KABANATA X

12.9K 275 7
                                    

Dedicated to AyezaDanielleBrillo

Pansin ni Marco ang gulat sa mukha ni Sheira. Pinuntahan niya ito dahil gusto niya itong makausap. Nakapag desisyon na siya.

Pakakasalan niya ito.

Nang makita niya kung paano nito haplusin ang nakaumbok nitong tiyan ay nakadama siya ng saya. Ito na siguro ang tinatawag nilang lukso ng dugo.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong agad nito sa kaniya nang mahagilap na nito ang sariling tinig.

"Can we talk inside?"

Nakakunot noo ito at napaatras.

"Please?" Nakikiusap ang tinig niya.
Nagpatianod naman ito at binuksan na nito ng tuluyan ang pinto.

Nang makapasok na siya ay nauna itong naglakad papunta sa sala. Nakita niya roon ang ilang panyo na sigurado siyang ito ang nagburda. Ilan lamang iyon sa alam niya rito dahil hindi pa kumpleto ang ibinigay na report sa kaniya ng kaniyang pinsan.

"Maupo ka, tawag nito sa kaniyang pansin.

Nang makaupo ay hindi niya maiwasang titigan ito. Mas lalo itong gumanda sa kaniyang paningin dulot nang pagkakatanggal ng salamin nito sa mata. Nangungusap ang mga mata nito. Mas lalo niyang napagmasdan ang angkin nitong ganda. Ng una niya itong masulyapan sa reception ay agad nitong nakuha ang kaniyang atensyon nang makita niya itong nakatitig lang sa bulaklak. Para itong isang anghel sa kaniyang paningin.

Isang ubo ang nagpabalik sa kaniyang diwa.

"Tapos ka na bang titigan siya?"

tanong ng isang pamilyar na tinig.
Hinanap ng kaniyang mata ang may gawa niyon. Napakunot noo siya ng makilala niya ito. Ito yong lalaking kasama ni Sheira nang pumunta sa bahay niya. Anong ginagawa nito rito?

"Who are you?" Agad na tanong niya rito.

"Brent." Maikli nitong sagot.

Sinundan niya ito ng tingin, at mas lalo pang kumunot ang kaniyang noo nang maglakad ito palapit kay Sheira at umupo sa tabi nito.

Hindi nito pinansin ang titig niya bagkus ay tinanong ang babae.

"Era, ginugulo ka ba nito?" Umiling naman si Sheira bilang sagot.

"Good to know."

Matapos nitong magtanong ay siya naman ang binalingan.

"Marco right?"

Kahit naiinis sa presensya nito ay nagawa pa rin niyang sumagot.

"Yes."

"Anong ginagawa mo rito?" Matalim ang tingin nito sa kaniya.

"I don't need to answer your question."

Ngumisi ito na parang alam na nito ang isasagot niya.

"Then, pwede ka nang umalis." Naikuyom niya ang kamao sa tinuran nito. Anong karapatan nito para paalisin siya?

"Bahay ko ito kaya makakaalis-" natigil ang sasabihin nito nang hawakan ito ni si Sheira sa balikat.

"Ahm. Brent, ako na ang bahala."
Naalis ang tingin nito sa kaniya at binalingan ito.

"Are you sure?"

Tumango naman ang babae tanda nang pagsang-ayon.

May pag-aalinlangan pa sa mukha ng lalaki pero sumang-ayon pa rin. Agad din namang bumalik ang tingin nito sakaniya at nagbilin.

"Sabihin mo lang sa'kin kung ginugulo ka nito at kakaladkarin ko palabas." Matalim nitong sabi habang pinupukol siya ng matalim na sulyap.

Hindi naman siya nagpatinag at nakipagsukatan din nang tingin. Matapos nitong sabihin iyon ay tumayo ito at umakyat sa pangalawang palapag.

Nag-alis naman ng bara sa lalamunan si Sheira upang kunin ang kaniyang atensyon.

"Anong ginagawa mo rito?" agara nitong tanong.

Humugot muna siya ng malalim na hininga bago sumagot.

"Nakapagdesisyon na ako."

Kumibot-kibot ang labi nito na parang nag-aabang nang susunod pa niyang sasabihin.

"Please..." at sinalubong niya ang tingin nito.

"Marry me."

SUMIKDO ang puso ni Sheira sa mga salitang binitawan ni Marco.

Nakatitig lang ito sa kaniya habang inaabangan ang mga susunod pa niyang magiging reaksyon.

At mas lalo pang lumakas at bumilis ang tibok niyon dahil sa sinabi nito.

"Marry me."

Gustong maghurementado ng kaniyang puso dahil sa narinig. Kasal? Gusto nitong maikasal sa kaniya?
Ayaw man niyang aminin pero natutuwa siya. Pero sa kabila ng lahat, kinakabahan siya at natatakot. Ilang sandali pa ay saka lang niya muling nahagilap ang tinig dala ng pagkasorpresa.

"Nabibigla ka lang." maagap niyang kontra sa desisyon nito. Hindi niya gustong umabot sa pagsisisi ang desisyong gagawin.

"Hindi ako nabibigla. Matagal ko tong pinag-isipan." Determinado nitong hayag.

"Hindi ako papayag maging bastardo ang magiging anak ko. Dadalhin niya ang apelyido ko. At higit sa lahat, hindi ko gugustuhing lumaki siyang hindi buo ang pamilya."

Hindi niya alam kung anong dapat maramdaman sa oras na iyon. Nalilito siya, pinangarap niyang maikasal sa taong mahal siya at mahal niya, ngunit paano mangyayari yon kung nagbago na ang lahat dahil sa isang pangyayaring hindi niya inasahan.

Gusto niyang pag-isipang mabuti ang mungkahi nito. Gusto niyang mapag-isa. Handa na ba siya sa lahat? Handa na ba siyang bitawan ang pagiging malaya at magpatali sa taong hindi siya Mahal? Papayag ba siya?

"Gusto ko munang mag-isip." Nalilito niyang sagot. Hindi ito nagsalita at nakamasid lang sa kaniya.

"Alright, I'll give you time and space to think," turan nito makalipas ang ilang sandali.

"Pag- isipan mong mabuti ang lahat nang sinabi ko."

Wika nito bago tumayo. Malamlam ang mata nito habang nakatitig lang sa kaniya. Hindi naman niya matagalan ang titig nito sapagkat nanunuot iyon sa bawat balat niya kaya tumayo na siya upang ihatid ito palabas.

Ng nasa pintuan na sila ay nilingon pa siya nito bago lumapit sa sasakyan.

"Babalik ako bukas," aniya nito bago pumasok sa kotse.

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

Zodiac Mugs
Available @ our shopee store!❣️

Primitibo Printing Services
https://shp.ee/t2c4k23

100 Pesos- Libra

100 Pesos- Libra

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon