Ngayon na ang halloween fest at ang saya neto. Hindi ko pa pinupuntahan yung haunted house pero madami na kong na try na activity. Kasama si Elisse at Stephen sa mga multong mananakot samin sa haunted house.
"Tara pasok na tayo" sabi ni Charles.
"O-ok" sagot ko.
Nakakapit lang ako sa braso niya pagpasok namin sa loob. Ang higpit ng hawak ko sa kanya dahil natatakot ako.
"Boo!" may biglang sumigaw.
"Ahhhh" sigaw ko.
Narinig kong tumawa yung multo. Nakuta ko si Elisse naka pang white lady.
"Wow Elisse ang ganda mo" sabi ko.
"Mukhang natakot kita ah" sabi niya.
"Oo sobra" sabi ko
Nagtuloy tuloy pa kami sa paglalakad ni Charles. May ilan ding nanakot samin. Pagkalabas ko nakaramdam ako ng pagihi.
"Ah Charles mag c-cr lang ako ah" sabi ko.
"Sure I'll wait here" sabi niya.
Pumunta na ako sa cr saka umihi. Paglabas ko dumaan muna ako sa may canteen para bumili ng biscuit. Nakakagutom pala matakot.
Habang naglalakad ako pabalik sa field walang tao sa hallway, nasa field ata lahat. Habang naglalakad ako nakasalubong ko si Jerick at Lucas.
"Oh bat kayo nandito?" tanong ko.
"Wag mo nang tanungin matulog ka nalang" sabi ni Jerick.
"Tulog?" tanong ko.
May nilabas na panyo si Lucas at tinakip sa bibig ko. Nakaramdam ako ng antok at nahilo ako hanggang sa nandilim na ang paningin ko.
"Syempre pupunta yon! We just kiddnapped his girlfriend" parang familysr yung boses na yon.
Dahan dahan kong minulat ang mata ko. Nakita ko si Amber, Emily, Hailey, Jerick, at Lucas. Nakatali ako at mukhang nasa lumang ware house. Nakita ko na tong ware house noon ito yung malapit sa school.
"Look whos awake" sabi ni Emily. Grabe siya gagawin niya toh sa best friend ng kapatid niya.
"Hello Dianna" sabi ni Lucas.
Di ako makasalita dahil may tape ang bunganga ko. Lumapit sakin si Amber tapos tinanggal yung tape sa bunganga ko.
"Ah!" sigaw ko dahil ang sakit ng pagkatanggal niya.
"Oops sorry" sabi niya.
"Hayop ka. Bakit niyo ko dinala dito?" tanong ko.
"Para gantihan si Charles" sabi ni Lucas.
"Bakit naman?"
"Staight to the point na nga lang" sabi ni Amber.
"Dahil inagaw niya ang pagka famous namin. May nag utos din samin na gumanti sa kanya. Siya lang naman ang taong iniwan ni Charles dahil sa fixed marrige niya na di niya kayang labanan. Nagselos siya sayo dahil ikaw pinaglaban ni Charles sa fixed marriged niya" sabi ni Jerick.
"Sino naman yun?" tanong ko.
"Nag ri-ring na" sabi ni Hailey saka binigay yung phone kay Lucas. Di ko alam kung sino ang tinawagan nila.
"Hello Charles"
Charles Montalvo's
P.O.VMukhang natagalan si Dianna sa pag cr. Habang hinihintay ko siya biglang nag ring yung phone ko.
"Hello?" sagot ko.
[Hello Charles] sagot niya.
"Sino toh?"
[Si Lucas]
"Oh bakit?"
[Nasaamin ang girlfriend mo] teka ano?! Si Dianna.
"Tsk maniwala"
[Oo nga eto. Hoy babae mag salita ka] parang pinapasalita niya si Dianna.
[Charles! Tumawag ka ng pulis wag kang pupunta dito madami sila!] si Dianna yon!
"Hoy anong balak niyo"
[Pumunta ka nalang sa lumang warehouse malapit sa school, bye] saka niya pinutolang tawag.
Nagmadali akong mag drive papunta sa lumabg warehouse na malapit sa school. Pagkadating ko dun walang tao. Nakita ko si Dianna na nakatali sa isang upuan. Lalapitan ko sana siya kaso may biglang sumuntok sakin.
"Hey there!" mukhang familyar yung boses.
Nakita ko na si Jerick ang sumuntok sakin. Ang nag salita ay si Nathalia.
"Nathalia?" tanong ko.
"Yup, tatanongin mo bakit ako nandito. Kasi nasaktan ako sa ginawa mo kaya gusto kong gumanti" sabi niya.
"Gago ka!" sigaw ko.
"Upakan na yan" sabi ni Amber.
Binugbog ako ni Jerick at Lucas. Nilalabanan ko din sila pero lamang sila dahil may hawak silang tubo.
"Charles tama na!" rinig kong sigaw ni Dianna.
Humarap ako sa kanya kaya nahampas ako sa ulo ng tubo ni Jerick.
"Sino bang nag utos neto sa inyo? Ikaw ba Nathalia?" tanong ni Dianna kay Nathalia.
"No, isa pang tao na sinaktan ni Charles" sabi ni Nathalia sabay harap sakin.
"Pwedeng bang sabihin mo na" sabi ni Dianna.
"Papunta pa lang siya" sabi ni Nathalia.
Biglang nag ring yung phone ni Nathalia.
"Oh look tumatawag siya" sabi ni Nathalia. Hinarap niya yung phone niya samin.
N.Y. calling
"Sino ba yan Nathalia?" tanong ko kahit nahihirapan ako mag salita.
"Ang kulit mo noh. Yung taong sinaktan mo" sabi ni Nathalia.
"She's here" sabi ni Amber.
"Tatago lang muna siya" sabi ni Hailey.
"Bugbugin niyo na yan" sabi ni Emily.
Pinagsuntok suntok ulit ako ni Jerick at Lucas. Naririnig kong sumisigaw si Dianna.
"Stop!" may biglang nagsalita.
Narinig kong may naglalakad at mukhang naka heels siya. Paglabas niya nagulat kaming lahat ng makita kung sino siya.
"Nathalia Yuman"
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
My Casanova Prince
Teen FictionCasanova, ayaw na ayaw ko sa mga Casanova dahil pinaglalaruan lang nila ang mga babae. Ako nga pala si Dianna Tolentino , hindi ako regular na babae dahil sobrang yaman ko at future owner ako ng kompanya namin sa Paris. Di ko aakalaing isang tao a...