Silence 1

218K 2.9K 60
                                    


God is Good:)

Click the ★ babies. Magcomment din kayo para sa future ng sanlibutan:-D

Gomawo♡♥

OiBhabie

~~

"Close your mouth miss. That's so unladylike.."

The moment she met his eyes and he said those words was the moment when she felt that thump in her heart. And that was when she became damn speechless.

She was never quite. Not Krizzia Aliora. Not her.

Mamamatay ata siya kung hindi siya magsasalita. Dun siya expert eh! Ang magsalita at ang mag-ingay. Nakakahiya man na malaman ng ibang tao pero ganoon talaga siya. Sanay na siyang pagsabihan na unladylike siya, parang wala siyang pinag-aralan sa sobrang kaingayan niya and so on and so forth. The list is so endless. Okay lang naman sa kanya na pagsalitaan siya ng ganoon ng ibang tao dahil sanay na siya. What's bothering her now is what she felt when he heard him said those words. Tinubuan siya ng hiya bigla-bigla.

Was it because of his undeniably good looks or his sexy body?

Gosh! Nakakahiya talaga siya kaya umiwas nalang siya ng tingin mula rito. She couldn't believe that Jeremy BuenaFlor is Amanda's cousin. Eh bilyonaryo yun eh! Eh di super yaman din nung friend namin. Naiintindihan ko kung hindi pa gustong sabihin ni Amanda ang dahilan kung bakit naging runaway ang peg nito. Siguradong mabigat ang dahilan nito kung bakit naglayas ito.

Biglang nawala na siya sa sobrang pag-iisip nang nagpaalam na ang gwapong lalaki.

Napabuntong hininga na lang siya ng malalim. Kailan kaya sila magkikita ulit? Ang lungkot naman at umalis na agad ito. Nakapout na sumunod na lang siya sa dalawang kaibigan habang kinukulit pa rin si Amanda. Kahit nasa kotse na sila ay nanatiling nasa lalaki pa rin ang isip niya.

"Mabuti nalang at pinsan mo pala siya." Siyang-siya na sabi niya maya-maya.

"Bakit naman?" Baling nito sa kanya mula sa unahang bahagi ng sasakyan.


"Mas maganda ako sa iyo eh kaya mas bagay kami." Natatawang sagot niya at pabirong tinampal pa sa kamay ang kaibigan.

"Ang kapal ng mukha mo." Sabay na sabi ng mga ito habang natatawa na rin.

"Totoo naman ah! Tingnan niyo lang ako at makikita niyo ang tunay na kahulugan ng kagandahan." Aniya na tumatango- tango pa.

Ganyan siya ka confident na maganda talaga siya. She's tall and fair. She can even pass as a model. She's not as slim as Ella but she know that she's a real beauty. Ang kaibahan lang siguro niya sa mga ito ay nanggaling lang siya sa isang simpleng pamilya. Isang guro ang mama niya samantalang nagtatrabaho bilang engineer sa isang firm ang papa niya. Hindi man halata na hindi siya mayaman dahil sa hitsura niya ngunit bawi naman sa ugali niya.


She is never the quiet type. Siya yung babaeng maririnig mo nalang bigla ang boses sa sobrang kaingayan. Kalog siya na klase ng tao. Sabi nga ng iba ay nakakahiya siya minsan dahil sa lumalabas sa bunganga niya. Maganda nga pero walang class. Yun talaga siya at bahala na ang lalaking mamahalin niya na tanggapin siya. After all, naniniwala siya na kung mahal ka talaga ay tatanggapin ka ng buong buo ng taong iyon gaya ng pagmamahal ng mga magulang niya sa kanya.

Silence Means Yes ( Billionaire Bachelor Series 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon