KABANATA XXX

7.3K 144 3
                                    

        Naningkit ang mata ni Sheira sa mga ngiti ni Nikolle na para bang wala itong sinabing masakit sa kaniya. Dahil magkatabi sila ni Marco, katapat niya ngayon ang babae. Mas lalo siyang naiirita sa mukha nito.

"Sheira, how are you?" kunwaring concern na tanong ng babae. Hindi niya alam kung sasagot ba siya o hindi dahil pakiramdam niyay may ibig pa itong sabihin sa tanong. Kung sa inaakala nitong ibibigay niya ang gusto nito. No way!

"Ayos naman ako, bakit mo na tanong?" Ngumiti naman siya ng pagkatamis-tamis. Ayaw niyang patalo rito.

"Oh!" at ibinaba nito ang kutsara at tinidor sa plato, "I'm concern 'bout you, right Marco?" saka bumaling sa lalaki. Uminom muna ng tubig ang kasintahan bago sumagot.

"Yeah you're right Niks." Pag sang-ayon naman ng nobyo  na mas lalo lamang nagpakulo ng kaniyang dugo.

"Oh well, as you can see I'm fine Nikolle." At ngumiti rito na parang walang nangyari, "Nga pala bakit ka pala napadalaw rito?" usisa niya saka sumubo ng pagkain. Tumango-tango naman ang lalaki at inabangan ang sagot ng kinakapatid nito.

"Oh yes! Thank you Sheira for asking that. Andito lang naman ako para kay Marco." Napakunot noo siya sagot nito. What do you mean bitch?

Umayos ito nang sagot kung ayaw nitong makalbo. Hindi niya alam kung bakit ganito siya ka aggressive mag-isip. Siguro dahil buntis siya kaya ang hormones niya ay hindi stable.

"Me? What about me Niks?" Sinasalinan nito ng orange juice ang kaniyang baso.

Ngumiti rito ang babae at itinutok ang atensyon sa nobyo niya.

"I just want to invite you on my birthday this week?" Birthday nito? Pero balak na nilang umuwi sa bahay nila para masabi na ang pagbubuntis niya sa kaniyang magulang. She hopefully wish na sana hindi ito umoo. Please say no Marco. Hindi siya makapagfocus sa kinakain dahil kitang-kita niya kung paano pagmasdan ni Nikolle ang lalaki. Babae rin siya, alam niya kung ano iyon.

"Pero-" hindi na natapos ng kasintahan ang sasabihin nang putulin iyon ng kinakapatid nito.

"Pleaaaase?" Pagmamakaawa nito at parang nagtatampo, "You promise before na wala kang kakalimutan na birthday ko, " at ngumuso pa. Tsk! Uminom siya ng malamig na juice dahil nag-iinit na ang kaniyang ulo.

"Oh dahan-dahan." Alalay sa kaniya ni Marco. Hindi nakaligtas sa kaniyang paningin ang pagtalim ng tingin ni Nikolle sa kaniya.

"Ano na Marco?" singit naman ni Nikolle.

Napatingin naman rito ang lalaki at sa kaniya at napalipat-lipat ang tingin sa kanilang dalawa.

"Pero may balak kaming puntahan ni Sheira Niks." Sumimangot ang babae sa sagot ni Marco.

"Pero nangako kang pupunta sa lahat ng birthday celebration ko." At nagsalubong ang kilay. Tss! May pupuntahan nga kami! Bakit ba ang kulit mo? Gusto na niya iyong isatinig pero nagpipigil siya.

Bumaling ito sa kaniya.

"Sheira? Puwede niyo namang ipagpaliban yong lakad niyo right?" at nagpanggap na parang naluluha.

Aba't! Tinanong mo talaga ako bruha ka?

"Please? Just think of this favor as your birthday gift to me." Pangungulit nito. Hah! Birthday gift? Naloloka na ba ito? Matapos nitong ipakita sa kaniya ang picture nito at ni Marco. Ang lakas naman ng loob na manghingi ng favor!

"Ah Nikolle-" hindi na niya natapos ang sasabihin nang sumabat sa usapan nila si Marco.

"Ganito na lang. We will go early in the morning after Niks birthday? Is it okay sweetheart?"

Napalingon siya sa lalaki, malapit masiyado ang kanilang mukha. Napatitig siya sa mata nito. Malamlam iyon at parang natatakot na baka siya ay humindi sa suggestion nito. Ayaw niya itong pahirapan pa, basta para rito, papayag siya.

Tumango siya bilang sagot. Ngumiti naman ito, lumiwanag na naman ang kaniyang mundo. Hinawakan nito ang dalawa niyang pisngi saka siya kinintalan ng halik sa labi. Oh men! Nababaliw na naman siya sa halik nito.

"Hmmn! Lasang chopseuy!" sambit nito sa pagitan nang halik.
Hindi niya mapigilang mapangiti.

Napalingon naman siya kay Nikolle nang tapusin ng nobyo ang halik.
Hindi maipinta ang mukha nito sa inis. Pero nang lingunin ito ni Marco ay instant na umaliwalas ang mukha nito. Gusto niyang paikutin ang mata dahil sa reaksyon nito. Ingrata talaga ang gaga!

Hindi sumama si Sheira sa birthday ni Nikolle dahil inihahanda niya ang gamit nila ni Marco para bukas at higit sa lahat, buntis siya kaya kailangan niyang mag-ingat. Nailagay na niya lahat ng gamit nila pero hindi pa rin ito umuuwi. Alas dose na rin ng gabi kaya kailangan na niyang matulog dahil makakasama para sa baby nila ang pagpupuyat.

Humiga muna siya sa kama nila ni Marco at umidlip pero pagkaraan lang ng ilang oras ay nagising siya dala ng liwanag ng kaniyang cellphone nang magbeep iyon.

Mag-aala singko na ng umaga pero wala pa rin si Marco. Pagdakay sumilab ang kakaibang takot sa kaniyang dibdib. Bakit hindi ito umuwi? May nangyari bang masama?

Binuksan niya ang cellphone para sana textan si Marco pero huminto ang oras niya nang buksan niya ang isang mensahe galing sa hindi nakarehistrong numero.

Tila may libo-libong kabayo ang tumadyak sa kaniyang dibdib at nahirapan siyang huminga. Hindi niya mapigilan ang pagbalong ng kaniyang luha. Bakit nagawa nito iyon sa kaniya.

Nanginginig ang kaniyang kamay habang tulalang nakatingin sa picture na isinend sa kaniya ng hindi na niya kilala.

Si Marco at Nikolle, magkasama kagabi, parehong hubot hubad at magkatabing natutulog. Tila siya kakapusan nang hininga.

Marco! Bakit?

Hindi niya alam kung ano nang gagawin. Gusto niyang magtiwala rito pero masiyadong masakit para muling ipahawak rito ang puso niya.

Umiyak siya nang umiyak hanggang sa mapagod bago tumayo at pinunanasan ang luha.

Nakapagdesison na siya, aalis siya ng wala ito.

_______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon