This is a work of fiction. Names, characters, places, events, and incidents are the product of the author's imagination. Any resembly is purely concidential.
ALL RIGHTS RESERVED
© 2016 by Jackilyn524
Pagisising ko nakatatayo na agad yung apat na maid sa tabi ng kama ko. Yung isa may hawak ng uniform ko, yung isa may hawak ng bag ko, yung isa may lawak ng shoes ko, at yung isa may hawak ng tea. Moring routine ko to.
Naligo na ko at sinuot yung uniform ko saka bumaba at kumain. Pagbaba ko nakita ko ang baby brother kong si Darren at ang bunso namin na si Darlene. Apat kami magkakapatid yung isa nasa States dahil may buisness trip, yun si Oppa Dave.
"Morning" bati ko sa kanila.
"Morning" bati sakin ni Darlene at Mama.
"Morning Noona" sabi ni Darren. Tiningnan siya ng masama ni Mama."Sorry Mama"
Umupo nalang ako sa upuan ko. Di kasi kami pwede magsalita ng korean. Half Korean kasi si Papa kaso hiwalay na sila ni Mama dahil sumama si Mama sa ibang lalaki. Dapat nga kay Papa kami sasama pero kay Mama kami pinasama.
Pagkatapos naming kumain sumakay na kami sa sasakyan papuntang school. Kami ang may ari ng school na ito. Pumasok na ko sa school.
Pinagtitinginan ako ng mga tao. Sanay na ko don dahil kami ang may ari ng school na ito, pero di naman ako bossy. Pati ang dalawa kong kapatid di rin bossy. Sa kabilang building sila. Nahahati kasi sa tatlo ang mga building. Isa sa pre-school kung nasaan si Darlene, isa sa elementarya kung nasaan si Darren, at isa sa high school kung nasaan ako. Hindi malayo dito may school din for college at kami rin ang may ari nun.
"Si Charles Montalvo daw lilipat dito" may narinig akong bulungan.
Lumapit sakin ang isang staff ng school.
"Miss Dianna may bago po tayong tranfer student. Yun po ay si Charles Montalvo" tumango nalang ako.
Narinig ko nanaman yung pangalan na yon. Di ko alam kung bakit pero may kakaiba sa kanya. Tuwing may tranfer student pinapaalam sakin ng staff dahil nag ba-background check ako sa kanila. Ayoko naman ng pulubi sa school na toh. Alam ko naman na puro mayaman dito dahil mahal ang bayad dito.
Dumiretso na ko sa may computer room. Nag search ako ng mga bagay bagay tungkol kay Charles Montalvo. Nalaman ko na mayaman pala siya. Naghanap pa ko ng ibang info tungkol sa kanya. Kung sa ano anong buisness ang meron sila pero nakaka nga nga ang nabasa ko.
Charles Montalvo is a Casanova. He always has different girls every week or day. Her longest girl is Miranda Dela Fuela, he had this girl for two weeks. He almost fall in love with this girl but he remembered that he is a Casanova. His first love was Nathalia Yuman.
Ano?! Casanova?! Sabi ko na nga may kakaiba dito. Longest girl niya two weeks. Paano to naging sobrang personal. May first love pa.
"Si Charles Montalvo!" sigaw ng isang babae.
Tumakbo ang lahat papunta sa pinto habang may space sa gitna. Pumasok si Charles Montalvo. Pumunta ko sa gitna para salubungin siya. Sinasalubong ko talaga ang mga tranfer student dito sa school namin.
Nang makalapit siya sakin di ako makagalaw. Tumigil siya sa harap ko. Natulala ako sa mga mata niya. Bigla kong naalala na Casanova pala siya.
"Welcome to our school" sabi ko.
"Ikaw ang anak ng may ari ng school?" tanong niya.
"Oo" sagot ko.
"Maganda ka pala" sabay kindat sakin.
"Di ako mahuhulog sa triks mo, Casanova" sabi ko sabay alis.
Nakakainis talaga siya.
BINABASA MO ANG
My Casanova Prince
Teen FictionCasanova, ayaw na ayaw ko sa mga Casanova dahil pinaglalaruan lang nila ang mga babae. Ako nga pala si Dianna Tolentino , hindi ako regular na babae dahil sobrang yaman ko at future owner ako ng kompanya namin sa Paris. Di ko aakalaing isang tao a...