"Marco! Bilisan mo, manganganak na ako!" hiyaw niya rito habang hindi na ito magkandaugaga sa pagdadrive.
"Jusko! Hang in there Sheira!" Hiyaw naman ni Nadie, mas natataranta pa ito kaysa sa kaniya.
Nagkaroon ng reunion ang magbabarkada kung kaya’t sa malaking Van na ito ay nandito lahat ang limang magkakaibigan kasama ng mga asawa nila.
"Malapit na ako!" Hindi na niya ulit mapigilang sigaw dahil humihilab na naman ang kaniyang tiyan.
"Daddy? Magkakaroon na po kami ng bagong kapatid?" sabay na tanong kambal sa ama nito.
"Yes baby, kaya ‘wag niyo munang guluhin si mommy." sagot naman rito asawa saka pinaharurot muli ang sasakyan.
"Pare bilisan mo!" sigaw muli rito ni Zero.
"Fuck I know!"
"Damn traffic pa!" at naihampas nito ang kamay sa manibela.
"Ano?" halos magulantang siya sa sinabi nito. Traffic pa? Jusko ang matres niya.
"Blue! Ikaw muna bahala rito at sa kambal namin. I will run for this one."
"Sure!" at nakipagpalit na ng puwesto si Marco rito.
"Hang in there sweety," at pinunasan nito ang mga pawis niya sa noo saka siya nito binuhat.
"What?" nanlaki ang mata niya sa naiisip nitong paraan.
"We have no choice. Walking distance na lang naman ang ospital kaya itatakbo na kita." At lumabas na ito ng sasakyang buhat-buhat siya saka ito tumakbo ng mabilis. Narinig pa niya ang tawanan ng mga barkada nito at pang-aasar.
"Go pare!" tumatawang buska pa ng mga ito.
Pero wala na siyang nagawa kundi ang sumunod sa paraan nito ng humilab muli ang kaniyang tiyan. Jusko!
"Marco!"
_______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!
BINABASA MO ANG
She Changed Me [Complete]
RomanceThe Engineers Series 2: She Changed Me (MARCO THOMPSON) SPG- T,L,S Siya si Engr. Marco Thompson isa sa nagmamay-ari ng Five Engineering Firm. Wala pa sa bokabularyo niya ang malagay sa tahimik, dahil ang dahilan niya ay nag-eenjoy pa siya sa pagigin...