"Marco anak!" umiiyak na tawag sa kaniya ng ina at lumuhod sa harap niya. Hinawakan nito ang kaniyang mukha. Tumutulo ang luha nitong nakatingin sa kaniya. Agad siya nitong niyakap. Yumakap rin siya ng mahigpit rito at umiyak. Wala na siyang pake kung nakikita na siya ng mga barkada niya sa ganitong kalagayan. He felt lost and he needs his mother love and guide.
"Ma." Tawag niya rito sa pagitan ng pagtangis.
"I'm so sorry, I'm so sorry!" paulit ulit nitong sinasabi habang nakayakap sa kaniya.
Napakunot noo siya sa sinasabi nito.
"Ma. You have no fault here."
"Marco meron." Lumayo ito sa kaniya ng bahagya at umupo para magpantay sila.
"Kung sinabi ko lang sana sa’yo ang totoo, hindi mangyayari ito. Kahit pa ayaw mong makarinig ng tungkol sa kaniya, sana ay nagpumilit akong sabihin kung ano ba talaga ang tunay na nagyari sa pagitan namin ng papa mo. Pinunasan nito ang luha nito.
"Marco, hindi mo tunay na ama si Mathew." Napatanga siya sa sinabi ng ina. Parang bombang sumabog iyon sa kaniyang pandinig. Tila ang mundong pasan pasan niya ay biglang naglaho.
"A-anong ibig niyong sabihin?" parang hangin lang iyon sa hina ng kaniyang boses. Nawala ang pagkalasing niya sa isiniwalat nito.
Nakayuko si Clarita habang pabalik-balik sa harap niya ang kaibigang si Mathew. Galit na galit ito sa nalaman. Daig pa nito ang ama niya kung makaprotekta sa kaniya.
"Anak ka ng! Kahit pa magalit ako sa iyo ngayon Clarita, hindi na nito mababagong buntis ka." Halatang fustrated na ito. Nasa loob sila ngayon ng condo niya. Tinawagan niya agad ito ng matuklasan niyang buntis siya.
"Kilala mo ba kung sino ang ama ng dinadala mo?"
"Hindi." Nakayuko pa rin niyang sagot.
Sigurado siyang nagsalubong na ang dalawang kilay nito sa sagot niya."Ano?! Umayos ka Clarita! Paanong hindi mo alam?"
Mas lalo siyang napaiyak sa taas ng boses nito. "O-one night stand lang kasi yong nangyari."
"Ano?! Patawarin ako ng diyos pero hindi ko na alam ang gagawin ko sayo Clarita. Ilang beses na kitang pinagbawalan at pinagsabihan diyan sa pagpunta-punta mo ng club pero hindi ka pa rin nakinig!"
At ngayon ay tuluyan na siyang napahagulhol dahil lahat naman ng sinabi nito ay totoo. Dahil sa katangahan niya ngayon kung bakit siya nabuntis. Baka mapatay pa siya ng ama niya sa oras na malaman nitong one night stand itong nangyari sa kaniya.
BINABASA MO ANG
She Changed Me [Complete]
RomanceThe Engineers Series 2: She Changed Me (MARCO THOMPSON) SPG- T,L,S Siya si Engr. Marco Thompson isa sa nagmamay-ari ng Five Engineering Firm. Wala pa sa bokabularyo niya ang malagay sa tahimik, dahil ang dahilan niya ay nag-eenjoy pa siya sa pagigin...