Dahil sabado at walang pasok, tinulungan ni Marco si Sheira sa pagre-rearrange ng condo niya, pinalitan din nito ng mas maaliwalas na kulay ang kurtina niya. Right now, he feel at home seeing Sheira changing the design of his house.
Pakiramdam niya ay mas excited pa siya para rito.
Pawisan na rin siya sa ginawa nilang paglilinis, hindi man marumi ang condo niya ay nangulit pa rin ang babae na kung pupuwede ba nilang baguhin ang pagkakaayos ng mga furniture at kulay na ginamit niya sa bahay.
Hindi niya maiwasang titigan ito. She looks adorable in her blue white dress. Napakasimple nitong tignan, walang make-up, wala ring mga alahas sa katawan.
Napalunok siya nang itinagilid nito ang ulo para mabistahan kung pantay ba ang pagkakalagay ng picture frame nilang dalawa sa dingding. Dahil sa ginawi nito ay naexpose sa kaniyang mata ang leeg nito at kung ano-ano na namang pumapasok sa kaniyang utak. Darn! Why do you look so sexy Sheira?
Nabigla siya nang humarap ito sa kaniya. Napakurap siya nangg ngumiti ito. Para siyang itinulos na kandila sa mga napaka inosente nitong ngiti. Nahahawa siya sa pagiging masiyahin nito.
Naramdaman niyang muli ang kakaibang tibok ng puso niya noong una niya itong makita habang hinahaplos nito ang nakaumbok nitong tiyan. Ganitong ganito rin ang kaniyang nadarama nang malaman nila kung anong gender ng magiging baby nila.
Hindi niya inasahang magiging masaya siyang kapiling ito. Bumalik lang siya sa tamang huwisyo nang hawakan nito ang kaniyang pisngi at tawagin siya sa kaniyang pangalan.
"Marco?" Nahigit niya ang sariling hininga ng mapagtantong magkalapit na sila. Hindi niya namalayang nakalapit na pala ito sa kaniya. Ngayon lang siya nawala sa sarili simula nang makilala niya ito.
Sinalubong niya ang bawat titig nito. Nakatingala ito sa kaniya at parang ang labi nito ay nang iimbita.
May kung anong sariling isip ang kaniyang kamay at mas lalo niya itong kinabig palapit at ginawaran ito ng marahan na halik.
Her lips taste so good. Kailanman ay wala pa siyang nalasahang labi na ganito kasarap. Is it because I love her?Gumalaw ang labi nito sa paraang gusto niya. He runs his tongue on her lips para bumuka iyon. He enters her mouth without second thought. She tastes of cherry. Napakapit ito sa braso niya dala ng intensidad ng halik na maski siya mababaliw kung mapuputol iyon.
Gumapang ang kamay niya patungo sa tiyan nito at hinaplos iyon. He can't believe it. Magiging daddy na siya.
Inilayo niya sandali ang sarili at hinarap ito. Nakatitig ito sa mata niya. Ikinawit na naman niya sa tenga nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito para mas lalo niyang mabistahan ang maamo nitong mukha.Hinalikan niya ito sa tungki ng ilong habang nakatulala parin ito sa kaniya.
"I love you," mahina niyang banggit.
Ngumiti ito at yumakap sa kaniya."I love you too Marco."
Nagulat siya nang madama niya ang pagtadyak ng kanilang baby.
Natawa naman ito sa reaksyon niya. Hinawakan nito ang kaniyang kamay at ginuide iyon kung saang parte madalas sumisipa ang baby. Umupo siya para tumapat ang tiyan nito sa kaniyang mukha.
"Hello babies. Daddy is here," sabi niya na parang isang taong naghehele ng bata.
"Say hello to your daddy babies!" malumanay pero masaya namang sabi ni Sheira. Naramdaman niyang muli ang pagtadyak nang hawakan at haplusin niya ang tiyan nito. Natawa siya ng maulit iyon.
"See? They are excited to see you."
"Really?" wika niya sa hindi makapaniwalang tono. Tumango naman ito at hinaplos ang buhok niya.
Matapos kumain ni Sheira at Marco ay lumabas ang lalaki kahit gabi na para bumili ng vanilla ice cream na kaniyang gusto. Dahil na rin siguro sa init kung kaya't nagcrecrave siya bigla sa ice cream.
Akala niya ay ito na ang dumating nang tumunog ang doorbell pero hindi pala ng pagbuksan niya iyon.
Sumalubong sa kaniya ang kinakapatid nitong si Nikolle. Nawala ang ngiti nito nang makita siya at kumunot ang noo."Ni-nikolle?" bakas sa mukha niya ang gulat.
Hindi siya nito pinansin at nilagpasan siya saka dumiretso nang upo sa sofa na nasa sala.
Sumunod siya rito at umupo sa tapat nito.
"Ni-nikolle, anong ginagawa mo rito?" nagtataka ngunit kinakabahan niyang tanong. Humalukipkip ito SA tanong niya.
"What do you think?" nakataas ang kilay nito.
Napahawak siya ng mahigpit sa suot niyang damit para magpigil na sagutin ito. Kahit na nagmamaldita ito sa kaniya ngayon ay kinakapatid pa rin ito ng lalaki. Sigurado siyang si Marco ang pakay nito ngunit nasorpresa ito ng siya ang makita.
"So, binahay ka na pala ni Marco," malamig nitong sabi.
Sinalubong niya ang masamang tingin nito. Hindi na niya gusto ang kapupuntahan nang sinasabi nito.
"Oo, bakit may mali ba?" tumawa ito sa tanong niya.
"You're asking if there is something wrong? Nagpapatawa ka ba?" Nanliit siya sa paaran nang pananalita nito.
"Sa tingin mo seseryosohin ka ni Marco?" nang uuyam ang boses nito.
"Anong ibig mong sabihin?" nakakunot ang kaniyang noo. She can't explain it pero unti-unti ng naninikip ang dibdib niya.
Inilabas nito ang cellphone nito at may kung anong kinalikot. Matapos ang ilang minuto ay ibinigay nito iyon sa kaniya at nakangising inaabanagan ang reaksyon niya.
May kung anong milyo-milyong karayom ang sumalakay sa puso niya at hindi siya makahinga sa sobrang sakit. Picture iyon ni Marco at ni Nikolle na naghahalikan. Pero hindi niya iyon ipinahalata rito. Hindi niya hahayaang maging katawa-tawa siya sa harap nito.
Nang makaalis na ito ay doon niya lang inilabas ang pinipigil na luha. Hindi niya matanggap ang nakita.
Alam niyang sinisira nito ang relasyong meron sila ni Marco pero masakit pa rin pa lang malamang may kahalikang iba ang lalaki bukod sa kaniya.
Nang dumating si Marco at tawagin siya ay tumagilid siya upang itago ang mukha at nagpanggap na tulog. Wala na siyang ganang kumain ng ice cream.
"Sweetheart? Sheira?" tawag nito nang makapasok sa kanilang kwarto.
Ipinikit niya ang mata at hindi kumilos sa pagkakahiga. Naramdaman niyang naglakad ito palapit. Napahigpit ang hawak niya sa kumot at dahan-dahang pinunasan ang mga luha sa kaniyang pisngi.
Ramdam niya ang presensya nito sa kaniyang likod. Matagal at tila huminto ang oras ng mga sandaling iyon.Buti na lang at madilim dahil lumapit ito sa kaniya at gaya nang nakagawian nito saka nito hinawi ang buhok niya at ikinawit iyon sa kaniyang tenga. Hinalikan siya nito sa sintido at inayos ang pagkakakumot sa kaniya bago ito tumayo para lumabas. Sa muling paglabas nito ay hindi na niya napigilang mapahikbi.
_______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!
BINABASA MO ANG
She Changed Me [Complete]
RomanceThe Engineers Series 2: She Changed Me (MARCO THOMPSON) SPG- T,L,S Siya si Engr. Marco Thompson isa sa nagmamay-ari ng Five Engineering Firm. Wala pa sa bokabularyo niya ang malagay sa tahimik, dahil ang dahilan niya ay nag-eenjoy pa siya sa pagigin...