KABANATA XII

11.6K 226 6
                                    

Dedicated to @SH3480
       
          Gumising ng maaga si Marco para magpaturong muling magluto sa kaniyang ina. Dadalawin niya ulit si Sheira at excited na siyang makita ito ngayon. Hindi siya sigurado sa nararamdaman but he will do everything to get her.

Matapos ang cooking lesson niya sa ina ay dumiretso agad siya sa tinutuluyan ni Sheira, pero hindi niya ikanatuwa ang nakita.

Hawak ni Brent ang baywang nito habang naglalakad, alam niyang inaalalayan lang nito ang babae ngunit hindi niya maiwasang makaramdam ng selos. Hindi tumatakbo ng matino ang utak niya kapag ganitong may ibang lalaki ang lumalapit sa kaniyang asawa.

Asawa? You're not even engage for Pete's sake! So stop acting like you are one. Sansala naman ng kaniyang utak.

Oo,siguro nga hindi pa sila kasal pero magiging kaniya rin ito, he will make sure of that. Siya lang dapat ang humawak sa kaniyang mag-ina. Siya ang dapat nasa tabi nito, hindi ibang lalaki, hindi si Brent kundi siya lang. Siya lang walang iba. Depensa naman ng kaniyang isip.

Ipinilig niya ang kaniyang ulo upang alisin ang namumuong kabaliwan. Nasisiraan na siya ng ulo kung iisipin niyang pag-aari niya si Sheira. Hindi ito ordinaryong babae lang, ina ito ng magiging anak niya. At may kalayaan itong pumili kung sino ang gugustuhin nitong makasama.

Makalipas ang ilang minutong pakikipagdebate sa sarili ay bumaba na siya sa sasakyan.

Lumapit siya sa dalawa na ikinasorpresa ng babae.

NAGING eratiko ang tibok ng puso ni Sheira nang marinig niya ang kaniyang pangalan.

"Sheira."

Nilingon niya ang pinanggaligan ng boses. Mas maayos na ang mukha nito kaysa nong mga nakaraang araw.

Maayos nang nakagel pataas ang buhok nitong nagupitan na rin. Natanggal na rin ang mga bigoteng tumutubo sa mukha nito pati na rin ang damit nito ay nakaplantsa na at maayos nang nakabutones.

"Marco! Anong ginagawa mo rito?"

"Dinadalaw ka, ipinagluto na rin kita ng pagkain. Mom says it's good for your health and the baby."

Ang laki ng pinagbago nito simula nang sabihin nitong magiging mabuting ama ito sa magiging anak nila. Namula naman ang kaniyang pisngi dahil sa naalala.

"Anyways, mukhang may lakad ka ata."

Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang sukatan ng tingin ng dalawang lalaking kasama niya.

"Oo, pupunta kami ng hospital para mag pacheck-up." Sabat naman ni Brent. Alam na nito ang balak ni Marco na pakasalan siya pero hanggang ngayon ay masama pa rin ang paningin nito rito.

"Ako na ang sasama sa kaniya." Pag-alok ni Marco.

"Hindi, ako ang kilala ni Doktora Paez na kasama ni Era." At mas lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kaniya ng lalaki.

Nakipagsukatan ito nang tingin sa kaibigan.

"Naiintindihan ko pare na andiyan ka para kay Sheira pero hayaan mong gawin ko naman ang responsibilidad ko sa kaniya."At hinawakan siya sa kamay.

Mas lalong naging baliw ang puso niya at nalilito siya sa nararamdaman dahil sa sinabi nito.

Naiintindihan niya si Brent at batid niyang pinoprotektahan lang siya nito bilang kapatid. Pero nauunawaan niya rin si Marco dahil sa inaakto nito.

"Kung walang gustong magpaiwan sa inyo, sumama na lang kayo pareho." Pagpagitna niya sa usapan upang maiwasan ang away.

Sabay naman napalingon ang dalawa sakaniya.

"Are you sure?"

"Sigurado ka?"

Sabay din na tanong ng dalawa. Halata sa mga mukha nito ang pagdi- sang-ayon.

"Oo."

"Eh kung ganoon, sasakyan ko na lang ang gamitin natin." Suhestiyon naman ni Marco.

"Hindi, sasakyan ko na." Kontra naman ni Brent.

Ito na naman ang dalawa, nag-uumapaw na naman ang testosterone sa katawan. Wala ng ibang ginawa kundi ang magkontrahan.

"No. We will use my car, maayos ang aircon, malambot ang upuan at malawak sa loob."

"No. Kotse ko ang gagamitin, ayaw ni Era sa aircon." Pagmamatigas ni Brent.

"Puwede ba? Magkusundo naman kayo? Kahit ngayon lang?" At bumitaw sa pagkakawak ng dalawang lalaki. At bago pa man magkainitan ang dalawang lalaki ay pinigilan na niya. Ramdam na ramdam nya ang tensyon sa paligid.

"Kailan pa tayo matatapos rito kung magtatalo pa rin kayo pati sa sasak-"
Hindi na niya natapos ang sasabihin ng walang pasabi siyang buhatin ni Marco. Nanlaki ang mata niya pati na rin ang kasama sa ginawa nito. Jusko! Amoy na amoy niya ang pabangong gamit nito.

"Marco! Ibaba mo ako." Tili niya ng hindi pa rin siya nito ibinababa.

"No! We will use my car and that's final." Nakakunot noo nitong sagot sa kaniya.

Nagbabadya ang kung anumang bagyo sa mukha nito sa oras na humindi siya sa gusto nito.

"Fine! We will use your car basta ibaba mo lang ako." Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pasimple nitong ngiti dahil sa sagot niya. Naninibago siya rito ngayon. Ayaw naman niyang mag-assume pero mukhang nagseselos ito kay Brent.

Kung nagseselos man ito, sana totoo na nga.

"Sinabi mo 'yan ha?" Tuluyan nang kumawala ang pinipigilan nitong ngiti sa labi.

Nahugot niya ang kaniyang hininga ng mas lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kaniya. Nababaliw na ba siya at panay ang tigil ng kaniyang mundo? O epekto lang ito ng pabangong na langhap niya rito. Pero Jusko! Kailangan na niyang makawala sa bisig nito at baka hindi niya mapigilan ang sarili ay kabigin niya ito at tuluyan nang halikan ito sa labi.

"Ibaba mo na ako." Bulong niya habang hindi makatingin ng diretso sa mata nito.

Saka lang niya nabawi ang hininga nang ilayo na nito ang tingin sa kaniya at balingan si Brent. Pero hindi naging sapat iyon para pabagalin ang tibok ng kaniyang puso.

"You heard that right?" tanong nito kay Brent. Halata sa mukha nito ang tuwa, pakiramdam nito ay nakalamang ito sa kasama nilang lalaki at hindi alintana ang nakakamatay na tinging ipinupukol dito ni Brent.

Sa huli ay sumuko rin ang kaibigan, wala na itong nagawa kundi ang bumuntong hininga at sumang-ayon. At dala ng inis ay nauna nang naglakad papunta sa sasakyan at pinagbuksan sila ng pinto.

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Zodiac Mugs
Available @ our shopee store!❣️

Primitibo Printing Services
https://shp.ee/t2c4k23

100 Pesos- Sagittarius

100 Pesos- Sagittarius

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon