KABANATA XV

10.7K 215 10
                                    

          Nakatitig lang si Marco kay Sheira habang kumakain ito. Makita pa lang niya itong nasasarapan sa pagkain ay busog na siya. Halos hindi na nga niya nagalaw ang pagkain sa harap niya. He was captivated by how this woman react on things. She is simple yet gorgeous. She is innocent yet sexy.

"Mahal kita, mahal na kita Sheira."

Alam niyang nabigla ito sa sinabi niya kaya siya na ang gumawa ng paraan para maalis ang awkwardness na biglang kumulong sa loob ng silid.
Kagyat siyang ngumiti at kumindat rito na naging dahilan naman nang pag-iwas nang tingin nito sa kaniya.

Pulang-pula ang mukha nito sa kaniyang ginawa at bago pa siya maatake ang puso niya sa tuwa ay niyaya na niya itong lumabas sa clinic.

"Bakit ganiyan ka makatingin?" Pukaw nito sa kaniyang atensyon ng halos maubos na nito ang pagkain nito. Nakakunot noo ito at halata sa mukha ang pagka-ilang dala ng kaniyang pagkakatitig.

"I just find you amazing Sheira." Tugon niya habang hindi pa rin inaalis ang tingin rito. Bigla itong inubo at agad naman niya itong binigyan nang maiinom.

"Are you okay?"

Itinaas nito ang kamay para pigilan siya sa pagtayo at lapitan ito saka ito tumango tanda nang pagsang-ayon.

"Are you sure?"

"Oo, ayos lang ako. At kaya ikaw, kumain ka na diyan hindi 'yong kung ano-ano ang sinasabi."

Napangisi lang siya sa tinuran nito. Well he can't blame her. Mukhang hindi ito sanay nang pinupuri.
Tumayo siya at lumapit rito. Sinundan naman siya nito ng tingin habang papalapit siya rito.

"But honestly speaking Sheira, I always find you fascinating." At hinawi ang ilang hibla nitong buhok at ikinawit iyon sa tenga nito. "You never fail to amazed me. You are different." Napalunok ito sa ginawa niya at napatitig saglit. May nakita siyang kung anong dumaan sa mata nito at bago pa man niya mahulaan iyon ay umiwas na ito ng tingin sa kaniya.

"Busog na ako," mahina nitong sabi.

"Well, tara na?" aya niya rito.

Napatingin agad ito sa kaniya.

"Hindi ka na kakain?"

"Hindi na." Hindi mapuknat ang ngiti sa kaniyang labi.

"Pe-ro?"

Pinigilan ng kaniyang daliri ang ano mang sasabihin nito at saka ito hinawakan sa kamay.

"No buts Sheira."

"Per-"

"Let's go!" at hinila na ito palabas ng kainan bago pa ito makakontra.

NAGING eratiko ang tibok nang puso ni Sheira habang nakasunod siya sa kay Marco. Well built ang katawan nito at mahahalata mo pa rin ang tinatago nitong mga muscles at abs sa loob nang suot nitong damit. Malaki ang balikat nito na pinaresan naman ng mahahabang braso at paa. Jusko!

Totoo na bang nainlove na sa kaniya ang lalaking ito? Paulit-ulit pa ring umaalingawngaw sa utak niya ang sinabi nito sa clinic.

"Mahal kita, mahal na kita Sheira."

Natigilan siya sa mga oras na iyon. She was really surprised by his sudden outburst. The clock seems to stop. Hindi niya alam kung anong sasabihin, hindi niya alam kung paano niya ito haharapin.

Napalunok siya sa intensidad ng titig nito, kitang-kita niya ang senseridad sa mata nito. Pero buti na lang at nakahiga siya sa clinic bed dahil kung hindi ay malamang na natumba na siya dala nang panginginig ng kaniyang mga tuhod.

She Changed Me [Complete]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon