KABANATA XXXVI

7.6K 156 4
                                    

         Binasag lahat ni Marco ang lahat nang mahawakan.

Tumutulo ngayon ang luha niya sa lahat ng nalaman. Fuck his life! Bakit kailangan mangyari sa kaniya ito? Parusa ba ito sa pambababe niya?

Nagdudugo na rin ang mga kamay niya mula sa pagsuntok niya sa salaming nakadikit sa pader ng kaniyang kuwarto. Napaluhod siya ng maisip niya ang lahat. Nagsisiskip na ang dibdib niya. Bakit? Bakit kung kailan handa na siya sa responsibilad niya, saka pa niya malalamang kapatid niya ito. Hindi siya bakla pero hindi niya kayang hindi umiyak sa sitwasyon niya ngayon.

Naipikit niya ang mata sa pagod. Napamulat lang siya ng mata ng tumunog ang cellphone niya.

Lumabas roon ang pangalan ng pinsan niyang si Constantine. Agad niya iyong sinagot.

"Hello pare." Pasimula nito.

"Nasaan na ang pinapagawa ko sa’yo?" Bungad niya rito.

"Iyong research about kay Sheira Raspe?"

"Yes."

"Ipinaabot ko na sa kaniya, hindi ba niya nasabi sa’yo?"

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. Agad siyang tumayo at dumiretso sa kaniyang study room. Iniwan niya ang kaniyang cellphone na bukas. Kinalkal niya lahat ng drawer at doon nga niya nakita ang brown envelope na naglalaman dokumentong may kinalaman sa babae.

Dali-dali at nanginginig ang mga kamay niyang binuksan iyon kung kayat bigla iyong nilipad. Hindi niya napansin ang isang pahinang nasa ilalim ng lamesa. Isa isa niya iyong pinulot at binasa. Hindi niya napigilang lamukusin iyon at ibato.

Damn! Mas lalo siyang nanlumo sa nabasa. Lahat ng nalaman niya ay totoo, kapatid niya ito. Ang mama nito ang tunay na mahal ng ama niya bago nito pakasalan ang ina niya.

Hinang-hina na siya sa lahat ng nangyari. Wala na siyang nagawa kundi ang mapasandal sa gilid.

"Why?!" at ibinato ang hawak na bote ng alak. Basag-basag iyon kasama pa ng ilang boteng ibinato niya.

Dalawang linggo na siyang nagkukulong sa kaniyang kuwarto at pang limang bote niya na iyon sa araw na ito at hangang ngayon ay hindi pa rin niya makalimutan ang sakit, ang pighating wala ito sa tabi niya. He was devastated to know...  at tumulong muli ang luha sa tuwing maiisip niya ang nangyari sa bahay nito. Bakit kung kailan seryoso na siya, ay saka pa niya malalamang kapatid niya ito.

Hindi na niya magawang maligo at mag-ahit. Wala rin siyang ganang kumain, ang gusto niya lang ay magpakalunod sa alak. He want's to forget everything.

Nagulat lang siya ng may kumalampag sa condo niya.

"Marco!" sigaw ni Zero.

"Damn fuck pare, kapag hindi ka lumabas dito sisirain namin itong condo mo!" Hiyaw naman ni Blue.

"Umalis na kayo rito!" balik niyang sigaw. Wala siyang panahong makipag-usap sa kahit sino.

Narinig niyang bumukas ang lock ng pinto. Sigurado siyang humingi ang mga ito ng spare key. Hindi na siya nag-aksaya pang tumayo para salabungin ang mga ito.

Agad naman bumukas ang pinto makalipas ang ilang segundo. Kung hindi lang siguro malakas ang pagkakagawa ng pintuan ay baka lumipad na iyon sa lakas ng pagkakasipa dito ni Zero.

"Damn! You're wasted pare!" agad na komento naman ni Blue habang nakasunod sa likod ni Zero.

Lumapit sa kaniya si Zero at kwinelyuhan siya.

"Is this what you want?!" matalim nitong tanong.

Sinalubong niya ang tingin nito ng galit.

