KABANATA XXIII

8.1K 173 7
                                    

Dinampot ni Sheira ang cellphone na nasa kaniyang tabi para tignan kung sino ang nagtext.

Sweetie, what do you want?

Pauwi na ako ngayon, mayroon ka bang gustong kainin?

Napangiti naman siya sa nabasa, kinikilig siya sa paraan nang pag-aalaga ni Marco sa kaniya. Mali siya ng akala rito. Akala niya noon wala itong pake sa kahit sino, habang tumatagal ay mas nakikilala niya ito.

He is really thoughtful at ayaw nitong nakakakita ng babaeng umiiyak, patunay iyon nang umiyak sa harap nito ang kinakapatid nitong si Nikolle.

Nag-isip siya kung anong gusto niyang kainin. Tumayo siya sa kinuupuang sofa at naglakad sa kusina. Tinignan niya roon kung meron pa bang natira sa paborito niyang ketchup. Napangiti siya, nang maalala niya kung ano ang paborito niyangg meryenda dati. Pancit! Pancit with ketchup. Total alas tres pa lang ng hapon, baka may mabili pa ang lalaki.

"Pancit na lang." She texted back.

"Pancit lang? Wala na ba?" Agad naman itong nagreply.

"Chuckie!" reply naman niya.

“Chuckie?"

Natawa naman siya sa reaksyon nito. Porke ba hindi na bata, hindi na puwedeng mag chuckie?

"Mukhang gulat ka ata ah. Oo, chuckie nga."

"Haha, mediyo. Sige, Ill be there in a few minutes."

Bumalik naman siya at inantay si Marco sa sala. Ilang minuto lang ay dumating na ito at pawisang pumasok sa bahay.

"Oh bakit pawisan ka?" tanong niya habang naglakad palapit rito.

"Nahirapan akong maghanap ng pancit, kaya pumunta pa ako ng palengke para bumili."

Tinignan niya ito ng hindi makapaniwala. Hindi niya malaman kung matatawa ba o maaawa sa sinapit nito pero isa lang ang sigurado siya, he is so damn sexy hot right now while his polo is open from the top.

Nadidistract siya sa ayos nito.

Tumikhim naman ito na nagpabalik naman sa kaniyang huwisyo. Namula agad ang pisngi niya nang makita itong nakangisi.

"Do you want to eat me honey?" Tudyo nito. Mas lalo lamang siya namula dahil sa sinabi nito.

"Heh!" Inirapan niya ito at kinuha ang pancit na bitbit, "Pervert!"

"Only with you," dugtong nito habang nakatawang sumunod sa kaniya sa kusina. Mas lalong nag-init ang kaniyang pisngi.

Kung alam lang nito kung paano mag wala ang braincells niya sa kilig ay baka mas lalo lang nito siyang asarin.

Agad naman siyang kumuha ng dalawang plato nang makarating sila sa kusina at inilapag iyon sa lamesa.

"Gusto mo rin bang kumain ng pancit?"

"Sure," tugon nito.

Hinati niya ang pancit at nilagyan din ang plato ni Marco. Kumunot ang noo nito nang mabungaran nitong may hawak-hawak siyang ketchup.

"Oh bakit ganiyan ka makatingin?"

"What are you doing with that?" at itinuro ang hawak niyang ketchup.

Ilalagay ko rito. Umupo na siya sa upuan at sinimulan nang ilagay ang ketchup sa kaniyang pancit. Nang lingunin niya ito ay hindi niya mapigilang matawa sa reaksyon nito.

Halos tignan sya nito na parang may dalawang ulo. Hindi na bago sa kaniya iyon, halos lahat ng nakakakita sa kaniya ng ganoon ay nagugulat rin pero hindi ang kapatid ng kaibigan niyang si Yandee na si Brent dahil gawain din pala nito iyon.

"Anong lasa?" curious nitong tanong habang hindi pa rin naaalis ang pagkakakunot noo nito.

"Masarap," sagot niya at kumindat rito.

"Kahit itanong mo pa si Brent."

Tumaas ang kilay nito sa pangalang binaggit.

"Anong kinalaman nong lalaking iyon dito?" nahihimigan niya ang selos sa boses nito kaya mas lalo niya itong gustong tudyuhin at makita kung paano ito magselos.

"Well, for your information Mr. Thompson, hindi lang ako ang gumagawa nito. Maski si Brent ay gawain din ito. Mas malala pa nga iyon sa akin dahil halos lahat ng ulam nilalagyan niya ng ketchup." Napaismid ito sa sinabi niya.

"Tss. Mukhang marami kang alam sa kaniya at magkasundong-magkasundo kayo."

"Oo naman, sila ang kasama kong nakatira rito sa bahay."

Kung hindi lang nakakalalaki, siguro ay kanina pa nito pinaikot ang mata,

"Bakit kaya hindi ka na lang sa condo ko tumira?" suggestion nito.

"Pag-iisipan ko muna." Kumunot muli ang noo nito sa sinabi niya. Tumayo ito sa pagkakaupo at naglakad padulog sa kaniya.  Naghurumentado ang puso niya dahil sa paglapit. Wrong move atang pagselosin ito.

"Bakit kailangan mo pang pag-isipan?  We are going to get married anyway." At inaharang ang kamay sa lamesa habang hawak ang baba niya.

Napalunok siya sa titig nito. Litaw na litaw roon ang pagiging dominante nito.

"Ma-mabore lang ako sa condo mo." Nauutal niyang sagot dahil sa kaba.

"Marami ka namang puwedeng gawin sa condo. O baka naman gusto mo lang makasama ‘tong si Brent?" Halata sa mukha nito ang inis.

"Nagseselos ka ba?" bigla niyang tanong. Muntikan pa siyang pumiyok dala nang tumatahip niyang dibdib.

"Oo." Walang kaabog-abog nitong sagot. At bago pa man siya makapagprotesta ay sinakop na nito ang bibig niya. Napasinghap siya sa ginawa nito. Ayaw rumehistro sa utak niya ang ikinilos nito.

"Kiss me back Sheira." Dominante nitong utos habang mariing nakatingin sa kaniya. Hindi niya malaman kung saan niya kinuha ang lakas para salubungin ang titig nito habang nakatingala sa mukha nito.

Kumakabog ng napakalakas ang kaniyang dibdib dahil sa intensid ng titig nito. Kung hindi lang siya nakaupo ay baka natumba na siya dahil sa pangangatog ng kaniyang mga tuhod.

Hindi niya alam kung anong espiritu ang sumanib sa kaniya at hinila niya ang batok nito at sinunod ang gusto nito. Hinahalikan niya ito ng marahan habang patuloy ang paganti nito nang halik sa kaniya. Hinawakan nito ang batok niya upang hindi siya makawala at mas lalo pang idiin ang halik. Lumapat ang labi nito sa kaniyang leeg at humaplos ang kamay sa braso niya.

"Marco," usal niya. Halos hindi niya makilala ang sariling boses sanhi ng mga di maipaliwanag na sensyasyong idinudulot nang ginagawa nito. Nababaliw siya sa pagkakadaiti ng kanilang balat.

Napakislot siya ng magaan nitong minasahe ang kaniyang dibdib. Bumaba ang kamay nito sa kaniyang hita na natatakpan ng kaniyang bestida. Ng hindi ito makuntento ay ipinasok nito iyon sa ilalim ng kaniyang suot at paulit-ulit iyong hinaplos.

She gasps for air when she feels his finger run along her center while a measly thin fabric separates her from feeling the full blown experience of the act. Agad niyang iminulat ang mata at tinignan ng diretso si Marco.

Namumungay ang mata nitong nakatingin sa kaniya. Lust, desire, dominance and longing for something is evident in his eyes. Hindi niya maitatangging gusto rin niya ang puwedeng mangyari.

"Sheira." He said with a hoarse voice.
Nakagat niya ang sariling labi at nawala na lahat ang inhibisyon niya sa katawan ng banggitin nito ang pangalan niya. Tuluyan na niyang pinikit ang mata at hinayaang halikan siya at ipadamang kailangan siya nito.

NOTE: Next chapter is restricted. Read at your own risk.

______

Please do VOTE, FOLLOW me at WATTPAD and ADD or VISIT me on FACEBOOK @ Yan yan (D'Romantica Mambabasang Manunulat) to support me. . . THANKS!

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon