KABANATA XXI

8.8K 193 14
                                    

          Hindi makapag-isip ng matino si Sheira ngayong nasa likod niya lang ito habang nakaupo sila sa buhanginan. Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito.

"Marco."

"Hmn?" sagot nito habang ang kamay ay patuloy pa rin sa paghaplos ng kaniyang tiyan.

"Hanggang ngayon ba ay galit ka pa rin sa papa mo?" usal niya. Hindi niya alam kung bakit niya naitanong iyon, kusa na lamang iyong lumabas sa kaniyang bibig. Humigpit ang pagkakayakap nito sa kaniya.

"Bakit mo natanong?"

"I just want to know." Saka sumandal sa hubad nitong dibdib habang nakatanaw lang sa papalubog na araw.

"My hatred for him will always be here Sheira." Puno ng hinanakit ang boses nito. It pains her to know his sufferings.

"Kung hindi niya kami iniwan, hindi sana madedepressed si mama." Kababakasan na ng galit ang boses nito. Hinawakan niya ang kamay nito para iparamdam ritong handa siyang makinig.

"He left us broken. Habang siya masaya na sa ibang babaeng ipinagpalit niya sa amin."

Mas lalong bumibigat ang dibdib niya sa bawat litanya nito. Punong-puno iyon ng galit.

"Hindi ko alam kung kaya ko siyang patawarin." Hindi niya alam pero nang marinig niya iyon ay nakadama siya nang paninikip sa dibdib. Alam niyang galit ito sa ama nito perp kahit baligbaligtarin nila ang mundo, ama pa rin nito iyon.

"Marco."

"Hmn?" at iniyukyok ang ulo sa kaniyang balikat.

Bumuka ang bibig niya pero isinara niya lang ulit iyon ng hindi niya mahagilap sa isip kung ano ba ang dapat sabihin.

"What is it Sheira?" tanong nito ng hindi siya magsalita.

"I- I just think that if-if can you forgive him now?"

Naramdaman niya ang pagkunot ng noo nito sa kaniyang balikat.

"Alam ko wala ako sa lugar para magsalita nito, pero- maybe, eto na yong oras para palayain na ang sarili mo sa galit. Hindi ito nagsalita at nanatili lang na tahimik.

Nabibingi na siya sa katahimikan pero hindi niya alam kung paano iyon babasagin. Hanggang sa may narinig na lang silang ingay.

Mabilis namang napabitaw si Marco sa pagkakayakap kaniya nang mapagtantong cellphone nito ang tumutunog. Nakita niya roon ang pangalang Nikolle. Agad na kumirot ang kaniyang puso sa nabasang pangalan.

Tinignan niya si Marco, nakakunot noo ito habang nakatingin sa cellphone nito.

"Hindi mo ba sasagutin?" Agad namang lumipad ang tingin nito sa kaniya at nag-aalala ang mukha.

"Ayos lang ba sa’yo na sagutin ko?"
Tumango siya bilang sagot. At kahit naninikip ang dibdib niya sa selos ay hindi niya iyon pinahalata. Kumalas na ito sa pagkakayakap sa kaniya at lumayo ng bahagya para sagutin ang tawag.

Sinundan niya lang ito ng tingin.

"Hello?" Kahit na mediyo malayo ito ay naririnig pa rin niya ang boses nito. Tanaw na tanaw niya kung paano natetense ang katawan nito habang pinakikinggan ang nasa kabilang linya.

"Bakit?! Anong nangyari kay mama?!"
Napasinghap siya sa narinig. Kaagad siyang napatayo at dahan-dahang naglakad palapit rito.

"Ano?! Saang hospital?" tanong nito habang napahigpit ang hawak sa cellphone nito.

"Marco."

Bumaling ang tingin nito ng marinig nito ang boses niya. Humakbang ito palapit sa kaniya at niyakap siya. Umangat ang kamay niya upang gumanti ng yakap rito. At kahit hindi nito sabihin ay alam niya, kailangan na nitong umalis.

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon