At katulad ng suggestion ni Marco ay tumira nga si Sheira sa condo nito.
Sabado ngayon kaya tinulungan siya ng lalaking maghakot ng gamit papunta sa bago niyang titirhan.
"Kaya mo pa?" tanong niya rito nang makalabas na sila sa elevator.
"Oo naman. Ako pa ba?" a
At ipinakita nito ang muscle nito sa braso. Umikot lang ang mata niya at tumawa sa ginawa nito."Ang gaan lang nitong gamit mo kaya walang problema." Binuhat na ang mga gamit niya papunta sa pintuan ng condo nito.
Pinakuha nito sa kaniya ang susi na nasa bulsa nito at sumunod na sa kaniya para maipasok na sa loob ang lahat ng kaniyang gamit. Inilapag nito ang gamit niya sa kuwarto nito.
"From now on, dito ka na matutulog." Hinubad nito ang suot na polo.
Napalunok naman siya ng mabistahan ang katawan nito, agad niyang naalala ang nangyari sa kanila kaya pinamulahan siya ng mukha.
Umiwas siya ng tingin rito nang umangat ang tingin nito sa kaniya.
"Anong sabi ng kaibigan mo nang ipaalam mong lilipat ka rito?" curious nitong tanong at naglakad palapit sa kinatatayuan niya.
"Ahm, ayos naman," mabilis niyang turan. Kung alam lang nito kung ano ang pinagsasabi sa kaniya ng kaibigan ay siguradong tatawanan lang siya nito at magkakasundo ang dalawa.
"Yandee, can we talk?" salubong niya agad sa kaibigan nang makauwi ito galing sa magulang nito. Sinamantala na niya iyon habang wala pa ang kapatid nitong si Brent galing sa trabaho.
Kumunot ang noo nito dala ng kaseryosohan ng mukha niya, pero tumango naman sa tanong niya.
"Ano bang gusto mong pag-usapan natin?" At pumasok na sa kuwarto nito. Sumunod naman siya rito at umupo sa higaan nito.
"Ano kasi..."
Hinubad nito ang heels na suot at initsa lang sa gilid. Tinignan siya nito matapos at inudyukan siyang ituloy ang sasabihin.
"Anong ano kasi?" At kinalas ang butones ng suot nitong blouse.
"Nagseselos si Marco." Agad na natigil ang paghuhubad nito ng damit at lumapit sa kaniya at tumabi. Natawa na lang siya dahil kahit kailan, para talagang reporter itong kaibigan niya at kumikinang ang mata kapag may interesanteng balita na naririnig.
"Talaga?! Kanino?!" tanong nito na parang kiti-kiti na hindi mapakali.
Ngumiwi siya sa lakas ng boses nito. Tumawa lang ito sa reaksyon niya at pinanlakihan siya ng mata.
"Dali! Sino?"
"Sa kuya mo," ani niya. Naiiling pa nga siyang sabihin na kuya nito ang pinagseselosan ni Marco.
Hindi niya inaasahan ang reaksyon nito dahil tumawa ito ng malakas.
"Talaga?! Kay Kuya?!" Tumawa na naman ito at halos mangisay na sa kakahalakhak.
"At ano namang ginawa niya ng magselos siya?" Naniningkit ang mata nito pero andoon pa rin ang mapang-asar nitong ngisi.
Namula ang kaniyang mukha nang maalala ang ginawa nila ng lalaki. Umiwas siya ng tingin sa kaibigan pero hindi nakaligtas rito ang pamumula niya dahil mas naging masugid itong bubuyog nang makita ang kaniyang reaksyon.
"Hoy! Inday, ano yang paiwas-iwas mong tingin?" tudyo nito at hinawakan siya sa balikat para iharap rito.
"Oh mas tamang sabihin, anong ginawa niyo?" excited nitong tanong at tumaas baba pa ang kilay.
"Nagtotoot kayo?" usig nito na halos lumuwa ang mata sa naiisip na conclusion.
"Totoot ka diyan," mabilis niyang sagot at napalunok. Kahit kailan talaga, mababaliw siya kung magkukuwento siya sa kaibigan.
"Edi hindi totoot. Love making na lang para naman may karomance romance pakinggan. So nagtotoot nga kayo?" tanong nito at mas lalo pang lumapit sa kaniya.
Napaikot na lang niya ang mata dahil sa tanong nito.
"Oo."
"Oh my gosh! Oh my gosh!" Paulit-ulit nitong sabi at humagalhal na habang nagpagulong-gulog sa higaan.
"Hoy babae, nahihilo na ako sa pagulong-gulong mo."
Agad naman itong umupo ng maayos at pinunasan ang luha dulot nang paghalakhak.
"Anong feeling?" Curious nitong tanong kung kayat dinalahit siya nang ubo. Tinignan niya ito na parang tinubuan ng dalawang ulo. Sa dami nang puwedeng itanong, iyon pa talaga.
Bumulanghit na naman ito nang tawa dahil sa reaksyon niya.
"Gaga, alam mo namang V pa ako kaya curious lang ako. Well, hindi ko naman masasabing inosente pa ang pag-iisp ko pero siguradong ibibitin ako ni kuya kung isusuko ko na lang basta basta ‘tong perlas ng sinilangan ko. Kaya hindi ko alam ang feeling nang makemberlu." Nakatawa nitong sabi.
"Pero ano ng balak mo?" pag-iiba nito nang usapan.
"Ayon na nga, ang gusto ni Marco, sa condo na lang daw niya ako tumira." Mas lalo na namang lumaki ang mata nito.
"Talaga?! Eh anong problema?"
"Ayos lang ba sa inyo? Alam mo na, pamilya na ang turing ko sa inyo." Napatango-tango naman ito at hinimas ang baba na parang nag-iisip.
"Ayos lang naman sa amin, total ikakasal na rin naman kayo. Pero ang tanong ayos lang ba sa iyo?"
Napalunok naman siya sa tanong nito. Hati ang desisyon niya, may parte sa kaniyang ayaw niya munang matulog roon pero may parte din naman sa kaniyang gusto niya.
"Hindi ko alam."
"Ganito, minsan ba pumasok na sa diwa mong sa paggising mo, siya agad ang una mong makikita?"
"Oo."
"Eh bago matulog? Sa pagpikit ng mata mo? Naiisip mo pa rin ba minsan na, siya ang gusto mong huling makita?" tumayo ito at naglakad papunta sa cabinet nito.
Lumitaw sa isip niya ang nakangiting mukha ni Marco bago siya matulog.
"Oo."
Binukasan nito ang cabinet at lumitaw roon ang mga damit pambahay nito. Tiningnan siya nito sa salamin at nagtanong pa ng isa.
"Mahal mo ba?"
Her heart jump when she heard her bestfriend question.
"Oo..." mahina niyang sagot.
"Ano? Hindi ko marinig?" nakataas na ang kilay nito.
"Oo! Mahal ko si Marco." Mas malakas niyang sabi.
"Ayon naman pala! Edi gora na sis." At ngumiti ito sa kaniya bago nagpalit ng damit.
Pababa na siya ng hagdan at tinulungan na si Brent na ibaba ang maleta niya dahil padating na si Marco.
"Sigurado ka na ba sa desisyon mo?"
Napatingin siya sa lalaki, malamlam ang mata nitong nakatingin sa kaniya.
Tumango naman siya tanda ng sagot.Ng nasa pintuan na sila ay bumuntong hininga ito pero ngumiti naman nang humarap sa kaniya.
Hinawakan nito ang mukha niya at hinaplos ang kaniyang buhok. Naninibago siya rito pero baka nalulungkot lang ito dahil wala nang maingay sa bahay nito.
"Mag-iingat ka doon ha?" at tinignan siya ng diresto sa mata.
"Inumin mo lahat yong vitamins na binili ko para sayo. Tumango naman siya."
"Always remember na andito lang ako kung kailangan mo nang makakausap." Napalunok siya sa sinasabi nito. Tila may ibang ibig sabihin ang bilin nito. Bago pa siya makapagsalita ay niyakap na siya nito ng mahigpit at wari'y ayaw na siyang pakawalan.
______
Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!
BINABASA MO ANG
She Changed Me [Complete]
RomanceThe Engineers Series 2: She Changed Me (MARCO THOMPSON) SPG- T,L,S Siya si Engr. Marco Thompson isa sa nagmamay-ari ng Five Engineering Firm. Wala pa sa bokabularyo niya ang malagay sa tahimik, dahil ang dahilan niya ay nag-eenjoy pa siya sa pagigin...