Chapter 13: Another Date

539 16 2
                                    

"Babe!"

Nagulat kami sa nagsalita. Si Nathalia Rodrigez ang nagsalita.

"Oh, kasama mo pala si Dianna. Hi Dianna!" sabi sakin.

"What are you doing here?" tanong ni Charles.

"Since malapit na kayong ikasal I think maganda kung mag da-date kayo. Isn't that grate?" sabi ng mommy ni Charles.

"No, I've got company" sabi niya sabay hila sakin.

"Ha? Ah...hindi, hindi uuwi na nga ako eh. Sige bye" umalis na agad ako dun.

Nakakahiya naman sa fiancee niya. Nang makalabas na ako ng mansion nila may biglang humawak ng kamay ko. Pagharap ko nakita ko si Charles.

"Sorry kung biglang pumunta don si Nathalia. Hindi ko alam na papapuntahin siya ni mommy dun" sabi niya.

"Ok lang uuwi na din naman ako eh"

"Gusto mo ihatid na kita"

"No thanks. At saka may date ka pa"

"Ipapahatid nalang kita sa driver namin"

Nagpahatid nalang ako sa driver nila. Hindi ako sanay mag-commute dahil sa anak mayaman ako. Pagkadating ko sa bahay humiga agad ako sa kama. Hindi ko alam kung bakit pero may tumulong luha sa mata ko. Iniyak ko nalang toh kahit hindi ko alam kung bakit.

Charles Montel's
P.O.V

Nasa isang resto ako ngayon kasama si Nathalia. Dito niya daw gusto mag date.

"The food is delicious, isn't it?" sabi ni Nathalia habang kumakain.

"Yes" sagot ko.

"Why?" tanong niya.

"Hm?"

"Why are you feeling sad?"

Kahit ako natanong ko din yon sa sarili ko. Bakit nga ba parang ang lungkot ko. Kanina pa ko tahimik, dati nung nag da-date kami sa States lagi ko siyang niloloko para mapikon siya dahil inis na inis ako sa kanya. Nakaramdam nalang ako ng lungkot ng umalis na si Dianna.

"I don't know, Dianna" sagot ko. Teka ano sabi ko 'Dianna' pakshet naman."I mean Nathalia"

"Ah, bakit nga pala nasa bahay niyo si Dianna?"

Kapag sinabi kong nag da-date kami isusumbong niya ako kay mommy. At fiancee ko siya at mahal niya ko kaya baka kung anong gawin niya kay Dianna. Think, Charles, think.

"Uh...we...uhm, uh" takte anong sasabihin ko."Uh we, we had a project to finish"

"Ah, anong project naman yon?" bakit ba lagi siyang may tanong.

"Uh, Science nasa may tree house kami kanina ay pinag aaralan yung tungkol sa grass" sagot ko. Hay, buti may naisip ako.

Napa 'ah' nalang siya sa sagot ko. Nag patuloy kami sa pag-kain.

"Charles!"

"May sinabi ka?" tanong ko kay Nathalia.

"Ha? Wala" sagot niya.

Nagpatuloy nalang kami sa pag-kain. Maya-maya may narinig nanaman ako.

"Hoy casanova!"

Ano ba yan bakit ko ba naririnig yung boses niya. Pagkatapos naming kumain nag-decide kaming mag-boating. Habang nasa bangka kami nakikita ko si Nathalia na sinusubukang mag-selfie.

"Hindi mo yan maaabot ang ikli ng braso mo" sabi ko sabay tawa. Naalala ko tuloy si Dianna nung nasa Boracay kami kasama sa Dianna. Nahihirapan din siyang mag-selfie non.

"E-edi picturan mo ko" sabi niya.

"Ayoko nga. Kaya mo yan" sinubukan niya pa ring mag-selfie nang maayos pero di niya magawa.

"Hahahahah" pag-tawa ko.

"Anong nakakatawa?!" sigaw niya.

"Mukha ka na kasing si lastik man hahahahaha"

"Tse!" di niya magawang magalit sakin dahil alam kong gusto niya ko.

Pagkatapos naming mag-boating medyo madilim na. Habang naglalakad lakad kami may nakita kaming nagtitinda ng ice cream.

"Babe, bili tayong ice cream" sabi niya.

"Tss, ikaw nalang"

"Dali na babe, please" nag pu-puppy ice pa siya.

"Haysh, just don't call me babe di tayo kasal"

"Yehey" para siyang bata.

Bumili ako ng dalawang chocolate flavored ice cream. Naka upo kami sa may bench habang kumakain ng ice cream.

"Uh..Bab-- Charles, anong oras na?" tanong niya.

"Wala ka bang orasan or cellphone?"

"Dali na"

"Fine" tiningnan ko yung orasan ko."7:58 bakit?"

"Two minutes nalang"

"Ha?" nalilito ako. Anong two minutes nalang.

"Hay nako ang cute mo" sabi niya.

"Anong two minutes nalang?"

Tinuro niya yung kalangitan. Tingin ako dun at nakita ko ang daming bitwin. May nakita din akong shooting star, ay hindi pala shooting star fireworks. Ang daming fireworks.

"Ikaw nag-set nito?" tanong ko.

"Hindi ah, lagi akong napunta dito at tuwing Saturday, 8:00 ng gabi may fireworks show"

"Ah" yun nalang ang sinagot ko.

Mga 30mins lang yung fireworks show pagakatapos wala na. Nakaupo lang kami don nang biglang--

"Umuulan!" sagaw ni Nathalia.

Tumakbo kami palayo. Nakapunta kami sa tapat ng isang shop.

"Nabasa ka ba?" tanong niya.

"Natural umulan eh" ngumiti nalang siya.

Tumingin siya sa likod niya at nakit niya ang binebenta duon sa shop.

"Tara pasok tayo" sabi niya.

Hinila niya ko papasok. Pagpasok namin don pumunta siya malapit sa may bintana at kinuha ang binebenta duon. Pumunta siya sa counter at binayaran yon. Humarap siya sakin na may hawak sa dalawa niyang kamay.

"Ano yan?" tanong ko.

"Couples dream catcher" sagpt niya.

May hawak siyang dalawang dream catcher na ang kulay ay blue and red. Ang isa ay medyo mas malaki kaysa sa isa.

"Ang isa para sayo, ang isa para sakin. Para mapanaginipan nating ang isa't-isa" sabi niya sabay sakin ang isang dream catcher.Mag sasalita sana ako pero biglang nagsalita si Nathalia.

"Tumila na yung ulan. Tara na" sabi niya.

Lumabas na kami at nag-lakad pauwi. Pag-uwi ko iniwan ko si Nathalia sa baba. Umakyat ako papuntang kwarto. Pagkaakyat ko dun sinabit ko yung dream catcher sa may bintana at napangiti ako dun.

Ang ganda ng itsura ng dream catcher. Natulog nalang ako habang naka ngiti, pero iniisip ko pa rin kung bakit nalungkot ako kanian.

Next Chapter...

My Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon