Hindi magkamayaw sa pagtulo ang luha ni Sheira nang sunduin siya ng kaibigang si Yandee at ng kuya nitong si Brent. Dinala siyang muli ng dalawa sa bahay ng mga ito. Sa bahay ng magulang ng dalawa. Nasa sala sila ngayon, nakaupo siya samantalang nakatayo ang dalawa habang nakaharap sa kaniya. Naubos na rin niya ang isang rolyo ng tissue kakasinga.
"Sis, tama na yan." Umiling siya sa kaibigan.
"Makakasama para sa’yo at sa baby 'yang pag-iyak mo." Malumanay nitong paalala.
Napahigpit ang hawak niya sa tissue. Hinawakan niya ang nakaumbok na tiyan. Bakit? Bakit? Bakit pa kailangang mangyari sa kanila iyon?
"Ano ba talagang nangyari?" untag ni Brent ng hindi siya magsalita.
Iniangat niya ang tingin rito kahit pa namamaga na ang mata niya kakaiyak. Bakas sa mukha nito ang pinagsamang pag-aalala at galit.
"Bakit bigla ka na lang nagpasundo sa amin?" hindi niya maitatangging galit ito ngayon. Pero mas lalo siyang napaiyak dahil sa tanong nito.
"Ano na naman bang ginawa sayo ng Marcong iyon?!" nagpipigil ang boses nito. Nagtatagis rin ang bagang nang banggitin ang pangalan ni Marco.
"Si-si Nikolle..."Pag-uumpisa niya. Nag-aabang ito ng susunod niyang sasabihin samantalang ang kapatid nito ay naningkit na ang mata.
"Bakit? Ano bang ginawa ng gagang iyon?" hindi mapigilang sambit ni Yandee.
"Magka-magkasama sila."
"Kailan?"
"Kagabi." At hindi na naman niya napigilan ang pagbalong ng kaniyang luha, parang may kutsilyong tumarak sa kaniyang dibdib at hindi niya matapos-tapos ang sasabihin.
"Anong? Hindi ko maintindihan sis. Anong ibig mong sabihing magkasama? Kagabi?" Tumango siya rito.
"Hindi umuwi si Marco." Pagkukumpirma ni Brent. Nakakuyom ang kamao nito at nagpupuyos ang mata nito sa galit. Napakagat naman siya sa labi nang makumpirma ng lalaki ang hinala.
"Ano?! Anong ibig mong sabihin? Magkasama silang magdamag?!" gulat na gulat na tanong ng kaibigan.
Tumango na naman siya rito. Nakagat nito ang labi nito dahil pinipigilan nitong magmura ngayong kasama nila ang kuya nito.
"Sinasabi ko na nga ba, may kulong itinatago ‘yang babaeng ‘yan eh!" inis na sabi nito.
"So ano ng plano mo?" dugtong nito.
"Hindi ko alam." Humihikbi pa rin niyang sagot.
Dumaan ang sandaling katahimikan dala ng kaniyang sagot. Narinig na lang niyang bumuntong hininga ang kaibigan at ang kuya nito.
"Dumito ka muna habang hindi ka pa nakakapag-isip ng dapat gawin." Ani ng kuya nito.
"Sa-salamat." Mas napalakas ngayon ang kaniyang paghikbi nang yakapin siya ng kaibigan.
Hindi man niya sabihin sa dalawa ang buong kuwento ay alam na ng mga ito ang iniisip niya. Hindi na siya kinulit pang tapusin ang kuwento dahil ramdam na ramdam ng mga ito ang pighati at hinanakit niya para sa lalaki.
Katatapos lang kumain ni Sheira ng pangabihan. Nagpapahinga muna siya sa kuwartong ipinahiram sa kaniya ng kaibigan. Sinimulan na rin niyang ilagay sa aparador ang mga damit niya sa maleta nang makita niya roon ang kaniyang cellphone, nakapatay.
Nanginginig ang mga kamay na dinampot niya iyon. Bagamat nasasaktan, umaasa pa rin siyang kokontakin pa rin siya ni Marco.
Binuksan niya iyon at rumehistro roon ang mahigit isang daan nitong mensahe. Nagtatanong iyon kung nasaan siya."Sweetheart! Where are you?"
"Sweetheart, talk to me please."
"I can't afford to lose you."
"Please. Answer my call."
"Sheira? Please, ano bang problema? Tell it to me please. Huh? Baby?"
"Please!"
"Please Sheira."
Nagtutubig na ang mata niya habang binabasa niya ang lahat ng mga mensahe nito sa kaniya.
Nahinto niya ang paghinga nang magring ang kaniyang phone. Si Marco iyon. Lumakas ang kabog ng puso niya. Hindi niya alam kung sasagutin ba iyon o hindi pero sa huli ay nanaig pa rin ang kagustuhan niyang marinig ang boses nito.
"Hello? Sheira?" Namamaos na ang boses nito. Hindi niya alam kung umiyak ito o ano.
Itinikom niya ang bibig upang pigilin ang sariling magsalita.
"Please, talk to me sweetheart. Please." Narinig niya ang paghugot nito ng mamalim na hininga.
Hindi na niya mapigilan ang mapaluha sa pakiusap nito.
"Ano bang problema? Bakit ba bigla ka na lang-" nanginig ang boses nito. Narinig niya ang paghikbi nito.
Tinakpan niya ang bibig para mapigilan ang sariling mapahagulhol. Sobrang sakit nang nararamdaman niya ngayon. Hindi niya alam kung kaya niyang hindi ito kausapin.
Itinuloy nito ang sinasabi. "Why did you leave me Sheira?" mas lalo siyang napahagulhol nangg rinig na rinig na niya ang pag-iyak nito."Please talk. Kausapin mo naman ako." Nakikiusap ang boses nito. May narinig siya natumbang lata, may hinala na siyang beer iyon.
"Para akong mababaliw pagdating ko sa bahay, wala ka na, lahat ng gamit mo-" at narinig niya ang pagsigok nito. "Hindi ko na mahagilap."
Parang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya ngayon dahil sa naririnig niyang paghihirap nito.
"Hinanap kita kung saan-saan."
"I even went to Brent's house, pero wala ka roon." At tuluyan na niyang narinig ang pag iyak nito. Dumaan ang ilang minutong katahimikan bago ito nagpatuloy.
"Please tell me, kung nasaan k-" bago pa nito natapos ang sasabihin ay pinatay na niya ang tawag at tuluyan ng pinatay ang kaniyang phone.
Napahawak siya sa dibdib dahil sa sobrang sakit niyon. Doon na niya tuluyang ibinuhos ang lahat ng luha.
Gusto niya itong kausapin, gusto niya itong yakapin pero sa tuwing naririnig niya ang boses nito ay nasasaktan siya. Sariwa pa rin sa alaala niya ang mga nangyari. She cursed destiny for this. Bakit ba kailangan sa kaniya pa mangyari ito.
Ano bang ginawa niyang masama rito? Mas masakit pa ito kumpara sa sakit na naramdaman niya noong lokohin siya ng bestfriend niya at ng kaniyang ex.
Nagising na lang siya kinabukasan ng may narinig siyang nagtatalo sa labas ng kaniyang pinto.
"Oh my god! Kuya!" hiyaw ng kaniyang kaibigan.
Doon na siya napatayo at binuksan ang pinto. Huminto ang mundo niya sa nabungaran.
Si Marco at si Brent, parehong may pasa at duguan ang mukha at si Yandee na pilit na inaawat ang dalawa. Napahinto si Marco ng banggitin niya ang pangalan nito.
"Marco," mahina ngunit gulat na gulat niyang usal.
Awtomatikong napalingon ito at nagtama ang kanilang paningin.
Animo'y nakalimutan nito ang paligid at hindi na nito napansin ang paparating na kamao ng kaibigan niyang si Brent.
_______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!
BINABASA MO ANG
She Changed Me [Complete]
RomanceThe Engineers Series 2: She Changed Me (MARCO THOMPSON) SPG- T,L,S Siya si Engr. Marco Thompson isa sa nagmamay-ari ng Five Engineering Firm. Wala pa sa bokabularyo niya ang malagay sa tahimik, dahil ang dahilan niya ay nag-eenjoy pa siya sa pagigin...