"Aray!" hinigpitan nila ang pagkatali sakin.
"Shut up bitch!" may sumigaw na babae.
Binuksan nila ang ilaw at nakita ko si Amber kasama si Jerick. Maya maya may pumasok si Hailey at Emily.
"Ano toh?" tanong ko.
"Pagkatapos mong matalo kukuha ka ng basura. Hoy pathetic" sabi ni Hailey.
"Basura siya dahil tinapon mo" bigla akong sinampal ni Hailey.
"Shut up okay!" sigaw ni Hailey.
"Teka, gawin na natin yung kailangan nating gawin" sabi ni Emily.
"Ano yug gagawin niyo?" tanong ko.
"Its called black mailing. Inutusan lang kami ng isang tao na gawin toh. Madali lang din ang gagawin mo all you have to do is...." may binulong sakin si Amber."Diba madali lang"
"Where's the catch?" sabi ko.
"What catch?" tanong niya.
"Gusto ko din yung gawin eh. Kami ni Elisse boto sa kanya so anong rason kung bakit niyo yon gustong gawin?" tanong ko.
"Kasi sa kanila kami may galit. Hindi pa simula ang plano. Pag di mo yun ginawa..." may binulong ulit siya sakin.
"P-paano mo yun nalaman?" tanong ko. Paano niya yun nalaman?
"Di lang yan ang alam ko..." may binulong nanaman siya sakin.
"Stalker ka ba?! Paano mo yon nalaman?!" sigaw ko.
"Dahil bago pa magsimula ang plano nato pina background check namin ang lahat ng parte nito" sabi niya.
Pinalabas niya na ko sa janitor's room. Naglakad ako papuntag school garden. Di ko pa rin matanggal sa isip ko yung sinabi niya.
"Kailangan mo lang gawin ay suiguraduhin na sila ang magkatuluyan"
"Ipagkakalat ko na plastic surgery lang yang mukha mo"
"Ipagkakalat ko din na may sakit ka sa puso. Pag nalaman nila na may sakit ka kahit mahina lang yang sakit mo tatanggalin ka nila sa volleyball team. All your other sports, all your dreams will be crushed"
Di ko pa rin yon matanggal sa isip ko.
Dianna Tolentino's
P.O.VInayos ko na yung mga gamit ko. Ngayon manunood kami ng movie ni Charles, parang movie date.
Pagkatapos kong mag-ayos ng gamit bumaba na ko. Nakita ko sa labas ng gate si Grace. Nilapitan ko siya.
"Oh, Grace bakit ka nandito?" tanong ko. Bigla niya kong niyakap.
"Goodluck on your date" sabi niya sakin.
"Paano mo nalaman na may date ako?" tanong ko.
"Ah...ano...nasabi sakin ni Charles. Sige bye" sabi niya sabay alis. Ang weird.
Maya maya dumating na yung sasakyan ni Charles.
"Hey miss beautiful need a ride?" sabi niya sakin.
"Hay nako ang cassanova mo talaga" sabi ko sakanya.
Pinagbuksan niya ako ng sasakyan. Pagkasakay ko pinatunog niya yung radio.
(Now playing - You belong with me)
Nung nasa chorus na banda napa kanta na din ako.
"Cause she wear short skirts I wear t-shirts she's a cheer captain and I'm on the bleachers dreaming bout the day when you wake up and--" natigilang kami ni Charles dahil parehas kaming kumakanta.
Tumawa kaming dalawa. Pagkatapos ng kanta Taylor Swift ulit yung kanta. Sabay ulit kami sa kanta.
(Now playing - Back to Decamber)
"So this me swallowing my pride standing infront of you saying "I'm sorry for that night" and I go back to Decamber all the time"
"We're here" sabi ni Charles. Pinatay niya na yung radio.
Bumaba na kami at umakyat sa taas kung nasaan yung sinehan. Bumili kami ng popcorn at softdrinks. Pinanood namin yung Beauty and the Bestie.
Habang nanonood kami ang sakit ng tiyan ko kakatawa. Nasamid din ako sa sobrang tawa.
"Kung pwede lang ulit ulitin ang panahon eh" sabi ni Coco Martin sa movie.
"Madali lang naman yan eh" sabi ni Vice Ganda.
"Pano?" sabi ni Coco Martin.
"Edi ulit ulitin mo. Panahon, panahon, panahon" sabi ni Vice Ganda.
"Hahahahaha" ang lakas ng tawa ni Charles.
"Mukhang enjoy na enjoy ka ah" sabi ko sa kanya.
"Nakakatawa eh" sabi niya sabay tawa ulit.
Pagkatapos naming manood gumala gala muna kami sa mall. Nag decide kaming kumain sa inasal. Pagkatapos naming kumain nag arcade muna kami. Nanalo si Charles ng teddy bear sa claw machine at binigay sakin.
"Wow ang galing mo one try lang nakuha mo na" sabi ko sa kanya.
"Kasi ilang beses ko na tong nagawa sa mga babae ko" sagot niya.
"Oo nga pala cassanova!" sigaw ko tapos naglakad palayo.
"Hahahahaha tara na nga" inakbayan niya ako tapos naglakad kami palayo.
Nung pauwi na kami pumunta kami sa parking lot. May narinig kaming nag-uusap sa may parking lot.
"Babe I'm sure they're here" pamilyar yung boses na yon.
Tumago kami ni Charles. Tama nga ang hinala ko si Amber yon. Kasama niya si Jerick.
"Really?" tanong ni Jerick.
"Yes babe and I'm gonna make sure this is gonna be made perfectly" nagulat kami dahil may nilabas siyang baril.
"Tara na" bulong sakin ni Charles.
Naglakad na kami papuntang sasakyan. Nag drive na kami palayo. May narinig kaming pagputok ng baril. Parang yung sasakyan ni Charles yung binaril. Nagmadali mag-drive si Charles. Pagkauwi namin nakita namin na may bakas ng tama ng baril yung sasakyan niya.
"Bakit nila yon gagawin?" tanong ko.
"Ewan" sagot niya."Sige matulog ka na muna. Goodnight"
"Goodnight" sagot ko.
"I...." di ko narinig yung sinabi niya kasi binulong niya na.
"Ano sabi mo?" tanong ko.
"Ah, wala. Sabi ko sweet dreams" sabi niya.
"Ah okay bye" pumasok na ako sa loob.
Bakit kaya nila yon gagawin?
Next Chapter...
BINABASA MO ANG
My Casanova Prince
Teen FictionCasanova, ayaw na ayaw ko sa mga Casanova dahil pinaglalaruan lang nila ang mga babae. Ako nga pala si Dianna Tolentino , hindi ako regular na babae dahil sobrang yaman ko at future owner ako ng kompanya namin sa Paris. Di ko aakalaing isang tao a...