"Why the fuck you care?!"

Binigwasan siya nito sa mukha at natumba siya sa lakas nito.

"Fucking idiot, ano ba sa tingin mo?!" at binigyan ulit siya ng isang suntok habang si Blue pinapanuod lang sila.

"Nag-aalala na sayo si Sheira! Do you think? You're just the one hurting here, suffering here?"

Natigilan siya sa sinabi nito at nahinto ang pagpunas sa dugo galing sa pumutok niyang labi.

"Kumusta siya?" hindi niya napigilang tanungin.

Kumuyom ang kamay nito at nagtagis ang panga dahil sa tanong niya.

"She's in hospital." mahina nitong sagot habang diretsong nakatingin sa kaniya.

Napako siya sa puwesto dala nang narinig. His heart, his world seems to stop. Nananakit ang lalamunan niyang banggitin ang mga salitang nagpapakaba sa kaniya ng todo ngayon.

"Anong ibig mong sabihin?" Nasa mukha niya ang pag-aalala at takot.

"Noong iwan mo siya sa bahay nila, hinabol ka niya. Maselan ang pagbubuntis niya kaya siya dinugo at sinugod sa ospital."

Natulala siya sa narinig. He feels the pain piercing through his heart. Lahat ng alaalang kasama niya ito ay bumabalik.

"Ano? Tatanga ka lang ba dyan pare?" tanong naman ni Blue.

Bumalik lang ang kaniyang huwisyo nang marinig niya ang tinig ng kaniyang inang umiiyak habang palapit sa kaniya.

HINDI malaman ni Sheira kung anong mararamdaman, litong-lito na siya sa nangyayari. Hindi niya napigilang magwala nang lumapit sa kaniya ang ina.

"Ma! Pa! Ano ‘to? Bakit? Paano?" sigaw niya habang walang lakas na nakaupo sa sahig ng kalsada.

"Anak," nahihirapang tawag sa kaniya ng ama. Bakas sa mukha nito ang paghihirap at sakit na makita siyang ganito.

"Pa! Please, sagutin niyo ako. Paanong nangyari ‘to? Paanong kayo ang-" hindi na niya natapos ang sasabihin ng mapahagulhol siya sa bawat banggit niya sa pangalan ng nobyo.

Napahawak siya sa kaniyang dibdib. Unti-unti na iyong sumisikip at unti-unti na siyang kinakapos ng hininga.

"Pa, sabihin mo, paanong kayo ang naging ama ni Marco?"

"Paanong iba ang apleyido ko kay papa ma? Please sabihin niyo sa’kin ang totoo? Ipaliwanag niyo sa akin ang lahat. Ano pa ba ang itinatago niyo?" halos magmakaawa na siya sa mga ito na sabihin sa kaniyang biro lang ang lahat, na may pag-asa pang maging sila ni Marco. Na may future siyang kasama ito at ng magiging baby nila.

"Anak." Umiiyak na ang ina niyang dinaluhan siya.

Humawak siya sa pantalon na suot ng papa niya at tiningala ito habang dumadaloy sa pisngi niya ang mga luhang hindi magkamayaw sa pagtulo...

"Pa, sabihin mo sa’kin. Paano?"
"Sasabihin namin sayo ang totoo pero kailangan mo munang maidala sa ospital!" natataranta hiyaw ng mama niya.
Napahawak siya sa tiyan niya ng mas lalong sumakit iyon.

"Ah!" napahiyaw na siya sakit hanggang sa tumagas na ang mga dugo sa pagitan ng kaniyang binti.

"Mathew! Ang anak mo!" hiyaw naman ng kaniyang ina.

"Oh my god ang baby ko!" nahihintatakutang hiyaw ng ina.

Mahigpit nitong hawak ang kaniyang kamay habang buhat buhat naman siya ng kaniyang ama.

"Saling! Tawagin mo si Carding at ilabas na nito ang sasakyan!" utos naman nito kay Nay Saling.

"Anak! Please be safe." Umiiyak na dasal ng kaniyang ina at ang huli niyang narinig bago siya mawalan ng malay.

_______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon