Chapter 10: Beside you

695 20 0
                                    

Dianna Tolentino's
P.O.V

Naglalakad ako ngayon papuntang canteen. Nang maka dating ako dun nakita ko agad sina Elisse at Grace sa table. Nakakainis laging nauuna yung dalawang yon kaysa sakin. Umupo ako sa tabi nila.

"Hi Dianna" bati sakin ni Grace.

Kumaway lang sakin si Elisse dahil may pagkain ang bibig niya.

"Hey" sabi ko.

Nilonok ni Elisse ang pagkain niya saka may sinabi sakin.

"Totoo ba?" tanong niya.

"Ang alin?" sagot ko.

"Na muntikan ka na mabaril?" sabi ni Grace.

"Oo, pero--"

"Omg totoo nga. Sabi din nila may prince charming kang nagligtas sayo" sabi ni Elisse.

"Prince charming?" tanong ko sa dalawa.

"Si Charles Montalvo" sabay pa sila."Jinx"

"Hindi ko prince charming si Charles. Niligtal niya lang ako" sagot ko.

Hindi na nag-salita yung dalawa. Nung nag-bell dumiretso na ko sa may classroom ko. Pagkapasok ko dun nakita ko si Nathalia.

"Dianna!" tawag niya sakin.

"Oh Nathalia, bakit?" tanong ko.

"Eh bago palang ako dito so di ko pa masyadong memoryado yung mga lugar dito. Pumunta ko ng Science lab kanina naiwan ko dun yung math ko eh di ko na maalala kung saan yung Science lab. Pwedeng pakuha ng math ko" sabi niya sakin.

"Sure" yun nalang ang sinagot ko at lumabas na ng room.

Bumaba ako mula fourth floor hanggang ground floor para pumunta sa Science lab. Pagkadating ko dun nakita kaagad yung math niya. Napansin ko din na medyo makalat kaya nagligpit ako ng onti.

May narinig akong parang bakal na gumulong, tumingin ako sa may pinto pero wala namang tao. Bigla akong naka amoy ng kakaiba. Tumingin ako sa may likod ko at nakita kong mausok. Naubo ako sa usok at dumiretso sa may pinto pero lock ito. Pumunta ako sa may bintana at sinubukang buksan ito pero lock din. Nakaramdam ako ng hilo at panlalabo ng mata. Nakita kong may kamay sa bintana at sinusubukan din niya itong buksan.

"Dianna! Dianna!" narinig ko ang boses ni Charles.

Lumabo na ang paningin ko at napaupo sa sahig. Narinig ko ang pagkabasag ng salamin at nakita ko si Charles na papalapit sakin pero nagdilim na tuluyan ang mata ko.

Charles Montalvo's
P.O.V

Naglalakad ako ngayon sa may hallway. Pumunta ako sa may groundfloor. Nakita ko si Jerick na tumatakbo palayo. Nilagpasan niya ko at nakita kong may ngiti sa may labi niya. Mukhang may binabalak siya.

Tiningnan ko ang hallway kung saan siya galing. Nakita ko ang Science lab duon. Pumunta ako sa may Science lab at tingnan kung anong ginawa niya duon pero lock yung pinto. May narinig akong umubo sa loob laya sinipa ko yung pinto pero wala pa rin. Umikot ako at pumunta saay bandang salamin at nakita ko si Dianna na sinusubukang buksan ang bintana. Mausok din sa loob.

"Dianna! Dianna!" sigaw ko.

Nakita ko siyang medyo nahihilo siguro dahil sa usok yon. Lock din ang mga bintana. Nakita kong napaupo si Dianna sa sahig. Kumuha ako ng bato at inihagis iyon sa may salamin. Agad akong pumasok at pumunta kay Dianna.

"Dianna!"

Binuhat ko siya at lumabas kami sa may bintana. Dinala ko siya sa may clinic. Bumalik ako sa may Science lab at pumasok sa loob. Binuksan na ng janitor ang Science lab.

Nakita ko na may lata sa sahig. Siguro nilagay toh sa sahig at kinulong siya dito para ma-suffocate siya ng usok. Sino kaya ang gagagwa nito. Siguro siya din ang muntikan nang bumaril kay Dianna sa parking lot. Sino kaya siya at bakit niya toh ginagawa?

Dianna Tolentino's
P.O.V

Medyo nahihilo ako pero nagawa kong buksan ang mata ko. Nang hihina parin ako pero okay na ang hinihinga ko. Napansin ko ding may inhaler mask ako. Naalala ko na yung nangyari kanina na mausok, hinika ako non pero paano ako napunta dito.

"Dianna! Dianna!"

Naalala ko yung boses ni Charles, siya siguro ang nagdala sakin dito. Inikot ikot ko yung paligid at napansin kong nasa clinic pala ako. Tumingin ako sa gilid ko at nakita ko dun sina Elisse, Grace, at Charles.

"Thank God gising ka na" sabi ni Elisse.

"Oo nga buti nagising ka na" sabi ni Grace.

Tahimik lang si Charles at parang malalim ang iniisip. Tinanggal ko ang inhaler mask ko.

"Gaano ako katagal tulog?" tanong ko sa kanila.

"Mga 3 hours na" sabi ni Grace.

"Ok, uhm..." nahihiya akong mag-thank you kay Charles.

"Ok ka na?" tanong sakin ni Charles.

"Uh...oo, thank you nga pala" sabi ko.

"Wala yon" sabi niya saka may binulong pero di ko yun masyadong narinig."Syempre, mahal..."

"Ano sabi mo?" tanong ko.

"Wala, sabi ko syempre niligtas kita alangan namang hayaan kita mamatay edi inakalang mudurer ako at nakulong pa ako" sabi niya.

"Pero thank you pa rin" sabi ko.

Nang medyo okay okay na ko nag-decide na akong umuwi. Hinatid na ako ni Charles pauwi. Pagkadating ko dun may sinabi sakin si Charles.

"Dianna, mag-ingat ka. Yung taong muntikan nang maka baril sayo at yung taong nag kulong sayo sa Science lab ay iisang tao lang. Mukhang matindi ang galit nila sayo kaya mag-ingat ka" sabi niya saka umalis.

Nagtaka ako sa sinabi niya. Umakyat ako sa kwarto ko at humiga sa kama ko. Iisang tao lang na may galit sakin? Sino kaya yun?

Next Chapter...

My Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon