Chapter 2: Vacation

1.2K 24 0
                                    

Sabado ngayon at ang schedule namin tuwing Sabado ay isang family vacation. Pupunta daw kami sa Boracay, nung isang Sabado Boracay din pinuntahan namin.

"Noona let's go" aya sakin ni Darren habang nasa kwarto ako.
(Noona-older sister)

Sumakay na kami sa sasakyan. Papunta kami sa airport kung nasaan yung private plane namin. Pagkadating namin don sumakay na kami ng eroplano. Nakatulog ako sa eroplano, ginising nilang ako ni  Darlene. Pagkababa ko ng eroplano sinalubong agad ako ng masarap na hangin. Pumunta kami sa hotel.

"Kapag tapos na kayo mag-ayos pumunta nalang kayo sa may beach" sabi ni mama.

"Omma?" sabi ni Darlene pero sinamaan siya ng tingin ni Mama."I mean Mom. Pwede bang mag speed boat ride?"
(Omma-mother)
"Sure" sabi ni Mama saka umalis.

"That was scary" sabi ni Darlene.

"Hayaan mo na Darlene" sabi ni Darren.

"Kumao so, oppa" sabi ni Darlene.
(Kumao so-thank you
Oppa-older brother)

Pumunta na kami sa may beach. Nag-speed boat sila habang ako nakaupo lang.

"Ang liit talaga ng mundo noh?" may biglang nagsalita sa likod ko. Hinarap ko siya.

"Casanova?! Anong ginagawa mo dito?!" tanong ko.

"Di ba pwedeng mag bakasyon din?" inirapan ko nalang siya.

Umupo siya sa tabi ko. Dahil na bored ako ni labas ko yung phone ko at nag selfie nalang. Dahil gusto ko na kitang kita yung background ko nahirapan ako dahil hindi naman masyadong mahaba ang kamay ko.

"Gusto mong pumunta sa may dulo. Maraming sa shells duon" sabi ni Charles.

Tumayo nalang ako at nagpatuloy sa pag se-selfie kahit nahihirapan ako. Kahit madami pa rin akong nakuha di pa rin ako makuntento dahil gusto ko maganda at perfect ang background. Biglang tumayo si Charles at kinuha yung phone ko.

"Anong ginagawa mo?" tanong ko.

"Pi-picturan ka" sabi niya. Tumango nalang ako at hinayaang picturan niya ko.

Maya-maya ngumiti siya sakin at tumakbo palayo. Kasama pa naman niya yung phone ko kaya hinabol ko siya.

"Yah!" sigaw ko habang hinahabol ko siya.

Sa wakas tumigil din siya. Kinuha ko yung phone ko mula sa kanya.

"Napapunta din kita dito" sabi niya.

Napatingin ako sa paligid ko, ang daming sa shells. Ito siguro yung sinasabi niya.

"Tama ako di ba" tumango nalang ako.

Kumuha kami ng mga sa shells. Di rin kami nag tagal don.

"Kumao so" sabi ko kay Charles.

"Marunong ka pala mag-korean" sabi niya.

"Uhm...oo" sagot ko.

"Balik na tayo?" tanong niya.

"Sure" sagot ko.

Bumalik na kami habang dala namin ang mga sa shells namin. Umupo muna kami at uminom ng juice. Naalala ko tuloy si Papa, nung mga bata pa kasi kami kapag pumupunta kami dito lagi kaming kumukuha ng sa shells di ko tuloy maiwasang malungkot.

"Ang saya noh?" tanong niya.

"Oo" sagot ko.

"Charles!" may biglang sumigaw. Tumingin kami sa likod tapos may nakita kaming babaeng tumatakbo papunta dito.

"Noona?" sabi ni Charles. Nag ko-korean din pala siya.

"Kanina ka pa hinahanap ni--Sino siya?" tanong nung babae.

"Uhm classmate ko. Noona this is Dianna. Dianna this is Corinne" pa kilala namin ni Charles.

"Nice to meet you" sabi ko saka nakipagkamay sa kanya.

"Sabi ko hintayin mo ko!" may sumigaw ulit. Napatingin kami sa isang lalaking tumatakbo.

"Sorry Carlos mabagal ka kasi" sabi ni Ate Corinne.

"Hay, sino siya?" tanong niya.

"Carlos this is Dianna. Dianna this is Carlos, my twin brother" pa kilala sakin ni Ate Corinne.

"Nice to meet you" sabi ni Kuya Carlos at nakipagkamay sakin.

"Noona? Hyung? Whats wrong?" singit ni Charles.
(Hyung-older brother)

"Omma is looking for you" sabay pa sila.

"Ok susunod na ko" sabi ni Charles.

Tumakbo paalis yung dalawa habang nagkukulitan.

"Hay yung kambal talaga na yon" sabi ni Charles."Sige bye"

Umalis na si Charles. Dumating na sina mama. Kumain muna kami sa may hotel. Nakita ko sa kabilang table si Charles kasama si Ate Corinne at Kuya Carlos. May kasama din silang isang babae at lalaki na mas matanda sa kanila, mukhang mommy at daddy niya.

Biglang nagstart yung music, sinyaw ni Darren si Darlene, si Kuya Carlos kasayaw si Ate Corinne. Biglang tumayo si Charles at lumapit sa table namin.

"May I have this dance?" tanong niya.

Tiningnan ko si mama at tumango siya sakin. Inabot ko yung kamay ko sa kanya. Hinila niya ko papunta sa gitna at sinayaw.

"You look wonderful" sabi ni Charles.

"Pwede ba tigilan mo ko sa mga bola mo" sabi ko.

"Masama ba mag sabi ng totoo" sabi niya.

Ngumiti nalang ako sa kanya. Nang matapos na yung music hinila ako palayo sa hotel ni Charles. Dinala ako ni Charles malapit sa tubig. Binigyan niya ko ng inumin.

"Bakit mo ko dinala dito?" tanong ko.

"Ayaw mo bang ma-enjoy yung view" sabi niya.

Tiningnan ko yung dagat. Maya-maya umalis si Charles, pagkabalik niya may dala na siyang bangka. Sumakay kami sa bangka. Medyo malayo na kami ng nag-salita siya.

"Ang ganda noh" sabi niya.
"Dati lagi kaming pumupunta dito. May nakilala nga kong bata dito dati eh. Binigyan niya ko ng kwintas, meron din siya para friend kami forever. Sayang nga naiwan ko sa bahay yung necklace"

"Ta-talaga?" di ko maiwasan mautal dahil sa lamig.

"Nilalamig ka na" sabi niya saka binigay yung jacket niya sakin.Bumalik na kami.

"Sige see you at school, Dianna" sabi niya saka umalis.

"Teka yung ja--" di ko na natuloy yung sasabihin ko dahil malayo na siya.

Pagbalik ko sa kwarto umupo ako sa kama at may ni labas sa bulsa, isang necklace. Sabi ni papa kapag binigay ko to sa taong gusto kong maging kaibigan magiging magkaibigan kami forever. Binigay ko yung isang ganito sa isang lalaki na
nakilala ko dito. Sabi niya Charl daw itawag ko sa kanya, akin naman Anna. Nasaan na kaya siya.

Next Chapter...

My Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon