KABANATA XXXII

7.4K 175 10
                                    

         Tumatayo lahat ng balahibo ni Sheira sa paraan nang pagtitig sa kaniya ni Marco, hindi sa takot kundi sa intensidad. Iniwan muna silang dalawa ng kaibigan niya rito sa sala para mag-usap.

Kahit na nangangatog ang kaniyang paa ay hindi pa rin niya maialis ang tingin rito, hindi niya kayang iiwas ang mata rito. Putok ang labi nito dahil sa natamong suntok nito kay Brent.

Kahit hindi pa ito nagsasalita ay tila nangungusap na ang mga mata nito. Gusto na niya itong patawarin pero nanaig pa rin ang sakit na idinulot nito sa kaniya.

Binasag niya ang katahimikang bumabalot sa kanilang dalawa.

"Paano mo ako nasundan?"

"I have eyes everywhere, Sheira."

"Bakit?" Hindi niya alam kung para saan ang tanong niya. Hindi niya alam kung para ba sa pananakit nito sa kaniya o para sa pagsunod nito sa kaniya.

"I'll do what it takes para lang makasama ka Sheira, You and our babies." Napasinghap siya sa sagot nito. Kinagat niya ang labi para pigilin ang sariling patawarin agad ito.

"Ngayon, bakit mo ako iniwan? Bakit bigla ka na lang umalis?" Nakikiusaup ang mata nito. Bumalik muli ang kirot sa kaniyang dibdib nang lumitaw muli sa kaniyang balintataw ang mukha nito at ang kinakapatid nitong si Nikolle.

"Hindi ba dapat ako ang magtanong sa iyo niyan? Hindi ba dapat ako Marco?" Puno ng hinanakit ang tinig niya ngayon.

Kumunot ang noo nito at tila naguguluhan.

"Anong ibig mong sabihin? Hindi kita maintindihan? Tell me? Ano bang problema? Ano bang nangyari at bigla ka na lang umalis?"

Kumunot ang noo niya sa tanong nito. Bakit hindi nito alam ang nangyari? Wala ba itong alam o pinapaikot lang siya nito?

Tumayo siya upang iwasan ito pero bago paman siya makalayo ay nahawakan na nito ang kaniyang palpulsuhan. Nilingon niya ito at sinalubong ang nang aarok nitong tinig.

"Tell me, ano bang problema?" nagsusumamo ang mga mata nito, litaw roon ang senseridad. Lumunok siya upang alisin ang barang unti-unti nang namumuo sa kaniyang lalamunan. Hindi niya maibuka ang bibig dahil sa takot na baka ay pumiyok siya sa sandaling mag-umpisa na siyang magsalita.

"Gusto mo ba talagang malaman?" nagpapasalamat siya at nagawa niyang hindi manginig ang sariling boses.

Hindi na niya kailangan pa ng sagot mula rito dahil kusa nang nagsalita ang mga mata nito. Kita niya roon ang sakit nang layuan niya ito.

Kinuha niya ang cellphone at kinalikot iyon. Nagsimulang muling kumirot ang kaniyang dibdib. Habang lumilipas ang minute, matinding sakit na ang kaniyang nadarama.

Nanginginig ang kaniyang kamay na inabot iyon rito at tinignan ito nang diretso sa mata.

Nagbabadya na ang mga luha sa kaniyang mata. Tila itinulos ito sa kinatatayuan nang bumungad sa paningin nito ang larawan nito kasama ang kinakapatid. Humigpit ang pagkakahawak nito sa kaniyang cellphone.

"Ngayon sabihin mo sa’kin, totoo ba ito?" hindi na niya napigilan ang pagkabasag ng kaniyang tinig.

Binitawan nito ang kaniyang kamay at nahilamos iyon sa mukha nito. Hindi na rin niya napigilan ang pagbalong ng kaniyang luha. She felt lost.

Dahan-dahan nitong inaangat ang paningin sa kaniya.

"Sheira."

Halo-halong emosyon ang nababasa niya sa mata nito. Pero mas nangingibabaw roon ang galit at takot.

Humakbang ito palapit sa kaniya pero na paatras siya. Nakita niya sa mata nito ang sakit.

"Hindi ko itatangging ako nga ang nasa picture pero sigurado ako sa sarili kong hindi ko alam ang bagay na iyan. Believe me Sheira."

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon