Tanghali na ng magising ako. Pasado alas 3 na ako inihatid ni Yuan sa bahay. Buti na lang nasa ibang bansa ngayon ang mama ko kundi patay talaga ako.
Wala naman kaming ginawa kundi tumingin sa kalangitan sabay usapang matino namin. Aba nag seriouso ako non ha para naman may matino kaming usapan dalawa.
Atsaka pinuri niya ako uli eh, kaya nagpakabait na ako. :)
Pero sana hindi natapos ang napaka gandang gabing iyon. Ang tanging mga oras na iyon na mabait si Yuan at nakikipag usap sa akin. Kaya nga hiling kong hindi na matapos ang gabing iyon.
Hay nako. Ako lang ulit sa bahay... at ang kasama ko lang ay ang hindi nagsasalitang over na magalang na mga maids sa bahay na walang ibang alam gawin kundi puriin ako.
Agad akong nagbihis at nag ayos sa sarili. Ofcourse magpapaganda na naman ako eh lalabas ako sa bahay atsaka mag boboys hunt ako. Total ngayon balik na ulit yung confident ko sa sarili, na maganda talaga ako, salamat sa honestly ni Yuan. Mas nakakasiguro ako na may pag asa pa yung lahi ko.
^_________^ bwahahahaha.
Fly na ang ganda ko sa mall, doon ako kakain kaysa dito sa napaka boring na bahay namin, wala man lang akong makausap.
*Sa mall*
Walang magawa sa buhay. Halos na ubos ko na sa kalilibot yung LB mall. Wala man lang boylet na nakapasa sa taste, may nakita rin ako ngunit may girlfriend na eh.
Hay naku! Mabuti pat pumunta nalang ako sa bookstore.
Hindi para magbasa kundi maghanap ng boylet of course, never in my vocabulary ang magbasa ng malalaking libro, kahit nga maliit, 3rd page pa ngalang ako ayon give up na. Pero kahit ganon, atleast nakakapasa rin yung mga grades ko at inferness tatlo lang ang line of 7 ko, pero okay pa rin atleast wala akong bagsak. At tsaka kahit walang line of 9 yung grado ko, okay pa rin... maganda naman ako.
Gagala-gala lang ako sa bookstore. Walang magawa. Hanggang sa atlast may nakita akong SUPER DUPER GWAPO NA SUPER DUPER COOL species of mankind!
pero...
May pero...
Bata pa siya eh. Around 10 to 12 years old. ToT sayang.
Atsaka may ka look alike siya.
Isip...
Isip...
Isip...
Ting! <-- sound effect
Ay oo!!!!!!!!
Ka look alike ni YUAN.
TOMO! Kamukha talaga ni Yuan ang batang ito as in.
Kaso mas cool ngalang ang batang ito, parang rockstar kung manamit eh plus may dala pa itong guitara.
Kaya agad akong lumapit sa kanya.
"Hi bata. Pwede pa picture?" Sabi ko.
Tumigil ito sa pagbabasa at tiningnan ako ng masama.
"How ignorant of you to ask me that in such inconvenient situation." Sagot nito.
O_______o nosebleed.
"You look precisely dumb knowing you dont understand a thing that im saying. Plus with that make up you're wearing? You look like a lame good for nothing clown." Dagdag nito.
WOW HINDI LANG KA LOOK-ALIKE NI YUAN, ATTITUDE ALIKE DIN! ToT
Akala ko one of his kind lang si Yuan, hindi pala may isa pa pala ka uri.
BINABASA MO ANG
HapPy LoVe: 100 days with the Royal Snob
RomanceBroken hearted, and desperate to look for a boyfriend... Quincy the easy-go-lucky, none-stop-talking-machine girl wishes a revenge sa ex-boyfriend niya na nakita niya na may kahalikang babae sa parking lot. Burst out in anger sinira niya ang napakam...