KABANATA VI

12.4K 260 0
                                    

          Napako ang tingin ni Marco sa pitakang nalaglag ng kaibigan. Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman.

"Zero--" mahina niyang bigkas habang hindi pa rin makahuma sa nakita.
Nilingon siya nito at nakakunot ang noo. Nagtatanong ang mga mata nito. Batid niyang alam nito kung ano ang nakita niya.

"Who's that lady?"

Tiyak niyang alam nito ang tinutukoy niya. At maski si Math ay tahimik na nakikinig.

"Who's that lady beside Nadie?" Muli niyang tanong habang mabilis ang tibok ng kaniyang puso dahil sa kaba.
Naningkit ang mata nito at kumuyom ang kamao nito sa kaniyang tanong. Nanlisik ang tingin at umigting ang panga.

"I said! Who's that-"

Hindi na niya natapos ang tanong ng bigla na lang siya nitong sugurin at bigwasan sa mukha.

Napasalampak siya sa sahig habang nakadagan ito sa kaniya.

Kwinelyuhan siya nito at sinigawan.
"Damn Marco! Sabihin mong mali ang hinala ko." Nanlilisik pa rin ang tingin nito sa kaniya.

"Pare, I'm sorr-"

Hindi niya ulit natapos ang sasabihin nang palandinging muli nito ang kamao sa kaniyang mukha. Damn!
Nang uundayan siyang muli nito ng isa pang suntok ay kumilos na si Math upang pigilan iyon.

"Zero tama na!" Awat ni Math habang hinihila nito ito palayo sa kaniya. At dinaluhan naman siya ni Blue sa pagtayo.

"Pakawalan mo ko pare." Pagpupumiglas nito sa hawak ni Math. Nagtatagis ang bagang nito.

“Bakit pati ang kinakapatid ko? Tangina pare, parang kapatid ko na si Sheira. Bakit pati siya dinagdag mo sa collection mo?" bulyaw nito sa kaniya.

"I'm sorry, it was an accident." Paliwanag niya rito. Goddammit! Kung alam lang niyang kinakapatid ito ni Zero ay hindi na siya lumapit rito. Alam niya ang kaniyang limitasyon. Walang talo talo.

"Accident?!"

"Zero, hindi ko sinasadya. We were drunk at that time."

Naipikit nito ang mata na tila ba nagpipigil lang sumabog. Pagdaka itong nanahimik at pilit kinakalma ang sarili.

"Panagutan mo ang ginawa mo." Sabi nito habang nakatingin sa kaniya. Nasa boses nito ang awtoridad at galit. Nauunawaan niya ang galit nito sapagkat siya ang unang lalaki sa buhay ng babae. Pero hindi niya kayang tanggapin ang sinasabi ni Zero.

"Fucking what?! Pare, alam mo kung hanggang saan lang ang kaya kong ibigay. Why would I marry her? I cannot love her."

Nanlisik ang mga mata nito sa narinig nitong sagot mula sa kaniya. Hindi na ito napigilan ng kasama nila at tuluyan na siyang sinugod.

HABANG tumatagal ay nasasanay na si Sheira sa kaniyang paligid makalipas ang ilang linggong pamamalagi sa lugar ng kaniyang kaibigan.

Nakakapagrelax ang kaniyang katawan at nakakalanghap siya ng sariwang hangin.

Nakatanaw lang siya sa dalampasigan ng may magsalita sa kaniyang likod.

"A penny for your thoughts?" Nakingiting tanong nito.

"Oh Brent! Ikaw pala." Umupo ito sa tabi niya at tumitig rin sa kawalan.

"Nakapag-isip ka na ba?" Tanong nito.
Napakunot noo siya sa sinasabi nito. Lumingon din ito sa kaniya at tumawa nang mahina.

"Oh? Anong tingin ‘yan?" Nakangiti ito tila natatawa sa reaksyon niya.

"Alam mo, ramdam kong may problema ka. So, if you wanna share it, andito lang ako makikinig." dugtong pa nito.

Nawala ang pagkakakunot noo niya at napabuntong hininga. Ganoon na ba siya katransparent? At kitang-kita nitong may dinadala-dala siyang problema?

"Care to share you thoughts? Lalim nang hugot ng hininga mo eh." Nang eengganyo ang tinig nito.

Dumakot siya ng buhangin at nilaro iyon.

"Kung maibabalik mo lang ang panahon? Anong gusto mong balikan?" Tanong niya pagkuwan.

Tahimik lang ito hindi tulad kanina. Nahawa na rin ata ito sa kaniya at malayo rin ang tingin.

"Siguro, 'yong panahon na sana hindi pa huli ang lahat. Na sana, ipinaglaban ko ang pagmamahal ko sa taong mahal ko. Ikaw?"

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sinagot ang tanong nito.

"Siguro, yong panahon na sana, maibabalik ko pa ang dati. Ang dating ako."

Tiningnan siya nito at inakbayan.

"Alam mo, kung ano man ‘yang dinadala mo? Malalagpasan mo rin. At minsan, magpapasalamat ka na lang na naranasan mo yon. Dahil iyan ang magiging dahilan ng pagiging matatag mo. Sabi nga nila, learn from your mistake."

Nakikita niya sa mga mata nito ang sinseridad. Umiwas siya ng tingin rito. Masyado na siyang nadadala sa mga sinasabi nito.

Inalis nito ang pagkakaakbay sa kaniya at tumayo na.

"Tara?" Aya nito sa kaniya.

Tiningala niya ito para makita niya ang mukha nito.

"Saan?"

"Sa puso ko."

Napaikot niya ang mata at natawa na lang sa sagot nito. Kahit kailan talaga, wala siyang makukuhang matinong sagot rito.

Tumawa pa ito sa nakitang reaksyon niya.

"Ayan! Ngumiti ka na. Kanina lang eh, para kang binagsakan ng bato sa lalim nang iniisip mo."

Tinignan niya ito at tumayo na rin. He offer his hand para tulungan siyang tumayo. Inabot naman niya iyon at nagpagpag nang makatayo na ng maayos.

"Thanks." Pasasalamat niya rito dahil kahit papaanoy napapagaan nito ang kaniyang loob.

"You're welcome." Nakangiti nitong tugon.

"Paano ba ‘yan? Hapon na, kailangan na nating umuwi."

"Oo nga eh. Tara na?" Tanong nito.
Tumango siya rito at nagsimula nang maglakad ng bigla siyang nakaramdam ng pagkahilo. Agad naman siya nitong dinaluhan at nasalo bago pa lumagapak ang katawan niya sa buhangin.

"Hey! Is there something wrong?" Tanong nito sa kaniya habang tinatapik nito ang kaniyang pisngi.
Hindi na niya nagawa pang sumagot dahil tuluyan nang nagdilim ang kaniyang paningin.

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Zodiac Mugs
Available @ our shopee store!❣️

Primitibo Printing Services
https://shp.ee/t2c4k23

100 Pesos- Gemini

100 Pesos- Gemini

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon