Chapter 8: Escape

699 17 1
                                    

Dianna Tolentino's
P.O.V

Di ko pa rin makalimutan ang nakita ko kahapon. Nakakagulat ang nakita kong paghalik ni Charles dun sa babae.

"Bakit mukhang naapektuhan ka?" sabi ni Elisse na nasa kwarto ko.

"Hindi ako naapektuhan at masaya pa nga ko eh" mukhang nagtaka yung dalawa sa sinabi ko.

"Masaya?" tanong ni Grace.

"Yup. Kasi may fiancee na siya ibig sabihin di na niya ko guguluhin" sabi ko.

Nagtinginan yung dalawa. Biglang pumasok si mama sa kwarto at alam ko na ang susunod na mangyayari.

"Elisse, Grace excuse muna pero mag-re-review na si Dianna for her future. Yung para sa company namin sa Paris" sabi ni mama.

"Ok po tita. Bye Dianna" sabi ni Elisse.

"Bye Dianna" sabi din ni Grace.

"Bye" sabi ko.

Lumabasa na yung dalawa tapos binigay na sakin ni mama ang mga papeles at libro ng companya. Kailangan ko yung pag-aralan dahil ako ang future owner ng companya namin sa Paris. Lumabas na si mama sa kwarto at nag-aral na ko.

Halos dalawang oras na kong nag-aaral. Nakaramdam ako ng antok pero di ako pwedeng matulog dahil papagalitan ako ni mama. Kung pwede lang makaalis sa buhay na toh matagal ko nang gina--

Knock, knock

Nagulat ako dahil may kumatok. Knock, knock sure ako na hindi sa pinto yun dahil alam ko ang tunog pag sa pinto.

Knock, knock

Napatingin ako sa likod ko at nakita ko si Charles sa may bintana. Lumapit ako para buksan ang bintana.

"Anong ginagawa mo dito at paano mo nalaman kung saan ako nakatira?" tanong ko nang mabuksan ko ang bintana.

"Nagtanong tanong ako" sagot niya.

Pinapasok ko muna siya. Pinaupo ko siya sa may sofa.

"Kanina pa kita pinagmsmasdan at mukhang kailangan mo magpahinga" sabi niya.

"Di pwede papagalitan ako ni mama" sabi ko.

Nagulat ako dahil hinawakan niya yung kamay ko.

"Labas tayo kahit sandali lang. Kailangan mo maging malaya kahit sandali lang. Alam kong pakiramdam niyan kaya ginusto ko ding maging malaya" sabi niya.

Naisip ko din yun. Pareho kaming planado ang buhay at walang kalayaan. Maganda ng siguro kung maging malaya muna ako kahit sandali lang.

"Saan tayo pupunta?" tanong ko.

Ngumiti siya at binigay sakin ang jacket ko. Dumaan kami sa bintana para hindi kami makita ni mama. Sumakay kami sa sasakyan ni Charles at pumunta kung saan. Nakarating kami sa may beach. Umupo kami sa may buhangin.

"Ang ganda noh" sabi ni Charles.

"Oo, super" sagot ko.

Nagkaroon ng katahimikan. Ilang minuto rin ay nagsalita si Charles.

"Naalala ko nung bata palang ako may nakilala akong batang babae. Ang tawag ko sa kanya ay Anna at siya ang pinakaunang kaibigan ko. Ang tawag niya naman sakin ay--" pinutol ko yung sasabihin niya dahil may naalala ako.

"Charl" sabi ko.

"Paano mo nalaman?" tanong niya.

"Dahil ako si Anna" sabi ko sabay labas ng braceclet na may seashell na design.

Nilabas niya din yung braceclet na binigay ko sa kanya.

"Wow, destiny" sabi niya sabay tawa.

Tumawa na rin ako. Nagkatinginan kaming dalawa.

"Kaya kami casanova dahil hindi kami makapili ng babaeng mamahalin namin kaya random nalang. Kapag namili kasi kami ng babaeng mamahalin namin alam kong masasaktan lang namin siya. Dahil lahat kami planado ang buhay, ang fixed marrige" sabi niya.

Narealize ko kaya pala mayayaman ang mga casanova. Naiintindihan ko sila at gusto nilang maranassan ang buhay bago ito masayang.

Nagkatinginan lang kami. Hindi ko man sabihin pero sinasabi ng mga mata ko sa kanya na naiintindihan ko siya. Unti-unti siyang lumapit sakin at ipinikit ang mga mata niya. Pinikit ko na din ang mga mata at naramdaman ko nalang ang malambot niyang labi sa labi ko.

Bigla kong naramdaman ang pag-alis ng labi ni Charles sa labi ko. Minulat ko yung mata ko ar may nakita akong tatlong lalaki na humila at pinagbubugbog siya.

"Charles!" sigaw ko.

Tumayo ako para awatin sila pero may humawak sa braso ko. Nagulat ako kung sino ang humawak sakin dahil yon si mama.

"Umuwi na tayo" utos niya.
Tinanggal ko ang braso ko sa kamay niya at tatakbo sana pauta kay Charles pero pinaharap ako ni mama sa kanya saka sinampal. Hinila din ako ng mga bodygairds niya na bumogbog kay Charles papunta sa sasakyan. Naiwan si Charles na nahiga sa buhangin. Sigaw ako ng sigaw sa pangalan niya.

Inuwi na ko ni mama sa bahay at dinala sa kuwarto ko.

"Kelan ka pa natutong lumayas?" sabi niya.

"Gusto ko lang naman maranasan mabuhay, Omma" bigla niya kong sunampal ng sobrang lakas kaya napaupo ako.

Lumabas na si mama sa kwarto at nakita kong tumakbo papasok si Darlene.

"Unni, are you ok?" tanong niya sakin.
(Unni-older sister)

"Yes" sabi ko.

Humiga nalang ako sa kama at inisip si Charles. Siya ang fisrt friend and kiss ko. Di ko maiwasang mag-alala sa kanya. Ano kayang nangyari sa kanya. Dinaan ko nalang yon sa iyak.

Next Chapter...

My Casanova PrinceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon