Dianna Tolentino's
P.O.V"Andito na tayo" sabi ni Charles.
Nandito kami ngayon sa bahay nila para mag practice para sa pageant. Pagkapasok namin sa loob dumiretso kami sa taas kung saan yung kwarto ni Noona Corinne. Pagka akyat namin kumatok si Charles sa isang malaking pinto.
"Come in!" sigaw ni Noona Corinne.
Pumasok nalang kami. Nakita namin siyang nag stre-stretching, gymnastics kasi ang hilig ni Ate Corinne.
"Charles, Dianna" sabi niya.
"Noona can you help us? Kasali kasi kami sa pageant at ang napili naming talent ay interpretative dance can you be our choreoghraper?" tanong ni Charles. Ang laki ng ngiti sa mukha ni Noona Corinne.
"Of course I would love to" sabi niya.
Pumunta kami sa isang malaking kwarto na walang laman. Dito kami mag pa-practice.
"So may napili na ba kayong kanta?" tanong ni Noona Corinne.
"Uh....wala pa eh" sagot ko.
"May napili na kong kanta at nasayaw ko na din toh dati, partner ko nun si..." di na tuloy ni Noona Corinne ang sinasabi niya dahil tinuloy ito ni Charles.
"Daniel, ang first love mo" sabi ni Charles. "Madadaan lang toh sa drama dahil sa nangyari sa inyo kayaag practice na tayo"
"Oo nga mag practice na tayo" sabi ni Noona Corinne.
"So yung kanta ay Sa'yo by Silent Sanctuary. Ang first step ay nasa likod ni Dianna si Charles" dagdag pa niya.
Pinlay na niya yung kanta at pinractice na namin ang sayaw. Sa ngayon first stanza palang ang nagagawa namin. Gabi na din ng matapos ang practice namin kaya hinatid niya ko papunta samin.
"Sabi sayo magaling mag turo si Noona" sabi ni Charles.
"Oo nga eh. Thanks Charles for helping me. Bukas practice ulit" sabi ko.
"No problem. Mag practice ka din para sa mga sasabihin mo at model walk mo sa pageant" sabi niya.
"Sanay na ko sa mga ganito. Sige na nga night" sabi ko saka bumaba.
Umakyat ako papuntang kwarto at binuksan ang laptop ko. May nakita akong pic ni Noona Elaine na naka gown, sinukat niya ngayon ang susuoting gown niya para sa kasal at pinost ito sa facebook. Ang galing talaga pumili ni Oppa ng papakasalan.
Nag play muna ako ng music dahil wala naman akong gagawin. Madami akong kanta sa phone ko pero di ko naman na pa-play yung iba. Pagkatapos ng dalawang kanta ang sunod na kanta ay Sa'yo by Silent Sanctuary. Nakisabay ako kumanta sa kanta.
"Tumingin saking mata magtapat ng nadarama di gusto ika'y mawala dahil handa akong ibigin ka kung maging tayo..." may biglang nagtuloy ng kinakanta ko.
"Sa'yo lang ang puso ko" tumingin ako sa may pinto at nakita ko dun si Darlene. Pumasok siya sa kwarto ko at umupo sa tabi ko.
"Ginulat mo naman ako, Darlene" sabi ko sa kanya.
"Natatakot ako sa kwarto kasi mag isa lang ako eh" sabi niya.
"Sige dito ka nalang" kinantahan ko siya hanggang nakatulog siya.
Binuhat ko siya papuntang kwarto niya saka bumalik sa kwarto. Humiga ako sa kama at natulog.
Kinabukasan nag practice ulit kami sa bahay nina Charles.
"Charles paulit ulit ko bang sasabihin na dapat naka cross yung kamay mo" natatawa ako tuwing pinapagalitan ni Noona Corinne si Charles.
"Sorry Nonna" sabi ni Charles.
"Hay nako from the top" sabi ni Noona Corinne.
May biglang kumatok. Nakita namin sa pinto si Oppa Carlos.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Noona.
"Masama mag dala ng juice" sagot niya.
Nilapag niya yung juice sa may table at uminom kami. Nag break muna kami ng ilang minutes bago mag practice ulit.
"Thanks oppa" sabi ko kay Oppa Carlos.
"No prob. By the way ang ganda ng sayaw" sabi niya.
"Teka kanina ka pa nanunood" sabi ni Charles.
"Ganon ba ko kagaling mag tago" sabi ni Oppa Carlos sabay tumawa.
"Hay nako" sabi ni Charles.
"Ok breaks over" sabi ni Noona Corinne.
Nag practice ulit kami kahit nanunood si Oppa Carlos. Pagkatapos ng practice hinatid na ko pauwi ni Charles.
"Next week na yon are you prepared?" tanong ni Charles.
"Yup" sagot ko.
Umakyat na ko sa kwarto para maka tulog dahil maaga pa kami bukas.
Tatlong araw na kami nag pa-practice at maganda naman ang kinalabasan. Minsan talaga mali mali ang ginawa ni Charles kaya lagi siya pinapagalitan ni Noona Corinne.
"Dianna kamusta naman sayaw niyo?" tanong sakin ni Grace habang inaayos yung gamit niya sa locker.
"Ok naman eh kayo?" tanong ko.
"Ok lang din"
"Guys!" may biglang sumigaw.
Nakita namin si Elisse na tumatakbo papunta dito. Hingal na hingal siya.
"Oh Elisse bakit?" tanong ni Grace.
"Nakita ko yung performance nina Amber.at Hailey. Ang ganda ng sa kanila" sabi ni Elisse.
"So? Kayang kaya naman namin sila kalabanin" sabi ni Grace.
"Yeah this is going to be easy and fun" sabi ko.
"But be prepared, you only have three days before the pageant and we can't afford to loose this" sabi ni Elisse.
"We will" sabi namin. Umalis na agad si Elisse parang manager namin siya.
"That girl has english problems" sabi ni Grace, natawa ako sa sinabi niya.
Umuwi na ko sa vahay para makapag pahinga. Pagkauwi ko sa bahay nakita ko si Darren.
"Darren ok ka na?" tanong ko sa kanya.
"Yup, teka diba dapat may practice ka?" tanong niya.
"Wala ngayon kasi may project si Charles sa Math subject niya"
"Ah ok" sagot niya.
Umakyat na ko sa kwarto ko at natulog.
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
My Casanova Prince
Teen FictionCasanova, ayaw na ayaw ko sa mga Casanova dahil pinaglalaruan lang nila ang mga babae. Ako nga pala si Dianna Tolentino , hindi ako regular na babae dahil sobrang yaman ko at future owner ako ng kompanya namin sa Paris. Di ko aakalaing isang tao a...