KABANATA XVIII

8.9K 158 6
                                    

Dedicated to @samloven

         Nagising si Sheira sa tama ng sikat ng araw sa kaniyang kuwarto. Panibagong pahina na naman sa aklat ng buhay niya ang magsisimula.

Naisipan na niyang tumayo nang makita niya kung anong oras na. It's already 7:30. Pumasok na sa siya sa banyo para maligo.

Matapos maligo ay lumabas na siya sa banyo na towel lang ang nakatapis sa kaniyang katawan. Lumapit siya sa kaniyang drawer at tumapat sa whole length mirror sa tabi nito. Inilaglag niya ang towel na tumatabing sa kaniyang kahubdan at pinagmasdan ang sarili.

Halos limang buwan na siyang buntis at apat na buwan na lang magiging ganap na siyang isang ina. Pero hanggang ngayon, hindi pa rin alam ng pamilya niya ang totoo. Ang alam lang nila ay nasa bakasyon lang siya para sa kaniyang trabaho.

Pero kahit ganoon, hindi niya pinagsisisihan ang nangyari dahil maski siya ay excited na ring makita ang magiging anak niya.

"Huwag niyong pahihirapan si mommy ha?" at hinaplos ang lumalaking tiyan.

Nagulat siya nang tumadyak ito.

"Oh god! That's right baby." at hinaplos ang tiyan. Natutuwa siyang malamang alive and kicking ang baby niya.

"Don't worry baby, ipapakilala ko kayo sa lolo at lola niyo." Masaya niyang sabi bago naghanap ng damit na masusuot.

Dinampot niya ang tuwalya at ipinulupot niya iyon sa kaniyang buhok. Sa cabinet ay nakakita siya ng simple and blue dress na aabot lang sa kaniyang tuhod at iyon na ang napiling suotin.

Matapos makapag ayos ay bumaba na siya sa hapag-kainan para mag almusal. Nakasalubong niya ang kaibigang si Yandee na pa akyat ng hagdan.

"Buti at gising ka na." Nang-aasar ang tingin nito pinaniningkitan siya ng mata. Tiyak na niya kung anong klaseng tingin iyon, siguradong bobombahin siya nito nang tanong kung bakit ginabi siya ng uwi.

"Oo nga eh, nagugutom na kasi ako."

"Asuus. Sige na kumain ka na doon, sabayan mo si kuya. Pero mamaya hihiramin kita ha? Marami kang dapat sabihin sa akin."

Natawa na lang siya rito, dahil dinaig pa nito ang reporter sa tindi ng mga questions nito.

"Oo na." habang hindi pa rin nawawala ang ngiti niya sa labi.

"Sige, maliligo lang ako pero mamaya sis ha, naku! Be ready, reporter Yandee is coming with you." Hinampas niya lang ito sa balikat at tumawa.

"Aray! Porket nakalovelife ka na ganiyan ka na sa akin." akting nito at sumimangot. Umiling lang siya at tinawanan ito.

"Ay naku Yandee maligo ka na, baho baho ka na kaloka."

"Heh!" at inirapan siya saka dumiretso na sa loob ng kuwarto nito.

Naglalakad na siya sa kusina nang mapansin siya ni Brent. Nag-angat ito ng tingin at binati siya.

"Good Morning."

"Good Morning Brent."

"So, how was your day yesterday?" tanong nito at pinagpatuloy na ang pagkain.

"It's good, we are going to have twins!" masaya niyang balita at inilapag na sa lamesa ang platong kinuha. Napalingon ito sa kaniya at ngumiti.

"That's good to hear."

"Oo ga eh. I can't believe it, there are two babies in my womb." At umupo na sa katapat nito.

Nilagyan na rin niya ng pagkain ang plato at nagsimula nang sumubo.

"So ano ng plano mo?" aniya nito pagkuwan.

Napahinto siya sa pagsubo sa tanong nito. Ano na nga bang plano niya? Ngayong umamin na sa kaniya si Marco ay magpapakasal na ba siya? Handa na ba siyang sumugal sa salita nito?

Tinignan niya ang tubig na nasa gilid na parang nakapaskil doon ang sagot sa lahat ng tanong niya.

Makalipas ang ilang sandaling katahimikan ay iniangat niya ang kaniyang ulo at sinalubong ang tingin ng kaibigan.

"I'm going to accept his offer."
Nagsalubong ang kilay nito sa sagot niya.

"Sigurado ka na ba?"

"Oo." Matagal na niya itong pinag-isipan, sa tingin niya ay tama ang gagawing niyang desisyon. It's good for their babies and her since nakikita naman niyang sinsero ito sa lahat sinasabi nito at sa pinapakita nitong emosyon sa kaniya.

"Masaya ka ba sa kaniya?" Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paghigpit nang hawak nito sa kutsara.

Masaya? Sa tuwing kasama niya ito para siyang nababaliw sa tuwing nagkakadaiti ang kanilang balat. At animoy tinatambol ang puso niya kapag nakikita ito at sa tuwing nakikita niya itong ngumingiti ay lumiliwanag ang mundo niya.

She always wanted him, from the start pa lang nang makita niya ang lalaki, nandito na ang dadaming pilit niyang sinisikil.

"Oo."

Nawala ang pagkakasalubong nito, lumuwag ang pagkakahawak nito sa kutsara at ngumiti ito ng malungkot sa sagot niya. Hindi niya alam but he looks defeated.

"Then if that's your decision, susuportahan ka namin." She can can see the sincerity in his eyes.

"Thank you." at ngumiti rito.

PAALIS na si Marco sa condo niya nang tumawag ang pinsan niyang si Constantine.

"Hello pare, anong meron?" bungad niya.

"Tapos na ng kasamahan ko 'tong pinarereport mo."

"Kasamahan mo?"

"Oo, gago ‘di ko maharap ‘yang kapritso mo kaya itong kasama ko na ang inutusan kong gumawa. Ihahatid na lang niya mamaya sayo 'yong report."

"Gago!" mura niya habang tumatawa.

"Pero salamat, grabe laki nang tulong mo, pero yong pangako kong kotse, ibibigay ko na lang sa kasama mo."

"Tangina wala namang ganiyanan pare!" reklamo nito.

Tinawanan niya lang ito at pinatay na ang tawag. Katulad nang pangako niya, ibibigay niya pa rin iyon sa pinsan niya, gustong gusto niya lang asarin.

Tinignan niya ang suot na relo, may forty minutes pa siyang natitira para makarating sa meeting place nila ni Nadie.

Sinabi na niyang susunduin ito pero mapilit ang babaeng magkita na lang muna sila sa isang sikat na coffee shop at nakapagdecide na raw ito about sa offer niya.


______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon