftop.

"Anong gusto mong pag-usapan natin?" tanong agad sa kaniya ni Zero nang makaakyat siya ng rooftop.

Pinaluwagan niya ang suot na kurbata at humarap sa kaibigan.

"Pumayag na siyang magpakasal sa'kin. Hihingiin ko personally ang kamay niya sa kaniyang magulang.

"Good... Pero kapag nalaman kung ipinagpalit mo si Sheira sa mga naging babae mo. Sisiguraduhin kong hindi mo na masisilayan ang araw."

Matapos niyon ay humarap siya sa mga barkda at nagtanong.

"Pero pare? Guwapo na ba ako?" at tinaas baba pa niya ang kilay.

"Oo na guwapo ka na," sagot naman ni Math.

"Pero mas guwapo pa rin ako." Self proclaim naman ni Blue.

"Calm yourself Marco." Kuha ng best man niya sa kaniyang atensyon.

Nilingon niya ang pinsan na si Constatnine.

"Yeah right, but fuck! I'm really nervous dude."

Tinawanan lang siya nito.

Mas lalo pang nadagdagan ang kaba niya ng magsimula nang tumunog ang nirequest na wedding song ni Sheira, palatandaang ito na ang magmamartsa.

I never know I could feel like this. It's like anything is possible, it something more than physical. I never thought I ever get to this, you swept me off my feet, now my life is complete.

Tugmang-tugma sa nararamdaman niya ngayon ang mga lirikong pumapaibabaw sa loob ng simabahan.

"Marco hinga." Pang-aasar ng pinsan niya. Nilibot niya ang tingin sa paligid, nakahilera lahat ng barkada niya. Nakangiti ang mga ito at halatang chinicheer siya. At sa isang dako naman ay ang kinakapatid niyang si Nikolle, maaliwalas na ang ngiti nito pero hindi pa rin maiaalis ang lungkot. Nagkausap na sila two days before his wedding.

"So you're really going to get married Marco." Pag-umpisa nito nang mapagdesisyonan nilang magkita sila sa isang coffee shop.

"Yeah."

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon