Kalalabas lang ng hospital nina Marco at Sheira nang maisipan nilang mamili ng gamit para sa baby sa tindi nang excitement. He can't explain it, he can't find the right words to describe what he is feeling right now.
He seems to see the world more colorful than before. Magkasama sila ngayon ni Sheira sa Mall at sa kids section sila unang pumunta.
Hindi niya mapigilang titigan ang babae habang tuwang-tuwang namimili ng magiging damit ng baby nila.
"Hey Marco! Cute right?" Nakangiting pukaw nito sa kaniyang atensyon. Ipinakita nito sa kaniya ang blue t-shirt na may burdang teddy bear. Isa rin iyon sa alam niya, mahilig ito sa teddy bear lalong lalo na kung human size.
Parang tumalon naman ang puso niya nang ngumiti ito sa kaniya. Natutuliro ang isip niya sa tuwing nasisilayan niya ito. Darn! Kumikislap ang mata nito sa saya at tila nang iimbita pa ang mga labi.
Hindi niya namalayan ay naglakad na siya palapit rito, he can't help his self anymore. He cupped her face at tinitigan ito sa mata.
Natigilan ito sa ginawa niya at napakunot noo.
"Ma-marco," mahina nitong bigkas.
At imbes na sumagot sa tawag nito ay bumaba ang tingin niya sa labi nito. Hindi niya maunawaan ang sarili, pagdakay gusto niya itong halikan. At bago pa niya mapigilan ang katawan ay sinakop na niya ang labi nito.
Sa gulat nito ay nalaglag nito ang hawak na damit sa kaniyang paa. Hindi ito makagalaw sa pagkabigla. Diniinan niya ang pagkakahalik rito saka kinagat nang bahagya ang pang-ibaba nitong labi. Napasinghap ito sa kaniyang ikinilos na nagbigay naman nang pagkakataon sa kaniya para mas lalo pang palalimin ang halik.
Ngunit hindi nagtagal ay naramdaman na niya ang kamay nitong pumulupot sa kaniyang katawan. Gumanti na rin ito ng halik sa kaniya. She is so sweet, her lips is always soft. Inaamin niya, he missed this. This lips, this body and her warmth.
Lagi siya nitong dinadala sa ibang dimension, she turned her life into a roller coaster na sa isang iglap lang ay unti-unti na siyang binabago ng hindi niya namamalayan.
Natigil lang ang kaniyang paghalik ng may isang lalaking bata ang sumigaw. Sa tantiya niya ay siyam na taong gulang ito.
"Daddy! May nagkikiss rito!"
Nang marinig iyon ni Sheira ay mabilis siya nitong itinulak palayo at tumingin sa ibang direksyon. At imbes na mabahala ay hindi niya mapigilang mapangiti dahil sa reaksyon nito ngayon.Tinignan niya ang bata at kinindatan ito. Tumawa lang ito sa kaniya at tumakbo na kung na saan ang magulang nito.
Binalingan niya ulit si Sheira pero nauna na itong naglakad sa kaniya. Kumaliwa ito kung saan nandoon ang womens' section.
Hinabol niya ito at tinawag ang pangalan.
"Sheira!"
Pero hindi siya nito nilingon kundi ay mas lalo pang binilisan ang lakad.
Hinabol niya ito at hinawakan ito sa braso. Nagtagumpay man siyang paharapin ito sa kaniya pero nabigo siya dahil sa ibang direksyon ito nakatingin. Pero imbes na mainis ay natutuwa pa siya rito. Namumula ang mukha nito dahil sa hiya at hindi ito makatingin sa kaniya ng diretso. Shes so damn cute!At para mapalingon ito ay binantaan niya ito.
"Kapag hindi ka pa humarap sa akin, hahalikan ulit kita."
Mabilis itong bumaling sa kaniya habang nanlalaki ang matang nakatingin sa kaniya.
"Ba-bakit ba?" Namumula ang mukhang tanong nito sa kaniya.
"Well, I just want to say, gusto mo ba nito?" At itinuro ang damit na nasa gilid nila. Fucking asshole! Hindi ito ang gusto niyang sabihin pero dala ng sobrang kaba ay nagturo na lang siya ng damit basta basta.
Tumingin ito sa damit na itinuro niya at mas lalo pang lumaki ang mata nito nang makita iyon.
"Ano?!" gulat na gulat nitong sabi. At maski siya ay napalingon sa itinuro niya. Napa-ubo siya nang mabistahan niya ang damit. Fuck it! Gusto niyang kutusan ang sarili. Umakyat lahat ng dugo sa kaniyang tenga at nag-init ang kaniyang mukha.
Red seductive lingerie kasi ang naituro niya. Transparent ang paligid nito at ang nipple lang ang natatakpan.
"You are such a perv Marco!" mahina nitong hiyaw sa kaniya. Halata pa rin sa mukha nito ang pamumula.
"A-, Swee- Sheira , it's a mistake." Paliwanag niya at hindi mapigilang mapahawak sa batok. Damn! Bakit ba kasi turo lang siya nang turo? Hindi naman siya ganito dati, simula nang aminin niya ritong mahal na niya ito ay nawawala na siya sarili. Hindi niya alam kung paano magpapaimpressed.
"Pero bagay mo naman ‘di ba?" nakangiwi niyang tugon rito at nagpigil nang tawa. Fuck! Fuck his mouth. Why the fvck he said that?! But darn! Hindi niya mapigilang maglumikot ang at naiimagine na niyang suot nito iyon.
Tinignan naman siya nito na parang tinubuan pa siya ng isang ulo. Na speechless ito sa sinabi niya. Hindi nito malaman kung sasakalin ba siya o bubugbugin dahil sa pinagsasabi niya. At sa huli ay mas pinili nitong mag walk-out ulit at bumalik muli sa kids section.
"Sheira!" tawag niyang muli sa pangalan nito pero hindi siya nilingon. Tatlong metro na ang layo nito sa kaniya.
Hinabol niya ito pero mas lalo lang nitong binilisan ang paglalakad kaya bumangga ito sa isang lalaki.
Umandar ang kaniyang adrenaline rush niya at mabilis niya itong nahabol at nasalo bago pa ito bumagsak sa semento. Natakot siya sa puwedeng mangyari rito at sa magiging anak nila.
Nahawakan niya ito sa bewang. Nagririgodon ang tibok ng kaniyang puso at maski ang kaniyang paghinga ay naghahabol.
Dahan-dahan niya itong itinayo habang hindi inaalis ang eye contact rito.
"Are you okay?" tanong niya rito matapos makabawi sa nangyari.
At imbes na sumagot ay bigla itong umiyak at yumakap sa kaniya. Damn! Hindi niya alam kung anong gagawin."Sheira, what's wrong? tanong niya rito habang hinahaplos ang likod nito.
"May nagawa ba akong mali? Are you hurt somewhere?
Umiling ito, "Kung wala, then why are you crying?" Her tears are his weakness. He doesn't want to see her crying.
"Na-natakot lang ako"
"Natakot para saan sweety?"
"Natakot sa pu-puwedeng mangyari sa baby." Humihikbi nitong sabi.
"Sheira, kumalma ka okay? Walang nangyari sa baby natin." Tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kaniya at dumistansya nang kaunti para makita nila ang isat isa.
"Nagugutom ka ba?" usisa niya habang pinupunasan niya ang luha nito sa mata at pisngi gamit ang hinlalaki. Tumango naman ito.
"Well, if that's the case then kumain muna tayo. Saka na lang tayo mamili pagkatapos nating kumain."
Hinawakan niya ito sa kamay at nauna nang naglakad para maghanap nang makakainan.______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!
BINABASA MO ANG
She Changed Me [Complete]
RomanceThe Engineers Series 2: She Changed Me (MARCO THOMPSON) SPG- T,L,S Siya si Engr. Marco Thompson isa sa nagmamay-ari ng Five Engineering Firm. Wala pa sa bokabularyo niya ang malagay sa tahimik, dahil ang dahilan niya ay nag-eenjoy pa siya sa pagigin...