chapter 33

496 7 0
                                    

Pasado alas dos na ng umaga at gising pa rin ako.

I know from the start na may something kay Empress at Yuan... kaya nga napagkamalan ko silang lovers diba.

But i still continue to let myself fall for him.

Ang laki kung tanga!

Pero may pamilya na si Empress, ano pa ba ang magagawa ni Yuan don?

Rebound lang siguro ako, at pag andoon na ang totoo niyang minamahal ofcourse pipiliin pa rin niya iyon.

Ano ba kailangan kung gawin...

Ibagok ko kaya yung ulo ko sa bato baka magka amnesia ako at makalimutan ang lahat ng nangyari.

Magpatiwakal???

Hindi ako ganyan ka desperada.

O di kaya magbakasyon mo na, para makalimot.

Masyadong magasto!

( π_______π ) 

Ano ang gagawin ko?

Coffee... saan ka na ba...

Kung kailan kailangan na kailangan kita ngayon ka pa mawawala.

Kahit anong pigil ko sa pag-iyak kusang lumalabas yung luha ka.

Im hopeless! Yuan... bakit mo ako sinaktan ng ganito???

Bakit???

Bakit kailangan ko pang masaktan ng ganito??? Bakit wala lang sa kanya ang lahat ng nangyari???

Gusto ko ng mabulok! Gusto kung makalimot!

Kung pwede lang sanang uminom ng pain reliever para mawala yung sakit na nararamdaman ko.

Dahil subrang sakit ang nararamdaman ko...

Tiningnan ko ang dalawang rabbit na napanalunan ko sa foundation day. Kinuha ko yung lalaking rabbit na pinangalanan kung Yuan.

"Yuan... ang sama sama mo! pangit ka! Bat mo ako pina-asa ha! Bat ka ganyan? Suplado ka! Masungit! Boring! I hate you! I hate you! Sana mawala ka na sa landas ko! Ayaw ko sayo... sana...sana...sana... ako yung pinili mo... bobo ka... ikaw ang stupid... andito ako oh... mamahalin kita... hindi tulad ni Empress...may iba na yun... ano bang wala sa akin ha??? Ano??? Ang sama mo talaga... walang hiya ka! Unggoy!" Sabi ko.

Then i broke down and cry once again...

Parang walang kataposan ang pag-iyak ko.

*Kinaumagahan*

Sabado walang pasok.

Pasado alas 11 na akong nagising.

Namamaga ang mata sa kaka-iiyak.

May 7 misscall na galing kay Yuan. Pero hindi ko lang pinansin.

Tumayo na ako sa kama, naligo, at bumaba na kusina.

Andoon si mama sa sala nanonood ng TV.

Kumain na ako kahit wala akong gana.

Ayaw ko kayang masira yung utak ko.

"Oiiiiiii bat para kang nag se-sente sa isang music video jan." Pukaw ni mama sa akin.

Hindi na ako nagsalita.

"You know what Quincy... you can always tell mommy everything." Sabi ni mama.

"Ano po ba ang sasabihin ko?" Sabi ko.

"Well... bakit namamaga yang mata mo... is it about Yuan?" Sabi ni mama.

Just hearing his name automatic na napa-iyak na naman ako.

"Mama ang tanga ko!!! Tanga-tanga ko!!! Akala ko kasi mahal niya rin ako...!!! Pero ma diba kung halikan ka ng lalaki, i-hug o kaya nag selos... di ba may ibig sabihin yun ma! Pero bakit ganon... umasa lang ako sa wala!" Umiiyak na sabi ko.

"Eh! Gago pala ang lalaki iyon eh gusto mo ipa gulpi ko siya jan sa may kanto???" Sabi ni mama.

"Mama naman eh! Seryoso ako!" Sabi ko.

"Oh sorry akala ko ginu-good time mo ako." sabi ni mama.

Walang tigil pa rin ako sa pag iyak.

"Alam mo sweetheart... part na talaga yan kung magmamahal ka, masasaktan ka talaga. And besides high school ka pa marami pang maaaring mangyari sa buhay mo, sa lovelife mo. At kung talagang mahal mo siya, let him know kaysa magsisisi kalang sa huli at magigiling unspoken yang feelings mo. At kung may mahal siyang iba, then you have to accept the fact na kailangan mo siyang i-let go... oo masakit bat yun ang katotohan." Sabi ni mama.

"Ang sakit lang talaga ma... I know na start from the beginning talo na ako." Iyak ko.

"Hey! Be brave... youre strong I know you can handle this. Time heals everything. Hindi laban ang isang pagmamahal para panalunin mo. Love is something worth waiting... kusang dumadating yun." Sagot ni mama at niyakap na niya ako.

"Thanks ma." Sabi ko.

Buong araw kaming nag bonding ni mama sa mall. Ofcourse nag shopping kami, Nag pa spa, nagpa gupit din ako ng buhok.

Well... yan talaga ang isang bagay na hindi mawawala sa babae, pag brokenheated pinapagupitan talaga yung buhok. Ewan ko ba kung bakit ganon yun, wala namang connection ang buhok sa puso eh.

Ng nakauwi naman kami, nanood kami ng bakit hindi ka crush ng crush mo.

Subra ang tawa naming dalawa. Parang nakalimotan ko for a while ang problema ko. ^______^

The best talaga si mama!

She really comforted me and cheer me up the best she could.

"Alam mo anak, sa akin ka siguro nagmana ano... alam mo bakit?" Sabi ni mama.

"Aside sa kagandahan, kagagahan, pagiging shopaholic at kadaldalan... ano pa?" Sabi ko.

"Hopeless tayo sa love. You know why??? Kasi hindi naman talaga ako ang type ng dad mo right from the start. He has no time for Love, workaholic yun masyado... ako pa nga ang nanligaw sa kanya. Ako yung naghahabol, ako yung namimigay ng chocolates at flowers sa valentines. Ako yung kahit anong ipagawa niya gagawin ko. Yung pag sinabi niyang magkikita kami sa Tagaytay 7 pm kahit andoon ako nagsho-shooting sa ibang bansa dadating pa rin ako exactly 7 pm. Ganyan ako ka deads na deads sa papa mo. But when I get tired loving him and waiting for him to love me back, doon niya na realize how much I mean to him, that he was nothing without me. Kaya siguro ngayon masyadong siyang attach sa akin... Kaya ikaw, wala ka mang prince charming o knight and shinning armor na dumating para iligtas ka sa sakit ng dulot ng pag-ibig... always remember may Shrek ka pa, na kahit ubod ang kasupladuhan, hari ng kasungitan... that Sherk will still choose you in the end of the day...ma-late man siya o hindi. All you have to do is to tell him how you fell and wait for him to come." Sabi ni mama.

My Shrek???...

Ano bang ibig sabihin ni mama???

I have a Sherk na pipiliin ako in the end???

"Soooo papaano, ready kanang talonin ang score ko sa minion rush???" Hamon ni mama.

Ewan ko ba sa mama kung ito, parang hindi tumatanda!

"Go!" Sabi ko.

"Sana naman ngayon matatalo mo na ako ha, pagod na kasi akong laging nananalo, walang challenge!" Sabi niya.

"Tingnan lang natin." Sagot ko.

After nong sinabi ni mama, kahit hindi ko maintindihan ang ibig sabihin non...

pero after... I feel a bit fine...

Para bang suddenly nawala lahat ng worries at sakit na nararamdaman ko.

HapPy LoVe: 100 days with the Royal SnobTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon